Chapter 23: Victoria Mendez (flashback)

4K 126 4
                                    


Ice POV.

*flashback*

Nung gabing yun nagpunta ulit kami sa school para nagbantay, kahit na nangyari na ang pangyayaring yun Di pa rin kami tumigil para magbantay.

Sa pagbabantay namin sinisigurado naming wala ng Tao ang natitira pa sa school para ma-sure na wala ng issue PA na mangyayari.

Nung dumating na ang hatinggabi ay napag-desisyunan na namin ni Bea na umalis na dahil wala na namang taong pupunta sigurado ng ganting kagabi.

Nung bumaba kami sakto na may nakarating babae na nakatungo. 'Gabing gabi na nasa labas pa' yan lang ang nasabi ko sa sarili ko kaya naisipan kong lumapit at tanungin sya kung bakit nandito pa sya ng malalim na sa gabi.

Nung inangat nya ang ulo nya para Napatingin sakin ay ganun na lang ang pagkagulat ko ng mapagtanto ko kung sino ang taong iyon.

"V-vic..." Ngumiti na lang sya pero nakakakilabot ang ngiti nyang iyon. Alam kong nagulat din si Bea dahil napahawak sya sa braso ko.

"Oh... Kilala mo pala ako... Kilala pala ako ng QUEEN..." Sabi nya at pinandiinan nya talaga ang salitang Queen.

"H-hating g-gabi na b-bakit ka pa nandito?" Sabi ko sinusubukan kong wag mautal pero nautal pa rin ako sh*t.

"Bakit ka nauutal MAHAL NA REYNA... Natatakot ka bang malaman ko kung sino ka ba talaga..." Galit nyang sabi. Lumapit ako sa kanya pero Di ko inaasahan ang ginawa nya.

Sinipa nya ako sa tyan ng malakas kaya naging dahilan yun para maupo ako.

"Ano bang problema mo Victoria?" Sabi ni Bea pero siguradong Di kami makikilala dahil may voice changer kami kaya Di nya kami makikilala.

"Hahaha gusto mo ba talagang malaman ang problema ko?" Tanong nya "ang problema ko lang naman ay yang nagrereyna reynahang babaeng yan..." Sabi nya at bigla nya akong sinugod. Nasuntok nya ko sa mukha kaya napa upo na naman ako. Tinapunan nya ko ng katana pero nakailag din naman ako kaya Di ako natamaan.

"MAGALING ka pala talaga... Sa sobrang galing nabwi-bwiset na ko." At sumugod na naman sya.

"Tumigil ka na Di kita lalabanan" sabi ko at tumawa lang sya habang sinusugod pa rin ako at ako naman ay umiilag lang.

"Hahaha nagpapatawa ka ba?.. Naturingan kang QUEEN pero duwag ka naman!!!" Sabi nya at lalo pa nya kong sinugod.

Sugod lang sya ng sugod gamit ang katana nya at ako naman ay umiilag lang ng umiilag hanggang sa nadaplisan nya ko sa braso. Napadaing ako sa sugat na natamo ko.

"Ano masakit ba... Kulang pa yan.." Sabi nya at sinugod ulit ako.

Kung nagtataka kayo kung nasan si Bea ayon nilalabanan nya yung isang lalaking kasama ni Victoria kaya nag tig isa kami ng kalaban.

Sumugod lang sya hanggang sa nakakuha ako ng tyempo ma makapunta sa likudan nya at inilagay ko ang braso ko sa leeg nya.

"Stop this Victoria this is nonsense" sabi ko sa kanya

"No one can stop me from doing this... Titigil lang ako kapag napatay na kita!!!" Sabi nya at sumunod nyang ginawa ay ang Di ko inaasahan... She take off my mask agad akong humiwalay sa kanya para matakpan ang mukha ko.

"Bakit mo tinatakluban ang mukha mo... Natatakot ka ba na malaman ko kung sino ka ba talaga??" Tanong nya habang nakangiti pero Di ko pa rin tinatanggal yung kamay ko sa mukha ko.

"Ah ganun kung Di mo ipapakita yang mukha mo ako ang gagawa!!!" Sigaw nya at saka sumugod sakin. Ilag lang ako ng ilag sa mga tira nya kaya Di ko napansin na may paparatin na katana na galing kina Bea kaya na daplisan ako sa kamay dahilan para matagal ko ang kamay ko sa mukha dahilan para tuluyang makita ni Victoria ang mukha.

Sandali syang natulala ng makita nya ang itsura ko at Maya Maya lang ay tumawa sya.

"All this time nasa harapan ko lang pala ang babaeng hinahanap ko..." At ang huling salita ang syang pinaka ayaw mong narinig mula sa kanya.

"Ang babaeng kinamumuhian ko..."

Sobrang sakit na parang ayaw kong maniwala sa sinabi nya.

"Akala ko ba hindi mo gusto ang mga ganito... Pero bakit ganun inagaw mo pa rin sakin Di ka ba na kuntento sa mga bagay na meron ka AT PATI ITO INAGAW MO!!!" Sigaw nya sakin. Di ko mapigilang umiyak at mapapikit.


"Best friend kita at tinuring na ring parang kapatid ko pero lahat pala nang iniisip ko ay hanggang akala ko lang... Akalang naging totoo ka sakin... Akala na tinuring mo rin akong isang best friend at kapatid..." Sabi nya at nakita ko na yumuko ang luha nya.


Sa pagkakataong ito ako naman ang nagsalita.


"Oo tinuring naman talaga kitang best friend at parang tunay na kapatid pero Di ko naman ginustong mangyari 'to alam mo naman na ayaw—" Di ko na tapos ang sasabihin ko ng bigla syang sumigaw.


"TAMA NA TAMA NA DI AKO NANINIWALA SA MGA KASINUNGALINGAN MO!!!" Sigaw nya tumigil sya sandali at nagsalita muli.


"Nagsinungaling ka na sakin kaya Di na ako MANINIWALA PA sa mga sasabihin mo..." Sabi nya at saka sumugod ulit sakin. Dahil sa mga natatamo kong sugat sa katawan ay wala na ako ibang choice kung di ang labanan sya.


"Vic please itigil mo na 'to wala naman patutunguhan ang ginagawa mong 'to hindi ikaw 'to... Masyado ka lang pinangungunahan ng galit mo kaya itigil mo na 'to..." Sabi ko sa kanya sabay suntok sa tyan nya dahil sa pagsuntok kong yun ay napaupo sya agad naman syang tumayo at agad akong sinugod.


"Oo hindi ako 'to dahil wala na ang dating Victoria Mendez na mabait, mapagparaya at mapagpatawad dahil Victoria Mendez na ito na puno na galit sayo at sa lahat ng Tao..." Lumayo sya sakin at saka nagsalita ulit.


"Tandaan mo babalik ako para patayin ka dahil alam ko na Di pa kita kaya sa ngayon dahil mas malakas ka kesa sakin... Pero tandaan mo sa pagbabalik ko ibang Victoria Mendez na ang kilala mo..." Sabi nya at saka umalis.


*end of flashback*

At yun na ang huling salita na narinig ko mula sa kanya nung nandon pa sya sa school.


At yung nga dahil sa sobrang galit na naramdaman nya wala akong nagawa kundi ang patayin sya dahil kung di konyun gagawin papatayin nya ang iba kong mga kasama at pati na rin ang kambal nya.


Napalingon ulit ako Kay Stefany ng bigla syang nagsasalita.



"Minsan sinisisi ko ang sarili ko kung bakit sya nagkaganun dahil alam mo yun yung feeling na dapat nandun ako sa tabi nya nung mga panahong kailangan nya ko... Na kakambal nya pero hindi eh napaka eala kong kwentang kapatid T_T" sabi nya at tuluyan na syang umiyak.



"Ano ka ba wag mong sisihin ang sarili mo. Remember, that everything happens for a reason" sabi ko sya kanya tumingin sya sakin at saka ngumiti.



"Tama ka everything happens for a reason" sabi nya at saka ako niyakap nung una nabigla ako pero hinayaan ko na lang sya dahil alam ko na kailangan nya yan.



Di ko man alam kung anong mangyayari sa susunod pero alam ko na sama sama kami na lampasan ang lahat ng pagsubok...



Someones' POV

Hintayin mo lang ako mahal ko at makukuha na muli kita BWAHAHAHA

*cough* *cough*


"Ser water..." Sabi ng butler ko sabay abot ng tubig kinuha ko naman at saka ininom syempre naman ano ba ang ginagawa sa tubig na nasa baso diba iniinom



"Thank you..." Sabi ko. Teka asan na ba ko ah oo...



BWAHAHAHA



✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂

Sino Maya ang lalaking iyon? At sino ang taong sinasabi nyang "mahal" nya daw?

Hello guys na gustuhan nyo ba ang chapter na 'to? Hehe sana oo dahil nahirapan akong magdrama dito sa chapter na 'to.



Thanks nga pala ulit sa mga patuloy na sumusuporta sa istoryang ito.



Lovelots<3

Western HighWhere stories live. Discover now