Chapter 11

67 43 2
                                    

Bukirin





Dumating ang araw ng enrollment. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman habang naka sakay ng tricycle patungo sa paaralan na papasukan.

Natatandaan kong nakapag High School naman ako. Nga lang, hindi ako nakapag tapos. Ilang taon na ang lumipas kaya halos makalimutan ko na ang pakiramdam ng nag aaral. Kaya siguro ay ganun na lang ang kabang nararamdaman sa araw na ito. Nag offer si Tonett na samahan ako pero ako na mismo ang tumanggi dahil maaantala ko pa ang trabaho niya. Isa pa, sapat na ang karanasan ko sa summer class para mapag tibay ang loob.

Natawa ako sa sariling iniisip. Talaga lang hah! Ipapaalala ko sayo na hindi ka man lang nagkaroon ng kaibigan sa summer class mo! Well, it was my come back to schooling. It was a rare opportunity. I don't want to disappoint senyora. They gave me a chance. They trusted me, so might as well give me everything to deserve their kindness. Naging abala ako sa pag aaral at sa pag catch up ng mga aralin. Na halos wala na akong oras para sa pakikipag kaibigan.

Idagdag mo pa ang personalidad kong walang balak makipag kaibigan o makakilala ng iba o makilala ng kung sino man.

"Salamat po!" sambit ko nang makababa mula sa tricycle at nag abot ng pamasahe.

Huminga ako ng malalim habang pinapasadahan ng tingin ang entrance ng paaralan. You can do this!

Naglakad ako papunta roon. Maraming studyante ang pumapasok. May kanya kanyang tinatahak ang covered court habang may grupo grupo ring naglalakad. Makikita mo din ang ilang studyanteng nasa gilid lang, nakaupo sa mga bench, nag uusap at nagkukuwentuhan. Siguro ay mga senior students na dahil komportable silang tumambay o magpalipas ng oras sa kung saan kasama ang mga kaibigan nila.

Una kong ginawa ay hanapin ang registrar para sa application form na kukunin ko. Hindi gaanong kalakihan ang paaralan. May tamang play ground, covered courts papunta sa iba't ibang college, at mga buildings na umaabot hanggang tatlo ang palapag. Mayron din maliit na park sa bandang gitna ng mga silid alaran kung saan makikita mo ang isang grupo ng magkakaibigan. Hindi rin katulad sa ibang school, ang paaralan na ito ay nasa average lang. Kaya naman karamihan sa makikita mo ay may saktong ayos at pananamit.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko habang pasimpleng nagmamasid sa paligid. I am feeling a bit scared, thrilled, excited, and nervous all at the same time.

Dahil naka identify naman sa mga building na daraanan mo ang uri nito, agad kong nahanap ang registration office. Naghintay ako ng ilang sandali sa labas nito dahil natanaw ko ang ilang studyante na nasa loob, nakikipag usap sa isang mid 50s na babae. Siguro ay isa sa mga staff ng registrar. O mismo ang registrar.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsilabasan na ang mga ito kaya ako naman ang kumatok para pumasok. Nadinig ko ang boses ng babae, allowing me to come in kaya pumasok na ako.

"Hi Mam, good morning! Kukuha po sana ako ng application form para sa mga nag summer class."

Tumango siya, binuksan ang drawer at may kinuhang ilang papeles. She browsed it and when she found what she is finding, she looked at me and smiled.

"Zarina Ferrero?"

"Yes po!"

"Alright. Hmm.." sabi niya habang sinusuri ang papel na hawak at nakahawak sa baba.

Dumako ang mga mata ko sa kabuuan ng opisina. May apat na maliliit na lamesa sa likod ng kaharap ko. Ilang bookshelves sa mga gilid at ilang dividers at steal cabinet sa pinaka likod. May mga nakaupo sa ibang lamesa na abala mag trabaho. Kanina sa labas ay hindi sila makita dahit sa tinted ang katapat nilang mirrored wall.

The Living Dead (Tragic Story #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant