Chapter 11: Phone Call and Kidnapped part 2

6.7K 211 0
                                    

Hey guys this is the part 2 of chapter 10: Phone call and Kidnapped

Hope you would like this chapter

------------------------------------------------------

ICE POV.

Nandito kami sa bahay para maghanda bago magpunta sa place kung nasan sina Bea, syempre di pwedeng basta basta na lang kaming Pupunta dun. Nagtatago kami kaya di pwedeng ireveal namin ang katauhan namin. Di pa naman kami TANGA noh hahaha.

Kinuha ko na yung maskara ko. Oo alam kong ang alam nyo na kay Tania impostora itong maskara ko. Syempre magaling ako dahil palihim ko tong kinuha sa kanya. Nabwibwiset ako sa tuwing naaalala ko ang ginawa nyang pagpapanggap na ako dapat sya na lang ang pinapatay ko noon sa mga lalaking pumupunta sa school para lamg pumatay para di ako nabwibwiset ng ganto sa kanya at isa pa hanggang ngayon sya pa rin ang kinikilalang Queen. Bwiset.

Naalala ko pa yung mga nangyayari sa school nung simula ng umalis ako dito. Siguro ito yung ika limang araw at bukas na ang birthday ko. Grabi ang gandang birthday ito ha.

"Let's go..." Sabi ko sa kanila. Tumango lang sila at saka kami umalis. Pagkalabas namin sa bahay pumunta kami sa kanya kanya naming motor at saka pinaharurot ang mga ito papunta kung nasan sina Bea...

Dustine POV.

Andito ako sa bahay para kunin ang kotse ko kasama ko rin dito ang Death Royalties Gang. Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin ay saka na kami umalis papunta kina Jake....

Pagdating namin doon ay may mga motor na nakaparada sa harap nitong abandonadong building pero wala akong pakialam kung kanino man yun basta ang nasa isip ko lang ay mailigtas sila...

Pagkapasok namin ay marami ng mga nakatumbang mga tauhan kaya agad na lang kaming pumasok sa pinaka main building siguradong nandoon sina Jake....

Habang naglakakad kami may narinig kaming ingay sa loob

"Ano kaya yun?" Tanong ni Andrea. Umiling na lang ako sa kanya at saka kami naglakad ulit at sundan kung san nanggaling yung ingay... Pagkarating namin kung san nanggaling yung ingay may nakita kaming limang tao na nakikipalaban di pa namin nakikita kung sino sila pero sure ako na inililigtas nila sina Bea at Jake...

"Good your here..." Sabi nung babaeng naka violet na maskara...
WAIT... Si VIOLET yan ah...

Napatingin naman yung mga gusto ring magligtas kina Bea...

At dun nakita kung sino ang matagal ko na talagang hinahanap...

"Queen..." Bulong kong sabi... Kung tinatanong nyo kung bakit siguro nakamaskara pa rin sya pero nagpakilala na naman samin si Tania bilang Queen
(A/N: remember chapter 8: day 4 dun po yun..) Hindi talaga ako naniniwala dahil kung sya talaga si Queen Hindi sya magpapakilala

*flashback*

"Queen kung dumating ang panahon na kailangan mo ng sabihin kung sino ka talaga.... Ipapakita mo ba kung sino ka talaga?" Tanong ko sa kanya....

"Kung mangyayari yung.... Hindi ko pa rin sasabihin dahil Hindi naman talaga kailangan..." Sabi nya sabay ngiti

*end of flashback*

Kaya di ako naniniwala na sya talaga si Queen because I know that she's just an impostor so I don't want to believe her....

"Good that your complete... cause I will start the true party...

VSG (Violet Snake Gang) kill them... " at saka sumugod ang mga VSG may sumugod saking limang lalaki bawat atake nila ay naiiwasan ko lang nung tumigil sila ay ako naman ang sumugod  yung pinamalapit sakin ang inuna ko...

Sinapak ko sya at sapul sa panga nya kaya napa upo sya. Kasunod sinipa ko sa tyan, tumalsik. Yung kasunod naman ay Hindi ko napansin kaya nasuntok ako sa mukha...

Bakit mukha ko pa?!?!....

Kaya sinuntok ko din yun sa mukha. Nagsabay na sumugod yung dalwa, parehong tabi ko kaya para Hindi masuntok ulit angukha ko ay agad akong yumuko dahilan para masuntok nila ang isa't isa...

May sumugod ulit sakin. Nag spinning kick ako sa taong muntikan na kong masuntok. Tumilapon naman 'to. Sinuntok ko kung sino man ang mga lumalapit sakin... May natirang 3 kalaban na lumapit sakin sinuntok ako nung dalwa nakatama yung isa pero yung isa ay hindi. Kaya inuna kong suntukin ay yung naka suntok sa gwapo kong mukha

(A/N: wow nasa gitna ng laban pero kayabangan ang inuna hahahaXD)

Author gusto mo ba pagkatapos ko dito ikaw ang isunod ko

(A/N: di na di na--- WAIT ako ang author nito ba't ako natatakot sayo baka burahin pa nga kita sa istoryang ko eh!!)

Oo na di na sorry author (^_^)V

Natalo ko na yung dalwa at isa na lang ang natitira. Ako kaagad ang unang sumugod. Sinipa ko sya sa mukha pero nahawakan nya ang paa ko saka nya ko hinila dahilan para mapahiga din ako dahil hawak nya parin ang isa kong paa ay ginamit ko yung isa para sipain ang paa nya. Ngayon sya naman ang nakahiga, so I punch him hard. Tumalikod na ko pero feeling ko susugod ulit sya kaya ginamit ko sa kanya ang spinning kick ko at K.O.

Humarap na ako kung nasan ang leader ng VSG. Lahat kami ay may mga galos sa katawan.

 

"*clap clap clap* very good... all of you, you did a very good scene I love it... I feel a bit bored so lets fight..." Sabi nya. Tumingin sya kay Queen at kasunod ay samin *smirk*

Bigla na lang sumugod si Violet kay Queen kaya di kaagad sya nakailag. Dumugo yun labi ni Queen nakaharap kasi si Queen habang si Violet ay nakatalikod naman samin. SHIT!!! unfair Violet have knuckles as one of her weapon but Queen don't have any... This is so unfair...

Lalapit sana ako pero biglang nagsalita si Queen...

"Don't you dare to go near us I will make sure both of them will be dead hahaha!!!" Sabi nya at tuloy parin sa pagtawa...

Kaya no choice kami kung Hindi ang sumunod sa kaniya. Lumapit ako kay Dwane...

"Dwane and Andrea help Bea and Jake..." Utos ko sa kanila. Tumango sila at saka umalis.

Habang niligtas Nina Dwane  and Andrea sina Jake and Bea ay pinapanuod namin silang maglaban (Queen and Violet)

ICE POV

Nakita ko sina Dwane na tahimik na nililigtas sina Bea dahil nawala ang pansin ko kay Violet ay nagkaroon sya ng opportunity na masuntok ako sa mukha napa 'awww' naman ako. Tumingin ako sa kanya habang pinapahid ang dugo ko sa labi ko. Shit I hate seeing bloods. Unti unti nararamdaman kong magbabago ang kulay ng mata ko. My brown eyes turns into a blue one.

So I think I need to fight seriously

(A/N: guys nasa mm yung itsura ng abandon building kung sila nagrarambulan hehehe)
✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂

Opsss cut muna don't worry may part two naman po 'to. Masyado kasing hahaba ang chapter na to kung di ko icu-cut hehehe.

Western HighWhere stories live. Discover now