Chapter 43

148 4 0
                                    

ICE POV.

Andito kami ngayon sa labas ng mansyon ni Arvie. Nakapwesto na si Dustine sa isa sa puno na nandito pero sa tingin ko nakapwesto sya sa pinaka malaking puno. Si Andrea naman ay nandun parin sa naging hideout namin kanina para ma-supervise ang party at ang nangyayari sa loob. Sina Dwane, Ellaine at Alexander ay nakapwesto sa likod ng mansyon. At kaming natitira naman ay nandito lang sa harapan para isagawa ang unang plano at yun ang pagkilos nina Mico at Nico para sa planong pagkuha ng mga gowns at suit.

"Mico, Nico nandyan na ang target nyo. 10 seconds." sabi ni Andrea. Agad naman naming nakita ang mga yun kaya mabilis na kumilos sina Mico at Nico.

Inuna muna nila ang dalwang lalaking target din nila. Dahan dahan pero mabilis silang kumilos para makarating sa likod ng dalawa ng makalapit ay agad nilang tinurukan ng nakamamatay na lason ang kanilang batok at mabilis naman itong gumana. Hindi maaaring gamitan ng brutal na paraan ang pagpatay sa target dahil kailangan namin ang damit nila.

Saktong 10 seconds ay nadala na nila ang bangkay malapit samin. Mabilis ang kilos namin na tinanggal ang damit nila napangibit naman ako dun sa isa ng makita kong naka barbie na boxer. Mabuti na nga lang at white sando ang suot hindi ternong barbie. Yung isa naman ay okey lang kasi ordenaryong sando at boxer short ang suot.

"Nandito na yung mga babaeng target. 10 seconds again. "

Agad na kumilos sina Nico ng namataan nila ang dalawang babae. Katulad nung mga lalaki ay ganun din ang ginawa nila. Agad din namin silang hinubadan ng damit buti buti na lang ay may suot silang pangloob.

Matapos naming kunin ang mga damit ay pinagpalit na namin sina Chrystal, Jake, at ACE buti na lang at ka size nila ang mga damit na nakuha namin.

Pinindot ko ang ear piece para maka connect kay Andrea "Andrea... "

"Yes queen?"

"Pwede na ba silang pumasok? "

"Wait.... yes pwede na dapat dala nila ang invitation para makapasok"

"Okey.."

Agad naman naming hinanap yung mga invitation na nakalagay naman sa loob ng pocket ng suit na sinuot ni jake while Chystal and ACE yung mga invitation nila ay nasa pouch bag dala ng dalawang babae kaagad naman nilang kinuha ang pouch bag para hindi sila mahalata na kinuha lang nila ang suot nilang damit.

"Don't forget you maskara dapat may suot din kayo nyan para di kayo mahuli. Buti na nga lang at masquerade ang theme kung hindi mahirap kayong i-cover"

"Thank for remiders Andrea" sabi naman nina Chystal at ACE while Jake ay patuloy sa pag aayos ng gagamitin nyang mga sandata para hindi yung mahalata sa loob.

"Your Welcome, good luck sa inyo"

Agad namang kumilos sina Chrystal, ACE at Jake para pumasok na sila sa loob while kami nina Mico, Nico at Stefany ay nakatago dito sa harapan pero hindi kami sama sama sa isang lugar sa harap mas maganda kasi kapag naka hiwalay kami para mas malaki ang nasasakop namin area.

Third person POV.

Nagsimula na sila sa plano nila. Sina Chystal, ACE, at Jake naman ay mabilis na nakapasok sa loob ng mansyon.

"We are in... " Pasimpleng sabi ni ACE na parang nang ayos lang ng buhok.

Nangkatinginan ang tatlo at agad silang naghiwa-hiwalay.

While Sina Dwane, Alexander at Ellaine ay tahimik na nagmamasid sa likod. Si Dwane naman ay patuloy pa rin ang pagmamasid ng nangyayari sa baba. Sina ICE Stefany Mico at Nico ay tahimik pa rin nagmamasid ng mga nangyayari. Si Andrea ay patuloy ang pagbabantay sa cctv ng bawat sulok ng mansyon.

Western HighWhere stories live. Discover now