Chapter 59

166 4 0
                                    

Carlo's POV








Dalawang linggo...








Dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong huling paguusap namin ni Tine.





Dalawang linggo na akong nagtitiis na hindi na muna sya guluhin, kulitin, kausapin, kamustahin, mahalin.


Mahalin??


Yun ang hinding hindi ko magagawa.


Walang oras, araw na hindi ko sya minahal at mamahalin.





Miss na miss ko na sya.





Gusto ko na syang makita, malapitan, mayakap.


Gusto ko ng marinig yung boses nya.


Yung mga lambing nya.


Iloveyou's nya.


Nakakabaliw!!





Tanging pagtingin nalang sa mga pictures nya at pagulit ulit ng mga videos nya dito sa phone ko ang ginagawa ko para mabawasan kahit papaano yung pagka miss ko sakanya.














Ilang linggo pa ang lumipas...





Ayaw parin daw nya kong makausap at makita.


Hinayaan ko nalang muna.


Kahit ang totoo mamatay matay na ko sa pangungulila sakanya.


Gabi gabing tumutulo yung mga pesteng luha sa mga mata ko, masisiraan nako ng bait sa pagiisip kung ano bang pwede kong gawin para patawarin na nya ko.

Bakla na kung bakla pero tangina gagawin ko talaga lahat bumalik lang ulit kami sa dati.


Sinubukan ko syang pasyalan sakanila pero sabi ni tita wala daw sya sa bahay.

Gusto ko man syang tawagan o itext pero baka makulitan sya at mas lalo nya kong di kausapin.


Haaaaaaaaaaaaaaay!!!





Ichecheck ko nalang yung mga social media accounts nya.





Pero bad luck kasi walang  update. Ni isa.





FACEBOOK


INSTAGRAM


TWITTER





Malinis.


Wala talaga.





Mas nagaalala ako sa ginagawa ni Tine.


Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip nya ngayon. Pero sana wag naman nyang pagisipan ang pagiwan sakin.





Kasi parang inuunti unti na nya.





Parang ginagawa nanamang punching bag yung puso ko.





Ang sakit.





*Calling Lawrence*


Ilang ring palang sinagot na nga ni ungas.


"Hay putangina may problema kana naman ano?! Tara inom! Pero sagot mong gago ka. Give me 30 minutes magkita tayo sa tambayan." Pagkasagot na pagkasagot palang nya ganyan na nga yung ibinungad nya sakin. Ni hindi man lang ako pinagsalita at pinatay na yung tawag.





Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon