Chapter 38: Plan

792 18 2
                                    

Bea's POV.

"Hmmm..." Ahhh bakit ba kailangang tumapat pa sakin ang sinag ng araw ayoko pang bumangon.

"Iha. Iha. Bumangon ka na dyan..." Nakaramdam ako ng may umuuga sakin. Sino ba yun ang aga aga pa naman eh.

"Eh aga pa kaya ayoko pang buma–" agad along napabangon at dumeretso sa CR dahil nasusuka ako bigla ganto ba talaga pag nagbubuntis tapos minsan eh wala naman lumalabas kundi laway ko.

Nakakainis ka talaga Jake kakatayin kita pag nagkita tayo bwiset ka talagang lalaki ka!!!

Napatigil na lang ako sa pag imagine ko nung may maramdaman akong humihimas ng likod ko

"Iha ayos ka lang ba??" Nag-aalalang tanong into. Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng mga nasa early 40's. Tumango na lamang ako.

Nung tumayo naman ako ay tinulungan nya ko pati sa pagmumumog ko ay inalalayan nya ko nung papunta na ko sa Kama ay nakaramdam ako ng hilo kaya buti na lang at naalalayan nya kaagad ako kung Hindi ay natumba na ko.

"Salamat" sabi ko sa kanya ng walang gana ewan ko ba siguro ganto talaga pag buntis walang gana.

Tinulungan nya kong makapunta sa kama.

"Iha kumain ka muna" sabi nya sabay bigay ng pagkain. Tiningnan ko yung pagkain rice, bacon, hotdog, orange juice at nung napadako ako sa isang pagkain ay bigla napakunot ang nuo ko. Ano ba yan ang baho!!

"Manang pwede pakitanggal nung itlog ang baho eh.. " sabi ko habang nakatingin kay manang na hanggang ngayon ay di ko pa alam ang pangalan agad naman nitong inalis yung itlog. Napatingin ulit ako sa itlog at napanguso na lang sabay bulong ng "Kung di lang talaga ako buntis kakainin ko yan eh" sabi ko. Nung inalis ni manang yung itlog ay kumain na ko kaagad. Sarap na sarap ako sa pagkain ng biglang nagsalita si manang.

"Iha pwede bang magtanung sayo?" Sabi sakin ni matanda. Napatingin naman ako sa kanya at saka tumango.

"Buntis ka ba iha?" Nagulat ako sa tanong nya. Pano nya nalamang buntis ako.

"P-pano nyo po nalaman?" Nauutal kong tanong sa kanya. Ngumiti lang ito saka sumagot.

"Napapansin ko kasi yung mga sintomas ng mga buntis sayo katulad na lang nang pagsusuka, pagkahilo at higit sa lahat yung pagkaayaw mo sa isang bagay katulad na lang ng pagkain." Sabi nito sakin.

Napahinga ako ng maluwag akala ko naman eh kung ano na kinuha ko na lang ang juice saka yung ininom.

"Oo nga pala iha kay Arvie ba ang pinagbubuntis mo?" Bigla ako natalakan sa sinabi nya. Ano ba yan sa dinami dami ng pwedeng pagkamalan eh yung hayop na lalaking iyon pa.

"Manang–" pinutol kaagad no manang ang sinasabi ko.

"Ay paumanhin iha nakalimutan kong magpakilala sayo ako nga pala si manang Isabelle matagal na kong naninilbihan dito kaya siguro pinagkatiwala ka na rin nila sakin." Nakangiti nitong sabi. Bakit kaya lagi syang nakangiti may maganda ba sa mga nangyayari na lagi syang masaya?!?!

Hay pati ba naman yun eh iniisip ko pa, ano ba naman yan. Tumingin ako Kay manang Isabelle saka ko inilahad ang kamay ko.

"Ako nga pala si Beatrice, Bea na lang for short" nakangiti ko ding sagot. Aba dapat good vibes lang para di ako mai-stress kawawa si baby pag nagkataon. Tinaggap naman nito ang kamay ko at pinagpatuloy ang sinabi ko sa kanya bago sya magpakilala sakin.

"As I was saying manang Sabel– ay manang Sabel na lang ang itatawag ko ha masyado po kasing mahaba ang Isabelle eh, okay lang naman diba?" Tanong ko dito.

Western HighHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin