EPILOGUE

298 17 7
                                    

"Looooove, alam mo bang sobrang saya ko na nakilala kita?? Ni katiting wala akong pinagsisihan sa mga bagay na nangyari satin. Araw araw gusto kitang pasalamatan sa pagmamahal at pag aalaga mo sa amin. Sa dami ng pinagdaanan natin nanatili tayong magkasama at matibay. Love, ikaw yung nakasama ko sa masaya at malungkot na parte ng buhay ko. Isang malaking parte ka dito sa puso ko. Sobrang mahal na mahal kita at habang buhay kitang mamahalin hanggang sa aking huling hininga. Na lahat gagawin ko mapasaya lang kita. Ang sarap mong alagaan, pagsilbihan, mahalin. Na sa bawat paggising ko yung maamo mong mukha ang agad na makikita ko, at bago ako matulog yang makukulit mong tawa ang maririnig ko. Na pag may masakit sa akin haplos mo lang ang gamot. Pag natatakot ako yakap mo lang ang sagot. Mga kwentuhan natin na pampaantok, at mga paglalambing mo sakin pag hindi ako makatulog. Hindi ko tuloy alam kung paano magpapatuloy sa buhay kung wala ka." Napangiti ako.








"Sabi nga nila sa hinaba haba man daw ng prusisyon, sa simbahan parin daw ang tuloy... pero Love bakit naman ganito." Paghinto ko at napapikit ng sobrang sakit.









"B-b-bakit kailangan kana naming ihatid? Sobrang sakit ma-makita na andyan ka. Na dapat masaya itong kasal natin pero nang i-iwan ka." Humahagulgol nako at hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magsalita.

May umakap sakin at pagtingin ko si Amira pala, ang aming munting prinsesa. Umiiyak din sya kaya binuhat ko na sya at niyakap.

Napakabata pa ng anak namin para mawalan ng daddy.

"M-mommy, why are you c-cr-ying??" Humihikbi nya akong tinanong.

"My love, mommy's okay. Don't cry na ha? Mommy and Daddy loves you so much! So don't be sad." Pag papatahan ko sakanya. Kahit sa puso ko sobrang nasasaktan ako para sa anak namin dahil ngayon hindi nya pa maiintindihan.


Isang taon naming nakasama si Carlo buhat ng malaman namin yung sakit nya.

Pumunta na kami sa kung saan saan at humanap ng paraan para lang madugtungan ang buhay nya.

Sobrang swerte namin dahil bago sya mawala biniyayaan kami ni Lord ng munting prinsesa. Parang girl version sya ni Carlo dahil magkamukhang magkamukha sila.

Bago sya nawala talagang sinigurado muna nya na may makakasama ako hanggang sa pagtanda. At si Amira yon. Sya ang simbolo ng pagmamahalan namin.

Isang taon naming pinagplanuhan na magpakasal pero hindi kami pinalad. Kahit sobrang nakikita ko na lumalaban si Carlo sa sakit nya pero hindi na namin kayang makita syang nahihirapan.

Sa eksaktong araw na pinili naming ikasal dun sya binawian ng buhay. Gusto kong magwala, gusto kong manakit, gusto kong sisihin yung mga tao na bakit?! Bakit hindi nila pinahaba pa yung buhay nya. Hindi ba sila naaawa sa anak ko, sa akin. Hindi namin kaya na wala sya!!

Nung mga oras na yon parang mamamatay nadin ako. Pero narealize ko, na nasa mabuting kalagayan nadin sya. Walang sakit, kirot, hirap syang mararamdaman. Kaya kahit sobrang hirap tanggapin, ginawa ko dahil mahal na mahal na mahal ko sya.

"Love, patuloy mo kaming gabayan ng anak natin. Ipangako mo din sakin na hindi ka mambababae dyan." Pagpapatuloy at pagbibiro ko kaya natawa nadin ang aming mga kasama.

I tried to lighten the atmosphere.

Kasi kung nakikita kami ni Carlo ngayon magagalit yon kapag malungkot kami.

"Mahal na mahal na mahal kita. Mahirap pero kakayanin. Para sa pamilya natin. Ikaw yung greatest love ko. Yakapin mo kami lagi ni Amira bago matulog, at wag mong kakalimutan na igoodmorning kiss kami paggising namin." Piit ang boses ko at nagpipigil nanaman na wag maiyak.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon