Chapter 1 // The Thief and Soothsayer

3 1 0
                                    

Henry

This night will be a lucky night for me. Sabi ko na nga ba dadagsa ang tao ngayon sa perya, buti nalang talaga maaga ang class dismissal ngayong araw. At heto napaaga rin ako sa working place ko, I mean my working place for this night only. Ibat-ibang araw, ibat-ibang lugar, mas maraming kita. Minsan pa nga kapag walang pasok nakaka-tatlong lugar ako o higit pa. Iilan pa nga sa mga kapitbahay ko ay nagtataka kung saan ako kumukuha ng pera para pangtustos sa sarili ko at nagagawa ko pa ring mag-aral kahit wala na akong mga magulang, at nakakakain pa rin ako ng tatlong beses sa isang araw. Little they dont know that I am a thief. Pero theres nothing to worry about, ang mga ninanakaw ko ay sapat lang para buhayin ang sarili ko. Magnanakaw ako hindi mandarambong na pulitiko. Tsaka sinisuguro ko na mayaman lang ang ninanakawan ko.

"Oh Henry! It was my classmate Ronald." Hindi ko aakalain na pumupunta siya sa mga ganitong lugar. Kung susumahin mo nga ang physical appearance nito base sa porselana niyang balat at mga mamahaling kasuotan ay aakalain mong sa mga Amusement Park siya pupunta at hindi sa mga ganitong lugar.

", napunta ka pala sa mga ganitong lugar?" I asked him. I plastered a plastic smile at my face.

"Nope." Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin."It is one of my dad's business". No doubt mayaman nga siya. E kung siya nalang kaya budolin ko.

"E ikaw bat ka napadpad dito? May pera ka ba?" He insulted me gaya ng ginagawa niya kapag nasa loob kami ng classroom, siya at ng squad niya. Malas niya, kung sa school pinipigilan kong gamitin ang special ability ko. Pero dito sa tunay na mundo kayang kaya kong paglaruan siya. Hindi ko ginagamit para sa mga walang kwentang bagay ang pagiging eccentric ko, unless it is connected to my survival. I feel sorry for him, siya ang buena mano ko.

"Wala nga e." I glared at his eyes. Bulls eye, then my magic trick started. Kaya bibigyan mo ako. I start to use my ability.

Hes now literally out of his consciousness. I never wanted to do this to you poor creature, but its you who pull the trigger.

"Now give me half of your money." I commanded. Agad niyang kinuha ang wallet niya sa kanyang bulsa at kumuha ng tatlong libo at iniabot sa akin. Sinuri ko muna ang paligid para siguraduhing walang nakatingin sa amin, bago ko inabot ang tatlong papel ng pera.

"Now, sumakay ka sa ferris wheel. Walang nangyaring ganitong bagay, kaya go ride with that chubibo." He will be back at his natural state, few seconds once hes on the ferris wheel.

Nobody deserved to be fool, pero hindi ko rin deserve ang magutom at mawalan ng pag-asa mabuhay. At hindi ko rin deserve maalipusta. I aint have any resource but I have this special ability.

Napansin kong unti-unti ng kumakalat ang kadiliman sa langit kaya napag-pasiyahan ko nang simulan ang pinunta ko dito. Bukod sa pagiging mind manipulator ko, I also have an enhance senses. Madali akong makaramdam at makapuna, makarinig at makaamoy and I could identify kung ano ang mga isinahog o ihinalo sa isang pagkain sa pamamagitan ng paglasa sa mga ito. Hindi lang ang pagiging mind manipulator ang iginagamit ko sa pagnanakaw, kundi pati rin ang aking mga kamay at maliksing pagkilos.

Someone trains me to be like this, simula nang nagkamuwang ako sa malupit na mundo natuto na akong magnakaw. Ang kuya ko ang nagturo sa akin, sabi ko nung una sa kanya na hindi dapat namin ginagawa ang mga ganitong bagay ngunit ang isinagot niya lang hindi sa lahat ng oras ay tama ang bubuhay sa tao. Sinabi niya rin na kami nalang talaga sa buhay at wala kaming magagawa kundi ang magtulungan. Siya na ang namulatan kong amat ina ko, kaya sumusunod ako sa mga gusto niya. Pero ngayon, nag-asawa na siya at iniwan niya na ako, or should I say na ako mismo ang umalis sa puder niya dahil sa hindi ko matiis ang ugali ng asawa nito. Tatlong taon na rin ang nakalipas, pinigilan niya rin ako pero ako tong ayaw paawat kaya heto ako ngayon nag-iisa sa buhay.

EccentricWhere stories live. Discover now