Chapter 47

138 2 0
                                    

(Imagine nyo na lang na may dagat sa baba nung cliff hehe)

(Bea's POV.)

Patuloy sya sa pagtakbo kahit na kumikirot na ang kanyang tiyan ay ang mahalaga ay makatakas sya kay Arvie. Nang tuluyan syang nakalabas ng gubat ay tiningnan nya kung may magagamit syang bangka o kahit na anong pedeng gamitin para makatakas.

"Hindi ka na makakaalis dito Bea sinabi ko na hindi mo ko matatakasan" Nakangisi nitong sinasabi na wala na syang mapupuntahan

"Sumama ka na lang sakin magiging masaya ka sa piling ko magiging masaya tayo" parang baliw pa rin nitong sabi habang matamis ang pagkakangiti

"Hinding hindi ako sasama sayo at kahit anong gawin mo ay hinding hindi mangyayari ang gusto mo kaya tigilan mo na ko!!" galit kong sabi dito

"Hindi kita titigilan Bea, akin ka pang AKIN KA LANG!! " sabi ni Arvie. Nakita ko ang pag abante nito kaya napa urong ako pero naramdaman ko na wala na ko tutungtungan sa susunod na pag urong ko.

"Wag kang lumapit..." banta ko dito pero patuloy pa rin ito sa pag lapit "SABING WAG KANG LALAPIT!! " sigaw ko kaya napatigil ito pero nakangisi ito.

"Tigilan mo na ko Arvie alam mo na wala talaga itigil mo na tong kahibangan mo hindi na ko sasama sayo... " pag mamakaawa ko rito pero dumilim lang mukha nya

"Anong wala Bea. Meron, meron pa kaya dapat sumama ka sakin at ipapakita ko na sakin ka dapat na ako talaga ang mahal mo" sabi nito at ngumiti ng matamis.

Tumingin ako sa bangin tinutungtungan ko at kitang kita ko kung gano nakakatakot ang baba ng bangin. Para syang isang lugar na walang nakakatakas. Nakakatakot, nakakakilabot.

Bumaling muli ako kay Arvie "Arvie pabayaan mo na lang ako, pakawalan. May mahal na kong iba at hindi magbabago.. " sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. Napatingin doon si Arvie.

"Siguro yan ang dahil kung bakit ayaw mong sumama sakin... " kinabahan ako sa sinabi nya.

"A-anong ibig mong sabihin.. " kinakabahang tanong ko dito. Tumingin muli sya sa mga mata ko. Eye to eye.

"Akala mo ba tanga ako Bea. Hindi ako tanga alam ko na buntis ka pero wag kang mag-alala dahil mawawala na yang sagabal sating dalawa at ang anak ko ang papalit dyan sa batang nasa tyan mo... " nahindik ako sa sinabi nya. Nanlamig ang buong katawan ko at nangangatal sa takot.

"W-wag mong idamay ang baby wala syang kinalaman dito" sabi ko dito kahit sobra na ang takot na nararamdaman ko.

"Wala. WALA!!" sabi nito saka itinutok ang baril sa kanya especially sa tiyan nya. "Yan, yan ang dahilan kung bakit ayaw mong sumama sakin. Handlang ang batang yan sa pagmamahalan natin kaya dapat mamatay na yan" sabi nito at nakita ko ang pagkalabit nito sa baril.

Hindi ko alam pero parang instincts ko ang aking ginawa. Ang pag urong sa bangin.

Sabay ng aking pag urong ay ang aking pagkalaglag sa bangin at ang narinig kong putok ng baril kaya napamulat ako at parang slow motion na nakita ko si Jake na nasa taas naka tingin sakin hanbang hawak sya nina Ace at Chrystal. Napa iyak ako dahil sa huling pag kakataon ay nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko.

Hinawaka ko ang akin tiyan. Baby sorry di na natin makakasama ang daddy at mga friends ni mommy... Sorry baby...

Habang nalalaglag ako sa napakataas na bangin ay bumabalik sakin lahat ng ala ala ang masasaya at malulungkot na alaala. Ang pagtatanggol sakin ni ice, ang kulitan namin, ang mga bonding naming magbarkada, ang Western high kahit na madaming hindi magandang nangyari, ang mga lungkot at s in Jake...

Western HighWhere stories live. Discover now