◼ chapter 15

82 13 0
                                    

Chapter 15  The Queen is Jealous

Danny's POV

“Ano bang sinasabi mo, Samuel!” seryosong tanong ni Mommy.

“Nasa inyo na yun kung papaniwalaan niyo ko.” umakyat na si Kuya Sam ng kwarto niya at naiwan kami sa baba. Kahit si Daddy hindi makapaniwala.

“Dad and Ma. Pagod po ako, Sorry but I need to rest.” umakyat na rin ako sa taas at nagsarado ng pinto.

“Sana hindi yun totoo. Sana totong minahal ako ni Luke.”

School

“Danny.”

...

“Danny.”

...

“Danny, pansinin mo na si Luke. Kanina pa  yan.” bulong ni Rain sakin. Nakatuon lang ang pansin ko sa harap. Bwisit na seatmate to magpapalit kaya ako ng upuan.


“Danny.” this time kinakalabit na niya ako. Nang mapatingin naman ako sa kanya nakapout siya sakin. Eww! Di effective.

“Irish.”

“Gago ka ba? Sino ka para tawagin ako sa second name ko.” iritang sabi ko.

“Danny, pansinin mo na kasi ako. Mahal mo pa naman ako diba?”

“How dare you!”



“Bakit? Diba sinabi mo kahapon?”



“Eh ikaw? Mahal mo pa ba ko? Luke, look at me. Do you still love me o totoo nga na ginamit mo lang ako para makamove-on sa ex mong si Ynna?”


“Ynna?”

Hindi na ako nakapagpigil kaya lumabas na ako ng classroom. Nagpaalam akong mag-cr. Bwisit na luha to'. Nakakainis.

Nanatili muna ako sa CR bago ako tuluyang lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko si Lucas ang sumalubong sa akin.


“Problema mo?” pinunasan ko ang luha ko. Kapal niya, ang sakit kaya ng sinabi niya kahapon.


“Hindi ka pa ba move-on kay Luke?”


“Wala ka na don.” naglakad na ako palabas pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.



“Sabihin mo nalang sa akin pag naka-move on ka na.”



“Bakit ko naman sasabihin sayo? Sino ka ba hah!”




“Si Lucas.”




Leche! Hindi yun ang ibig sabihin ko. Nauna na ako maglakad pero tinawag na naman niya ang pangalan ko.




“Kung di mo kaya, tutulungan kita.”






“At bakit mo naman gagawin yun? Akala ko ba di mo ko type?”




“Ikaw na nagsabing, Kaibigan mo na ko.”



Bwisit. Akala ko naman may deeper meaning. Kainis!



Bumalik na ako sa room pero di ako pinapasok ni Ma'am. Dumating na rin si Lucas at nasa likod ko siya.


“Since, kayo nalang dalawa. Kayo na ang incharge sa Karaoke Booth para sa School Fest.”


Eh?


Bumalik na ako sa upuan ko at kinausap ko si Rain. “Anong school fest? Anong meron?”




Love, D #1: Love DannyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant