Chapter 23

245 15 4
                                    

Tine's POV

Sinasabi ko na nga ba, hindi magandang ipagsama sa iisang table si Ken at Carlo. Ang awkward pa kasi nakagitna ako ngayon sakanila. T_T

Kakausapin ako ni Carlo tapos kakausapin din ako ni Ken. Ano ba naman to.

"Nagugutom kana ba?" Sabay pa nilang sabi.

Juice colored ano ba naman itoooooo!

"Ah-ahhh h-hindi pa." Hindi ko alam sinong haharapin ko sakanilang dalawa.

"Magwashroom muna ako ha?" Paalam ko sakanilang dalawa, pero ang totoo nyan gusto ko lang talagang makatakas sa commotion at huminga.

Ken's POV

Niyayabangan ata ako nung Carlo e. Tsss! Ako pa ba?!

Nagpaalam si Tine na pupunta muna daw sya ng washroom kaya naiwan kaming dalawa netong si angas.

"Nanliligaw ka ba kay Tine?!" Tanong nya kaagad nung nakalayo na si Tine.

"E ano naman kung sabihin kong oo?!" Hahahahaha! Ang sarap lang asarin netong isa na to. Halatang gusto ng manuntok.

"Di ako nakikipag gaguhan sayo tinatanong kita ng maayos." Seryoso nyang sabi.

"Matagal ko ng gusto si Tine, simula pa nung una ko syang makita. At oo, may balak akong ligawan sya." Realtalk yon mga tol.

Nagiba yung reaksyon nya.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko pa.

Tinignan nya ako at tumayo nalang sya bigla tapos lumabas.

"Ken, nasan si Carlo?" Nakabalik na pala si Tine.

"Lumabas e." Tapos tinuro ko kung saan dumaan si angas. Agad naman nya itong sinundan.

I can sense something between those two and I don't like it.


Carlo's POV

Pagkadinig ko nung mga sinabi ni Ken parang nasampal ako. Kaya ba hindi ako magawang mahalin ni Tine dahil sakanya? Pareho din ba kami ng nararamdaman?

May sumakit ulit sa bandang puso ko.

Tangina kahit selos na selos nako wala parin akong magawa.

Lumabas na muna ako. Magpapahangin lang.

"Anong balak mo? Iwan ako ng hindi nagpapaalam?!" Boses ng taong mahal ko na nagmumula sa likod ko.

Pagharap ko sakanya nakapout sya.

Haaaay. Bakit ba kahit anong sakit o selos yung dinudulot nya pero makita ko lang sya nawawala na kaagad?

"Baka kasi kailangan nyo ng time nung Ken para makapagusap. Mukhang miss na miss nyo yung isa't isa e." Di ko maitago yung selos na nararamdaman ko ngayon.

"Uy, bakit amoy selos banda dito???" Kunwari pang may inaamoy sa banda ko. Nangiinis pa e.

Di ko nga pinansin. Haha!

"Malapit na kaibigan ko lang si Ken, ikaw super closest bestfriend ko." Tapos hinawakan nya yung magkabila kong pisngi.

Ayan nanaman sya.

Alam na alam nya talagang palambutin yung puso ko.

"Gusto mo ba sya?" Kahit ako nabigla sa tinanong ko.

"Of course not! Best naman. Hahaha!" Tumatawa nyang sabi.

"Alam mo bang mahal ka nya simula pa nung second year ka?" Natigil sya sa pagtawa nya tapos nakatungo lang sya.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon