Chapter 53

185 9 0
                                    

Pagpasok ko sa tent isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon ibinuhos lahat ng hinanakit ko.

Lahat ng hapdi sa puso ko.

Sobrang sakit malaman na hindi nya ako kayang mahalin.

Pero mas masakit marinig na hindi nya ako kayang mahalin kasi mahal na mahal nya si Angel.

That really broke my heart literally.

"Elai! Elai! Are you okay???" Nagaalalang tanong ni Aly.

Pinapasok ko sya.

"Hey, what happen? Why are you crying??" Pagaalala nya habang pinapatahan ako sa pagiyak.

"I'm really sorry guys. I didn't intend to ruined the vacay yet it sucks because of me." Umiiyak kong sagot.

"Nothing to worry about it but can you please explain to me what is happening between you and Glenn?" She looked at me in the eye.

I sighed.

"I fell inlove with him. I fell inlove with my bestfriend. I fell inlove with Glenn since day one. I loved him from afar.  I'm secretly hurting. And it really hurt so damn bad Aly." Hagulgol kong saad. Niyakap nya ako.

"Napakatanga ko kasi minahal ko sya. Sakanya umikot yung mundo ko. Sa loob ng anim na taon sakanya lang tumibok yung puso ko. Sya lang yung nakita ko. Yung kahit nasasaktan na nya ako pero patuloy ko parin syang minamahal. Yung kahit nagmumukha na akong tanga, isang tawag... text lang nya... shit! Tanga nanaman ako. Yung kahit alam kong masasaktan lang ako, basta sya hindi ko matiis. Hindi ko mahindian. Bakit kasi sya pa?!" Hinang hina na ako. Gusto ko nalang magpahinga para makatakas sa sakit.

"Hush now Elai. Hindi mo kasalanan na nagmahal ka. At sya yung minahal mo. Tanga sya kasi hindi ka pa nya makita. Tanga sya kasi sinasaktan ka nya. Tanga sya kasi pinakawalan ka nya. You don't deserve him. Cheer up now! Were always here for you." She said, trying to ease the pain I'm feeling right now.

I smiled.

"I'm okay. Don't worry. I'll be okay soon." Pinilit kong ngumiti.

"Go get some sleep now. Let's enjoy the trip." Nginitian nya ako at niyakap bago sya umalis.










Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog, kaya naisip kong maglakad lakad na muna.

Paglabas ko sa tent napagtanto kong tahimik na pero meron paring mangilan ngilan na nagiinuman at nageenjoy pa. Pero yung mga kaibigan ko tulog na.

Habang naglalakad ako sa tabing dagat may lalake akong nakitang nakaupo.

Likod palang nya alam kong sya na yon.

Tatalikod na sana ako ng...

"Elai!!" Pagtawag nya sakin.

Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga.

Hindi ko sya hinarap at nagpatuloy sa paglalakad.

"Can we talk??" Pagpigil nya sakin atsaka nya ako hinarap sakanya.

"Glenn, nagusap na tayo diba? Alam mo na at ipinaliwanag ko na sayo ang lahat. Please naman hayaan mo na muna ako." Malungkot ko syang tinitigan.

"I can't. I know it really sound so selfish but I can't lose you Elai. The fact that you'll distance yourself to me... damn! I can't." I saw pain in his eyes.

Ganito na ba talaga sya kaselfish?!

Naluha ako.

"Anim na taon, anim na taon akong lihim na nagmahal sayo. Anim na taon akong patagong nasasaktan sa tuwing nakikita kitang masaya sa piling ng iba. Anim na taon akong umasang makita mo naman ako hindi bilang si Elai na bestfriend mo, kundi si Elai na isang babaeng pwede mong mahalin. Anim na taon akong kinilig, sumaya, nalungkot, umiyak, nasaktan ng dahil sayo. Pero Glenn tama na. Gusto ko namang maramdaman yung mahalin din ako pabalik." Hindi ko na alam kung alin pa yung masakit sakin.

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon