Chapter 30 Surprise Part II

30 3 0
                                    

Chapter 30

Trish POV

"K-Kurt?" halos di ko mabigkas ang pangalan nya.

He give me a smile and walk slowly towards me.

"Hello, Jade. Long time no see."

nakatingin pa rin ako sa kanya at hindi ko magawamg ikilos ang aking mga paa.

"A-Anong ginagawa m-mo d-dito?" nauutal man ay pilit kong inayos ang pananalita ko.

"Saka ko na sasabihin sa'yo ang lahat. Hinahantay ka na ng future husband mo." saad nya at bigla ay niyakap ako. "Patawad talaga. Masaya ako para sa'yo.. para sa inyo."

Ewan ko pero parang nabawasan bigla ang tinik ko sa dibdib. Parang gumaan ang pakiramdam ko.

Nang akmang bibitawan nya na ako ay gumanti ako ng yakap.

"Salamat.." tangi kong nasabi sa kanya at hinayaan ng makawala mula sa pagkakayakap.

"Friends?" tanong nya habang nakalahad ang kanang kamay.

Napangiti nalang ako at inabot ang kamay nya. "Yeah. Friends."

"Okay-okay. Tama na muna 'yan. Tiyak na nakasimangot na si kuya ngayon." singit saamin ni Coleen. "Loves, ibigay mo na 'yong letter." agad namang kumilos si Kurt at kinuha ang sulat mula sa bulsa ng pantalon nya at inabot saakin.

"Open mo na ate." na-eexcite na wika ni Coleen. Kaya binuksan ko iyon at binasa.

Lumayo ka sa sa'kin! Manyak! Rapist! Kahit gwapo ka hinding-hindi ko na isusuko sa'yo ang perlas ng silanganan! Hinding-hindi na mauulit 'yon! Napakawalang-hiya mo! Baboy! Ay, mali shokoy ka pala! Ang kapal naman ng mukha mo para molestyahin mo ako! Hayok sa laman! Demonyo ka! Maligno! Mongoloid! Ipis! Surot! At etong tatandaan mo! Mabubulok ka sa bilangguan!~

Haha! remember sweetheart? Grabe ka. Pimagbintangan mo pa ako noon. Pero ngayon.. Hehe. Mahal kita. :)

-Futurehusband

Napangiti ako matapos kong basahin ang sulat. Kaloka! Aba't natatandaan nya pa? Haha! Kahiya eh!

"Ate?" nabalik ako sa ulirat ng iwagay-way ni Coleen ang kamay nya sa aking harapan. Tumingin naman ako sa kanya at agad nya akong niyakap.

"Sa wakas magiging sister in law na kita.. masaya ako para sa inyo ni kuya." kumalas na sya mula sa pagkakayakap saakin. "Sige na. Lumakad kana."

Tumango ako at nagpaalam na sa kanila bago tuluyang umalis.

Habang naglalakad ay napasulyap ako sa dala kong mga rosas. Kung anu-ano talagang pakulo ang ginawa ng lalaking 'yon. Aba't may bulaklak na nga, may sulat pa? haha! Oo na! Kenekeleg eke eh! Charing!

Hindi kalayuan ay natanaw ko agad sina Harvie at Ace na  malungkot? Yeah. Nakasimangot si Ace. Habang walang makikitang emosyon sa mukha ni Harvie.

Anong nangyari? Akala ko ba hinahantay ako ni Clarence? Eh bakit ganon, malungkot sila?

Nilapitan ako ni Ace at niyakap.

"Sorry.. hindi namin sya napigilan.." halata sa boses nyang totoo ang kanyang sinasabi.

"A-Anong ibig mong sabihin? H-Hindi kita maintindihan.." pilit kong tinatagan ang loob ko.

"Halika. May ipapanood kami sa'yo. Video ni Clarence.." sabat ni Harvie at umuna na ng lakad kaya sumunod kami ni Ace.

Who's FAULT?Where stories live. Discover now