Chapter 32

181 11 1
                                    

Ang aga kong pumasok kaya loner tuloy ako. Nakakainis pa kasi nakalimutan ata ni Daniel na anniversary namin ngayon. Naginit tuloy yung mga mata ko.


6:58 na pero wala parin sila kaya papasok nalang akong mag-isa.


Nung tatayo na sana ako para pumasok sa classroom bigla namang nagkumpulan yung mga estudyante sa paligid ko, then someone started to play a song while strumming the guitar.


A familiar voice.


The voice of the man that I love the most.


(My One and Only now playing)


They started dancing a slow dance then I saw Shana carrying a big piggy stuff toy. Geez! Damn cute. 😍


Nilapitan nya ako tapos binigay nya sakin yung baboy na stuff toy then inaya nya akong pumunta sa gitna nung mga nagsasayaw.

I'm really clueless on what's happening.

Noong una ayaw ko kasi wala akong kaalam alam sa mga nangyayari pero hinila na nila ako kaya wala na akong magawa.


Isa isa nila akong nilapitan at inabutan ng red rose.


Kakausapin ko sana si Shana para itanong sakanya kung ano ba tong ginagawa nila pero umalis sya sa tabi ko at sumabay sya sa mga sumasayaw.





Then they stopped dancing. They were like mannequins.


A white screen and projector started playing a video that caught the attention of all the people whose watching us.


I lookee at the screen, that was me and Daniel.


From the day we started dating up until now.


Natawa pa ako sa ibang pictures namin kasi sobrang wacky. Hahahaha!


Nakakahiya yung mga itsura namin. :D

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko nang magsimula na syang magsalita sa video.

"Sino bang magaakala na isang babaeng dayo dito sa Bulacan pala ang magpapatibok ng puso ko?" Tapos tumatawa sya dun sa video.


Nakatitig lang ako sa screen.

Nagiinit na yung mga mata ko.

"Akala ko nung una wala na akong chance sakanya kasi wala pa naman binusted na nya ako. Ang sakit kaya non." Nagkunwari pa syang nasasaktan pero natatawa naman sya. Hahahahaha!


"Pero hindi ko sya sinukuan, kasi gusto ko syang protektahan simula nung araw na makita ko syang umiiyak. Hindi ko pa sya kilala pero ramdam ko na ang sarap nyang mahalin. Ang sarap nyang magmahal." A genuine smile. His smile that makes me weak. :)

Pumatak na yung mga luha sa mata ko.


"Success naman e. Kasi yung babaeng dating pinapangarap ko lang ngayon kasama ko ng nagcecelebrate ng anniversary namin. Yung mga tanong ko noon, ngayon nasagot na. Pero isa lang ang hindi. Yun ay "KUNG BAKIT KA MAHALAGA"." Natawa sya ng sobra sa kakornihan nya. Natatawa ako pero at the same time umiiyak. Kasi tumatagos sa puso ko yung mga sinasabi nya.


The screen blacked out.


My eyes searched for him pero wala sya.


"Miss gorgeous! Ako po ba yung hinahanap nyo?" Nakangiti nyang sabi. Nasa stage pala sya. Naiyak na talaga ako. Kasi sobrang overwhelmed ako sa surprise nya.


May bitbit padin syang gitara at nagtuloy na sa pagkanta. Nung nasa huling part na ng kanta may mga balloons na nagsilaglagan galing sa taas. Kumanta nadin silang lahat at nakita ko din doon si Eric tapos unti unti akong nilapitan ni Daniel.


"12 months? Sisiw! Wag na tayong magbilang ng months o ng years kasi forever tayo. Bob, Happy Anniversary and I love you so much!" He kissed my cheeks and hugged my tight. He then gave me a boquet of pink roses.


Kinurot ko yung braso nya.


"Awww!" Sabay tingin sakin.


"Ikaw kasi e. Akala ko nakalimutan mo. Ngayon pala may paganito kana. Nakakainis ka naman e." Umiiyak kong sabi.


"Ako pa ba? Makakalimot? Bob, alam mo namang sa ating dalawa ako yung pinakaobsessed. Mahal na mahal kita, wag ka ng magtampo." He kissed the top of my head.


I heard the crowd says AWWWWWWWWWWWWWWWWWW.


Kinilig tuloy ako lalo. Hahahaha!


"I love you Bob! Happy Anniversary." Bati ko nadin sakanya tapos kiniss ko sya sa pisngi.


"Naisahan mo ko ngayon ah, kasi sobrang busy sa school at training kaya wala akong nagawang pasabog. Pasalamat ka. Pero sobrang thankyou! Pinatunayan mo lang sakanila kung gaano ka patay na patay sakin." Sunod kong sabi tapos nagsitawanan yung mga tao. Hahahaha!

Tangina bat ko nga ba nasabi yon. 😂😂


Natawa sya.





"Kaya nga sobrang thankful ko e. Laking tulong." Pangiinis pa nya.

"At opo. Sobrang patay na patay ako dito sa girlfriend ko." Sigaw nya sa mga tao.

Nag AYIIIIIEEEEE pa sila.

Siguro kung may mas dark red pa yun na yung kulay ng mukha ko ngayon. Hahaha! 🙈🙈

"Haba ng hair ah! Super pasabog!" Napatingin ako sa nagsalita at pagtingin ko sila Eric at Shana pala.


"Thank you ah. Alam kong napagod at napuyat din kayo. Maraming salamat talaga." Bati sakanila ni Daniel.


"Wait! What?! Matagal nyo na ba tong alam?" Nagtataka kong tanong.


Nagkatinginan silang tatlo.


"Bob kasi humingi ako ng favor sakanila kaya sinecret muna namin sayo." Depensa ni Daniel.


"No it's okay. I just want to say thank you sainyong lahat." Nginitian ko sila at nagyakapan kami. Hahahaha!


"Basta ba para sayo babe at sa ikakasaya mo." Sagot ni Shana.


"Oh oh oh! Tama na yan, nagseselos nako." Tapos kumalas na kami sa pagkakayakap. Parang timang talaga si Daniel. Hahahahah!


"Sakin ka lang ha? Mahal na mahal kita Bob." Seryoso nyang sabi.


Hinawakan ko yung magkabila nyang pisngi.


"Sayo lang ako, wag kang magalala. Ikaw lang po. At mahal na mahal kita, wag na wag mo yung kakalimutan." Sagot ko sakanya.


"Luckiest boyfriend here." Nagtaas pa sya ng kamay.


"Acting like an immature huh?" Pangiinis ko sakanya.


"I know you find me cute when I'm acting like this." Nakapout nyang sabi.


"Can you two just stop being sweet in front of us?" Bitter talaga netong si Shana. Hahahaha! Natawa nalang tuloy kami.





Nagpasalamat lang si Daniel dun sa ibang pinakiusapan nya para maging successful yung flash mob nila then pumasok na kami sa kanya kanya naming classroom.


Cause of delay nga daw kami sa mga classes pero akala namin galit yung mga prof yun pala kinikilig din sila. Thank you Lord. Hahaha!

Babawiin ko na pala yung sinabi kong sirang sira yung araw ko ngayon. HAHAHAHA.

A/N

Sorry natagalan ng update. Pero tatry ko, este pipilitin kong makapagupdate ng tatlong chapters ngayon.

Godbless! :)

SML! 😘

-Kettlekorn❣️

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon