Chapter 9

62 43 1
                                    

Hope





"We want to congratulate you, Zari. You've been good to me and your senyor so we really wanted to help you in a way that we know might sustain your living in the future."

Dumating ang lunes at kinausap nga ako nina senyora at senyor. Nagkakape sila sa hardin ng compound habang ipinapaliwanag sa akin na pumayag ang paaralan na tanggapin akong mag enroll ng kolehiya kung papasok ako ng summer class nila at maipapasa ang mga exam nito. Hindi ko yun inaasahan. I remember them once asking me about my educational background and my interest to go back schooling. Sinabi kong kung may pagkakataon, bakit hindi?

It was good news from them. I must be happy pero may mga bagay na hindi tugma.

"I am sorry senyora and senyor pero kung mag-aaral po ako, hindi kakayanin ng oras ko na mag trabaho pa sa bar. Pag nagkataon baka oo nga't nag-aaral ako pero wala namang pangtustus sa mga gastusin ng paaralan."

I frankly tell them the truth. Hindi ko itatanggi na malaki laki rin ang kita ko sa pagttrabaho sa bar. Halos weekdays ang schedule ko sa night duty at iniisip ko pa lang na pagkatapos ng klase ay diretsu naman sa trabaho, hindi ko kakayanin. Nagtinginan ang dalawang matanda. Ngumiti ang senyora sa akin.

"Quit your job, ija. Sagot namin ang pag-aaral mo. May trabaho ka naman dito sa amin kaya kahit papaano you have income. Food is also free here."

Hindi ko alam ang isasagot. They are very kind. But the offer is too much I feel like I don't deserve it. Hindi ako mapakali sa inuupuan. Tatanggapin ba o hindi. The old woman reaches for my hands. Bahagya akong nawala sa mga iniisip. The two were very old. They have two children but all are based abroad. Doon na nag trabaho, namuhay at nagka-pamilya. Kaya naiwan silang dalawa dito.

They are not that rich like those business tycoons in the province but they own a corn farm near the mansion. Hindi man ganun kalaki, sapat na rin para magkaroon ng malaki laking kita. Sapat para sumuweldo ng mga tauhan at kasambahay.

"We've been observing you Ija. Bata ka pa pero pakiramdam namin wala kang gustong gawin.. o pangarap man lang. Nung una, inisip namin na baka may pinagdadaanan ka. And we were right. We may not know your story but we are sure you've been through a lot. We gave you time but we think this is the right time to think of yourself." Senyora is very sincere. I don't know but there was a longing inside me. Like how I hardly wish to have a guardian. Someone who'll take care of me.

"We want you to accept this and live your life."

Yun na nga ang nangyari. Pinoproseso ko pa rin ang sinabi nila kahit na nakauwi na ako sa bahay. I don't want to disappoint them because they are sincere and true to their words. So, after the long night, I decided to accept it. Kaya naman kinabukasan agad kong kinausap si Ms. Rose tungkol sa pag alis ko.

"Kailangan mo ba talaga itong gawin?"

Tumango ako. My decision is firm. Pumayag siya at wala naman akong naging problema sa pag alis. I didn't have the time to say goodbye to anyone from the bar because I went there daylight. Isa pa, kung mayron man akong sasabihan, siguro ay si Teresita lang.

"Hala ang saya ko para sayo! Dapat lang na yan ang naging desisyon mo, noh! Alam mo kahit nakakasabay ka sa isang tumatanda na na katulad ko, bata ka pa rin talaga Zarina. Kaya gawin mo yan! Mag aral ka para sa kinabukasan!"

I was with Tonett the following days. Again, I was back to being a full-timer in the mansion. Although, ilang linggo pa bago mag simula ang summer class sa unibersidad na papasukan ko, umalis na ako sa bar ng maaga para makapag laan ng oras kina senyora at senyor. Hiningi nila na kung tatangapin ko ang offer nila, mag resign agad ako sa bar para makatulong sa maisan nila.

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now