Chapter 4 // Encounter

1 0 0
                                    

HENRY

Oh youre here. Sinalubong kami ng lalakeng may disenteng pananamit, maganda ang tindig na katawan na ipinares naman sa blankong ekspresyon na mukha. Maybe this he is the Boss.

Pumwesto sa tabi niya si Ice at may ibinulong. Nakatingin ang lalake sa akin, marahil ay sinusuri niya ang pisikal kong kaanyuan. Ako namay bahagyang napayuko. Ang katabi kong si August ay ganon din ang ginawa, ramdam ko ang kaba niya. Siguro nga ay nagdarasal na ito sa mga oras nato huwag lang malagay sa panganib ang lagay niya.

August, welcome back. Una niyang binati ang katabi ko at nagbato ito ng nakakapanindig balahibo na tingin. Sabi ko naman sayo na I am not Boss N for nothing. Kikilos ka pa lang, naka atake na ako. Dahan dahan itong lumapit sa amin.

Ang simpleng mga kilos nitoy nagdudulot sa akin ng kaba. Pero pinanatili ko ang maayos kong pustura upang ipakita sa kanya na hindi ako apektado ng mala-impyerno niyang presensiya.

Atleast you learn your lesson now, Nagulat si August ng ipatong nito ang kanang kamay nito sa balikat niya. O baka naman gusto mong ulitin pa para mahulaan mo ang sarili mong kamatayan kasama ang pamilya mo? Ngayon ko lang napagtanto na tama pala ang mga salitang ikinabit sa kanya ni August, gaya ng Lucifer, sitan at kung ano ano pa.

S-sorry Boss N, di na po mauulit. Nanginginig ang boses nito. Gusto ko sanang pumagitna sa kanila ngunit tila may lamig na gumapang sa loob ng aking katawan, dahilan para hindi ako makagalaw.

Bakit wala akong ginagawa?

No worries, pumunta ka na sa kwarto mo at hinihintay ka na ng mga magulang mo. Kaagad namang sumunod ang nanginginig na si August sa utos nito. Akmang susunod ako dito ngunit pinigilan agad ako ni Boss N.

Henry, nagmamadali ka ata. Abay unang kita pa lang natin ngayon pero parang nagsasawa ka na agad?

Hehe hindi naman po sa ganon. Pasubaling ko.

Halika sa loob at magtsaa muna tayo. Aniya at naglakad papasok sa mala palasiyong bahay.

Sandali akong napako sa kinatatayuan ko ngunit tinulak ako ng mga armadong lalake na kanina pa pala nakatayo sa likod ko. Sinenyesan nila ako na sumunod kaya naman naglakad na rin ako.

Sana tama ang ikinikilos ko. Kailangan ko lang muna magpanggap para magawa ang mga planong namumuo sa isipan ko.

Kailangan ko pa bang maghubad ng tsinelas? I ask this two guys next to me but they just laugh at me.

Totoy pumasok ka na lang. Kibit balikat lang naiganti ko at pumasok na kaagad.

Nang marating namin ang sala ay mas namangha pa ako. May sala set sa harap ng isang malaking flatscreen tv na nakadikit sa pader na may pinturang black, ang sahig namay may pulang cloth carpet. And I am also amaze when I see the chandelier hanging at the ceiling, it was made of black diamonds. I dont know if those are real diamonds, but it is eyecatching. Ang elegante tignan at hindi maikakailang Balwarte nga ito ng masamang tao dahil sa tema nitong pula at itim.

Totoo po bang diamonds yung nasa chandelier niyo? I was like a young naïve man asking a question. Nasabi ko ba na kasali ako sa repertory and drama club ng school namin.

Yup, Tumingala din siya para tignan ang tinitignan ko. Henry maupo ka muna.

Umupo siya sa malaking sofa at ako namay umupo sa katabi nitong mini sofa. Comfy huh. Ilang sagit pay dumating si Ice mula sa kusina at may kasama itong babaeng dalaga. May dala itong dalawang tasa ng tsaa at inilapag sa table glass.

I know who you are Henry, I know every little things about you. And you being an eccentring. He talks so sraightforward. I want you to be one of my gladiators. I am really wondering how is it possible for them to know me.

Hanggang sa dumapo sa isipan ko si Ronald. Nabanggit niya sa akin sa perya na tatay niya ang may-ari ng perya. It is one of my dads business. Kaya pala.

I remember when Ronald had a secret conversation with my bestfriend, P.E time namin yon at naabutan naabutan ko sila sa may locker na nag-uusap at naririnig ko pangalan ko.

Nakita ko rin siya one time na parang sinusundan ako, it was after class pauwi na ako non. Akala ko simpleng stalker lang yung mokong para sa pambubully niya sa akin.

Tapos nung sa library, during our lunch time. Nakita ko siya doon checking students profile. Kaya pala siya nag-insist kay Maam Fadera na siya na mag-aayos ng papers ng section namin.

Zoning out? Pagpukaw niya sa akin. It is not an offer. Its a command. Bigla bumigat ang hanging namagitan sa amin ng inilabas niya ang kanyang baril at inilapag ito sa mesa na nakatutok ang puluhan nito sa akin.

He is not playing fairly, so am I. Pinag-isipam ko na ng maayos to mula ng binanggit ito ni Ice kanina. Alam kong isang malaking sugal to, pero wala e nandito na ako.

But, how about my studies sir. I am acting like a nice puppy.

Why are you studying again? Its answerable question even if you dont ask.

Para magkatrabaho at kumita ng pera someday.

Kung pera lang ang pag-uusapan marami ako niyan. Gawin mo lang ng maayos ang part mo. At tiyak di ka mawawalan. Right Ice? The guy at his back nodded.

After couple of hours I agreed on him and make a deal. Sinabi niya rin sa akin na dadalhin ako ni Ice sa arena at tuturuan ng mga bagay na dapat gawin at hindi gawin sa loob. He also said that bare myself with the violence, kasi sadyang marahas talaga ang lugar na yon.

Nice meeting you Henry. Inilahad niya ang kamay niya. Hes talking to me like he found a new ally. Same as sir. Ani ko at tinanggap ang palad niya.

Magpahinga ka muna sa ngayon. Matagal nang naghihintay ang kwarto mo para sayo, So there is also a room for me huh. Pinaghandaan nga nila ang pagdating ko. Ice ihatid mo na siya.

Habang naglalakad kami ni Ice ay sinabi niya sa akin na huwag ko daw subukang tumakas kung ayaw ko pang mamatay. Nabanggit niya din na wag gamitin ang abilidad ko sa kahit na sinong tauhan—lalong lalo na kay Boss N dahil para na rin daw akong nagpakamatay.

Nang dumating ako sa kuwartong tinutukoy ni Boss N ay agad na akong pumasok at nagpahinga. Nagpaalam na rin si Ice para naman makatulog na ako dahil bukas ay dadalhin na ako sa Arena.

Doon naglalaban ang mga eccentric na malalakas para sa kanilang buhay, habang pinagpupustahan lang sila ng mga mayayamang tao

Naalala ko ang eksaktong sinabi sa akin ni August. Napagtanto ko na hindi lang basta laro tong pinasok ko. Siguro ng tama si kuya

Napakalapitin mo talaga sa gulo, iwas iwasan mo nga yang pagtulong mo sa mga taong nasa paligid mo! Alam mo isang araw ayan ang magdadala sayo sa hukay mo. Hindi ka super hero, Henry!

---

pilosopong tano

//happy reading

EccentricOù les histoires vivent. Découvrez maintenant