Chapter 12 // The Alliance

0 0 0
                                    

HENRY

May mga bagay talaga na lumilihis sa mga plano natin, pero hindi ibig sabihin nun ay magiging pangit ang kahihinatnan nito. Dahil sa sitwasyon ko, magiging malaking tulong ito.

Nasa harap na kami ng kwarto ni Gone dahil ipakilala ni Hercules ako sakanila. Nasabi kasi sa akin ni Hercules kahapon na may meeting daw ang mangyayari sa kanilang alyansa.

Handa ka na ba? Tanong ni Hercules sa akin bago kumatok sa pinto.

Nang nabuksan ang pinto ay bumungad sa akin ang mukha nung babaeng tumutok ng baril kay Ice nung bidding event. Nakangiti ito sa akin, marahil ay hindi niya naalala ang ginawa ko sa kanya. Ayun ang side effect ng ability ko para sa mga ginagamitan ko nito. Nakakalimutan nila ang mga pangyayari bago at habang kinokontrol ko sila.

Hercules ikaw pala yan, Bati niya sa babaeng kasama ko. He must be Chaos? Nadako naman ang tingin niya sa akin at ginantihan ko naman ng ngiti. Tumango lang ang babaeng katabi ko, tsaka niya kami pinatuloy.

Nadatnan namin sa loob mga eccentric na nagpupulong-pulong. They were eleven in the group including Hercules. Pinakilala ako ni Hercules sa kanila at isa-isa din niyang binanggit sa akin ang pangalan—ay hindi ang code name pala ng mga kasamahan niya. Valerie pala ang pangalan nung babaeng naka-engkwentro ni Ice.

at eto naman si Gone. Tinuro niya ang lalakeng nasa may lamesita na may kinakalikot sa wrist watch niya. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa kinakatayuan namin.

He has intimidating aura, but I sense no danger at all.

Lets get straight to the point, how can you help us? He ask me.

Nakatingin silang lahat sa akin, pero hindi iyon ang dahilan para kabahan ako. Perhaps parepareho naman kami ng goal dito.

Pumasok ako dito para sirain ang organisasyon ni Boss N. Tsaka niligtas ko rin ang kaibigan ko, kapalit ng kalayaan niya at ng pamilya niya ay ang pagpasok ko dito. Wala din naman akong kasama sa buhay kaya ito ang naging desisyon ko. Seryoso silang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ko. Ang ginagawa ko ngayon ay nagpapanggap na ayon ako sa side nila. Para hindi ako mahirapan sa pagkuha ng mga impormasyon. Napataas ang kilay ni Gone.

Welcome to the alliance! Sabi niya. I am Gone, ang acting leader ng grupong ito. Pero may mga taong tumutulong sa atin sa labas. At may mga devices akong ginagamit para makakonekta sa kanila. Kaya din nawalan ng power ang mga tracking devices nung bidding ay dahil sa kasamahan ko. Hes from tech department. Sabi ko na nga ba ang taong nasa likod nun ay galing sa tech department mismo.

May plano sana ako. Naningkit ang mga mata nito at napatitig sa akin.

Shoot. Si Valerie.

Sa bidding kasi iniligtas ko si Hell, siya kasi ang kanang kamay ni Boss N. Tila ba nagulat silang lahat. Pero dont worry I did it for a purpose, which is para pagkatiwalaan nila ako.

Si Hell ang isa sa mga generals nila? Tanong ni Valerie. I give him a hint about our alliance. Pero di ko naman sinabi na gumagawa kami ng paraan, wala rin akong sinabing plano.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Sa susunod kikilatisin niyo ng maayos ang mga tao sa paligid niyo, looks maybe decieving. Gone in a monotonous tone. Binigyan niya ako ng hudyat para magsalita ulit.

Tinutulungan ko din silang imbestigahan ang nangyari sa bidding event. Plano ko sanang isa sa inyo ang sumuko para tuluyan akong mapalapit kay Boss N.

What? Hindi natin pwedeng isugal ang buhay natin! Valerie debated.

No Valerie, he cant kill a person na nakakatawag atensiyon sa mga gamblers niya. Lalong kumunot ang noo ni Valerie sa sinabi ni Gone.

Wag mong sabihing ako ang ipapain niyo? Ramdam ang kaba sa boses niya. Paano kung patayin nila ako.

Top gladiator ka, hindi nila gagawin yun. Sabi pa ni Gone.

Pwede pa naman natin pag-isipan ng mabuti, o kaya namay mag-isip ng ibang plano? I suggest.

Nakay Val ang desisyon. Let us leave it to her. Sabi ni Hercules at tinapik sa braso si Val.

Tama nga ang inisip ko bago ako pumasok dito. Wala namang kasuspetya-suspetya dito bukod sa dahilan ni Gone na pumasok dito at isalba ang mga eccentric. Sana lang talaga pareho kami ng gustong mangyari.

Siya nga pala Chaos, ano nga palang ability mo? Tanong sa akin ni Gone.

I can control anyones mind. Tapos I have enhance senses, pero hindi ko pa gamay gaano ito. Hirap kasi ako sa pagpufucos sa isang bagay na nararamdaman ko.

Ang pinagpaplanuhan kasi namin ngayon ay ang mangyayari sa survival game. May impormasyon mula sa kaibigan natin sa tech department. Random picking daw, pero magagawan niya ng paraan para kontrolin ito. Pagpapaliwanag niya.

Tahimik kaming lahat na nakikinig sa mga plano niya. Ramdam ko ang seryosong bumabalot sa paligid namin nang biglang may naririnig akong kaluskos mula sa labas.

Shh. Pagpapatahimik ko sa kanila. Narinig niyo yun? Pagtatanong ko sa mahina kong boses.

Umiling lang sila. Lumapit ako ng bahagya sa pintuan ng kwarto para kumpirmahin. May naririnig akong paghinga. Bibihira lang mangyari to sa akin na makakarinig ako ng mahihinang tunog sa gitna ng pakikipag-usap sa iba.

Confirm may nakikinig sa labas. Sabi ko at dali-daliang lumabas.

Hindi ko na ito naabutan sa harap, pero nakita ko itong tumatakbo sa hallway ng floor na to.

Habulin natin! Sigaw ng isa sa mga kasamahan namin.

Patungo ito sa Elevator. Hinabol ko kaagad to. Pero nakarating na siya sa elevator at naisara niya na ito. Nakita ko ang maliit na bahagi ng mukha niya, sapat na yun para matukoy ko siya kapag nakita ulit siya.

Nakita ko naman kung saan patungo ang elevatot. Patungo ito sa laboratory floor, nakasulat ito sa digital screen.

Sa Laboratory floor! Gamitin niyo ang stairway. Mabilis na tumakbo ang mga kasamahan namin patungo sa hagdan.

Kung sino man ang taong yun isa lang ang alam ko. May gusto siyang malaman sa grupong itinatatag nila Gone. Kailangan namin siyang mahuli, bago pa may lumabas na impormasiyon sa kampon ng demonyo. Mukhang nahawa na ata ako kay August.

Sino yun? Tanong ni Gone sa akin.

Hindi ko rin kilala, pero kung sino man siya panigurado akong narinig niya tayong nag-uusap.

That girl can destroy us in a snap if she got something.

---

pilosopong tano

//wait for next updates

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EccentricTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon