Chapter 3 It's you

132 3 0
                                    


Chapter 3

Other's POV

Nandito parin ako sa ARIA nagbabakasakaling bumalik 'yong babaeng 'yon. Pero sabi nga ni Tita, hindi na daw makakarating ang anak nya. Okay lang. Marami pa namang pagkakataon. Mabait ang tadhana sa'kin eh. Hehe.

"Sige po tita, uuwi na 'ko. Hapon na rin naman po." tumayo ako mula sa pagkakaupo ko.

"Iho, doon ka nalang sa'min maghapunan. Ipapakilala rin kita sa anak ko. Tsaka para makausap mo na rin ang tito Tom mo tungkol sa Hotel na ipapatayo nya sa isa sa resorts nyo." magiliw na wika ni Tita Jacy habang inililigpit ang mga gamit nito.

Napangiti ako sa sinabi ni Tita.

Yes! Wooohoo! Mabait talaga ang tadhana sa'kin..

"Sige po." pag sang-ayon ko kay Tita.

Hahaha! Maghanda ka na, Rish.

Trish POV

5:35 pm

Nandito ako sa Sala ngayon at kasalukuyang nagwawala. Oo, nagwawala ako. Pero, hindi 'yong nagbabasag or what so evah. Nagwawala ako sa pamamagitan ng pagkanta. Nagvideoke kasi kami. Kasama ko ang mga maids namin na mga back up dancer ko. Hehe. Syempre ako bida noh. Kaya back up lang sila. Nakatungtong pa 'kong lamesa nyan para bongga!Wala pa naman si Daddy at Mommy. Hahaha!

"Baby it's you.. You're the one I love.. You're the one I need.. You're the one I see.." kanta ko habang pasway-sway pang sumasayaw sa lamesa. Yung mga back up ko nasa baba lang. Dapat lang! anu sila sosyal? XP

"Come on baby it's you.. lalala.. Love on top..! " halos mawarak na ang lalamunan ko kakabirit pero gora lang. Keri pa naman ng powers. Hihi.

"Ihataw nyo po ng sayaw, sabayan nyo 'ko." pakiusap ko sa mga maids na back up dancers ko. Hehe.

Napatigil kami sa ginagawa namin ng may marinig kaming halakhak. Napadako ang mga mata ko sa taong nakatayo malapit sa may pinto. Halos pigil ko ang hininga ko ng maglandas ang aming mga mata. Oh my... Gulay...

"I-I-I-It's you.." mahina kong usal.

"Yeah. It's me." tugon nito na may malapad na ngiti sa mga labi.

"Hi 'nak. Mukhang okay ka na ah." wika ni mom na kapapasok lang ng bahay. Mukhang hindi nya naman alam na may tensyon sa loob ng bahay.

"Y-Y-Yes mom." nauutal 'kong saad.

"You, sure? Bakit ganyan ka mag-salita?" paniniyak pa nito.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Opo. Okay lang po ako." at nakangiti. Hindi ko alam kung ngiti ba ang ginawa ko o ngiwi.

Who's FAULT?Where stories live. Discover now