Chapter 5 Superhero

89 3 0
                                    


Chapter 5

Trish POV

Naranasan nyo na bang maglakad ng walang kahit na anong sapin sa paa? As in wala talaga.

How can I go home? Nakakahiyang umuwi ng nakayapak. Kung hindi lang kasi sumabit 'yong takong ng shoes ko edi sana.. hindi ganito. Waaaah. Pa'no ako lalabas? Baka isipin nilang naghihirap na 'ko.

No way! Mamaya nalang ako lalabas kapag konti nalang ang tao.

"Good idea!" sigaw ko sa'king isip at waring kumikislap pa ang mga mata.

7:00 pm

Wala na yatang masyadong tao sa labas. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa pintuan. Dahan-dahan kong binuksan iyon at inilusot ang aking ulo.

Napangiti ako ng makita kong wala ng masyadong dumadaan. It means konti nalang ang tao. Hihi.

Dali-dali kong kinuha ang aking shoulder bag at lumabas na ng pinto. Dumiretso ako ng elevator.

"Hmm. Bakit ang tagal naman ng elevator?" saad ko. Kanina pa 'ko nasa tapat ng elevator at nag-aabang pero hindi naman gumagalaw. Matawagan nga ang guard kung anong nangyari. Tinignan ko ang cellphone ko and good thing, may signal na.

"Manong tanong ko lang. Sira ba 'yong elevator natin?"

"Ay ma'am, opo. Nasira 'yong elevator ngayon lang. Inaayos na nga po ee. Maghintay nalang po kayo ng mga 30 mins." pahayag pa nito.

"Ganun po ba? Ay, maghahagdan nalang po ako." tugon ko sa kanya at in-off na ang cellphone.

Maghahagdan nalang ako. Kesa gabihin ng uwi. Ayoko ngang umuwi ng super gabi. Baka mapano pa 'ko. Sa ganda kong 'to maraming ang naglalaway. Hep! pati nga ipis pinapantasya ako. >:] Eeeewww! So kadirdir. Tsaka marami pa namang nagkalat na masasamamg tao ngayon. Mabuti na 'yong nag-iingat. Diba? Oo nalang kayo. XD

"Anak naman ng chicken oh. Ang layo pala. Huhu. Masakit na paa 'ko." wika ko habang dahan-dahang umuupo sa hagdan.

Lord, Bakit ganito? Sobra-sobrang kamalasan naman ang natamo ko ngayong araw. Mabait naman po ako sabi nila. Diba? Ang umangal kamukha ni kingkong. :'3 Tsaka bukod po sa mabait ako, maganda ako. Anong connect po? Hindi ko po alam, basta maganda ako. Hihi.

Tinignan ko ang oras sa relo ko at 7:30 na pala. Waaaaah. 5 floor pa ang kailangan ko para makababa. Huhu. Sakit na ng paa ko. Tawagan ko kaya ulit si Manong guard kung okay na, tutal 30 minutes na ang nakalipas. Sabi nya kasi mga 30 minutes pa bago maayos ang elevator. Baka ayos na.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan ang guard.

"Manong, ayos na po ba 'yong elevator?" tanong ko.

"Yes ma'am. Okay na, pwede nyo na pong gamitin." tugon nito.

"Mabuti naman at ayos na. Sige po, salamat." tumayo na ko at humakbang papuntang elevator.

Haaaaaaay.. sa wakas.. tapos na ang paghihirap ko. Ngawit na ngawit na ang aking precious na paa.

Hindi pa 'ko nakakalabas ng ARIA ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello, mom?" wika ko at umupo sa pwedeng upuan.

"Nak anong oras ka uuwi? Malakas na ang ulan sa labas. Hindi ka naman masundo ni Mang Rine. Baha na kasi papunta dyan." nag-aalalang wika ni mommy.

"Umuulan pala? Waaa. Mommy pa'no ako uuwi? natataranta ko pang tanong kay mommy.

"Maghanap ka nalang ng pinakamalapit dyang hotel o kaya si Clarence. Malapit lang 'yong condo nya dyan. Doon ka nalang muna. May tiwala naman kami sa batang 'yon. Safe ka doon. Tatawagan ko si Clarence." mahabang lintanya ni mommy.

Who's FAULT?Where stories live. Discover now