Chapter 16 Girlthing

98 3 0
                                    

Chapter 16

Trish POV

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong may mainit na bagay na tumatama sa aking mukha. Teka, hindi namin 'to bahay ah. Luminga-linga ako at ininspeksyon ang paligid.

Malawak? Check.

Malinis? Check.

Maganda? Check.

at..

Panlalaki? Check.

C-Condo ni Clearance?! Big Check!

Waaaaah. Agad akong tumayo sa higaan at laking gulat ko ng mayroon iyong marka.

M-May dugo.. Walang hiya! Kinuha nya ang pagkababae ko ng hindi ko alam! Niyurakan nya ang pagiging babae ko! Sinira nya ako! Huhu. Wala na. Wala na ang nag-iisang perlas ng silanganan.. Wala na ang bataan. Isa na akong maruming babae. Isa na akong makasalanan ngayon. Hindi ko na mapigilan na umiyak. Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat. Wala na akong mukhang maihaharap sa magulang ko.

"Wala naaaaaaaaaa-" naisatinig kong wika at agad na napatigil ng may pumasok sa kwarto. Lalaking nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan.

"Hey, why are you shouting? what's happen here?" nag-aalalang tanong nito at tumayo pa sa harap ko.

Kusa namang napapikit ang aking mga mata. Heller? Nakatapis lang sya! Tsaka Kahit na wala na ang bataan. My eyes are still virgin.

Tumayo ako at hinarap sya. "Lumayo ka sa sa'kin! Manyak! Rapist! Kahit gwapo ka hinding-hindi ko na isusuko sa'yo ang perlas ng silanganan! Hinding-hindi na mauulit 'yon! Napakawalang-hiya mo! Baboy! Ay, mali shokoy ka pala! Ang kapal naman ng mukha mo para molestyahin mo ako! Hayok sa laman! Demonyo ka! Maligno! Mongoloid! Ipis! Surot! At etong tatandaan mo! Mabubulok ka sa bilangguan!~" sa lakas ng sigaw ko halos nag-echo pa ito sa loob ng condo ni Clearance. Nang tignan ko sya sa mga mata pagkalito at pagtataka ang tanging makikita. "Huh? Hindi kita maintindihaan. Anong pinagsasabi mo?" nalilito pa rin nitong tanong.

"Wag ka ng magmaang-maangan pa!" pasigaw kong sagot sa kanya at tinggal ang kumot sa higaan. Agad namang tumambad ang pulang marka. "Anong ibig sabihin nyan? Ha?! Magsalita ka?!" dugtong ko pa.

Halata pa rin ang pagkalito sa kanyang mukha. "Ano namang alam ko dyan? Ikaw ang babae kaya dapat alam mo 'yan." ganting sagot nya.

"Walang hiya ka talaga! matapos mo akong gahasa-"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napuno ng halakhak nya ang buong lugar.

May sapi yata 'to? Sinabihan na nga ng walang hiya, masaya pa?

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?!" halos maglabasan na ang ugat sa leeg ko dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko.

"Ehem. Kung iniisip mo na ginalaw kita at may nangyari sa atin. The answer is NO. Walang nangyari. Tsaka hindi kita gagahasain noh. Baka nga ikaw pa ang manggahasa sa'kin. Tignan mo nga 'yang suot mo. Yan nga 'yong suot mo kagabi. Mukha namang kumpleto pa 'yan." pahayag nya at binigyan pa ako ng mapang-asar na ngiti. "Hmm.. And about sa red mark na 'yan. Baka may dalaw ka." dugtong nya.

Dalaw? As in menstruation? Oo nga noh! Argh! Oo nga! ngayong araw nga pala ako magkakaroon! Bakit nakalimutan ko? Kashongahan lang. Waaaaah. Nakakahiya!

Nanglingunin ko sya nakatingin ito sa'kin at halos magdikit na ang dalawang kilay. Curious lang?

"He-he" tanging naisagot ko. Nginitiin ko nalang sya at agad na tumakbo sa CR at pumasok.

Who's FAULT?Where stories live. Discover now