Chapter 26 Leave

192 3 0
                                    

Ang bilis ng araw noh? March na pala. xD Parang kelan lang January palang tapos March na agad.

Oh? May reklamo? Hahaha!

:P

__________________________________________________________________________________

Chapter 26

Trish POV

Nakarinig ako ng humahagulgol sa tabi ko.

" 'nak.. please naman. Gumising ka na. Huwag mo kaming iwan ng daddy mo.." wika ni mommy na umiiyak at hawak ang kanang kamay ko.

"Loves, magpahinga ka muna. Makakasama sa'yo 'yang ginagawa mo. Ako na muna ang magbabantay sa anak natin." pag-aalo ni daddy kay mommy.

"Hindi rin ako makakapagpahinga kung ganito ang kalagayan ng anak natin.." sagot nito na halata pa ring umiiyak. "tsaka pangalawang beses na 'tong nangyari sa kanya. Nong una dahil don sa ex nya tapos ngayon-"

"Hssssh.. Tama na. Hindi naman natin alam ang totoong nangyari.. Magpahinga ka na muna."

"Hindi ako aalis hangga't di sya nagigising.. Natatakot ako na baka iwan tayo ng anak natin." narinig kong sagot ni mommy. Naramdaman kong inaayos nya ang pagkakakumot sa akin muling hinawakan ang kamay ko.

"Rish.. anak.." tawag nito saakin.

Dahan-dahan kong iginalaw ang daliri ko para malaman nyang gising ako.

"A-Anak? Gising ka na?" gulat nyang tanong. "Kung naririnig mo ako galawin mo ulit ang daliri mo."

Agad ay ginalaw ang daliri ko.

"Dad! Gising na ang anak natin! Tumawag ka ng doktor!" nakarinig ako ng pagtakbo at pagbukas ng pinto.

" Rish.. anak.. salamat at gising ka na. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka.." wika ni mommy at ikinukuskos ang pisngi nya sa kamay ko.

Maya-maya pa'y nakarinig na ako ng mga tumatakbo papasok sa kwarto.

"Doc, gising ang anak ko! Gumalaw sya! Nakita kong gumalaw sya!" pahayag ni mommy sa doktor.

"Sige po. I-checheck ko lang.."

naramdaman kong may bumuklat ng mata ko at inilawan ganoon din sa kabila.

"Nag-iimprove na nga sya. Mabilis namang makarecover ang katawan nya. Wala namang pinsala."

"Huh? Anong walang pinsala? Nabunggo po ang anak ko." nalilitong tanong ni mommy sa doktor.

"Walang bakas ng pagkabunggo ang katawan nya. Mabuti at hindi sya nasagasaan nong magblock-out sya. Kundi malaki ang tendency na mamatay ang bata sa sinapupunan nya." pahayag ng doktor.

B-Bata? s-sa s-sinapupunan ko? I-Ibig sabihin nagdadalang tao ako?

"Yes, she's pregnant. 2 weeks na.  Nagbleeding lang sya dahil sa sobrang pagod. Maselan kasi kapag nagbubuntis dapat hindi sya bibigyan ng bagay na sobrang nakakapagpastress sa kanya tsaka bawal din ang mapagod."

Hindi ko mapigilan ang mapaluha ng marinig ko iyon.

B-Buntis pala ako.. Muntikan ko ng ipahamak ang anak ko.. Muntikan ko na syang mapatay dahil sa katangahan ko.. Nadamay pa ang anak ko sa galit ko sa ama nya.

Dapat ay maging malakas ako. Magiging matatag ako para sa aming dalawa ng anak ko. Oo, kaming dalawa lang ng anak ko..

Unti-unti kong iginagalaw ang kamay ko.

Who's FAULT?Where stories live. Discover now