Chapter 5 // Eccentric Den

1 0 0
                                    

HENRY

Bitawan niyo ako! Nagpupumiglas ang isang babae sa hawak ng dalawang lalake. Kung mapapansin moy puno ito ng pasa sa katawan at may iilang mga sugat sa braso.

Sinalubong sila ng naka-labcoat na lalake at may itinarak ito sa kanang braso ng babae. Its a small piece device, baka ito ang dahilan kung bakit nila nakokontrol ang mga eccentric dito sa Arena.

Isang malaking building ang arena na may labing-isang palapag. Sabi ni Ice ay ang tunay na arena ay nasa underground—doon naglalaban ang mga eccentric. Ang pinasukan daw namin ay ang mga tinutuluyan ng mga gladiators. Naka-enhance security ang buong lugar. May mga devices at technology din sila para kontrolin ang kahit na sinong eccentric na mag-amok.

Kapag ako nakawala dito, sinusigurado kong mamatay kayong lahat. Nanggagalaiti ang babaeng hawak nila kanina at ngayoy nakaposas na ang kamay nito.

Too violent my dear, Tugon ng lalaking nakalabcoat at may dinukot sa bulsa ng coat niya. Tingin ko ay isa itong remote o controler. Pahinga ka muna. Dagdag pa nito at pinindot ang hawak niya.

Nakita ko kung paano nanigas ang babae bago ito bumagsak. Binalaan na ako ni Ice sa bawat ikikilos ko. Dapat daw ay sumang-ayon nalang ako sa namamalakad dito sa arena, dahil kung hindi ay baka di ko na masilayan ang muling pagsikat ng araw.

Ice! Tawag ng babaeng nakalabcoat kay Ice. Kung susumahin ay nasa mid thirtys na ito, nakasalamin din ito at may disposable gloves ito sa bawat kamay. Akala ko ba tuluyan ka nang aalis dito at sasama na kay Nick? Sino naman si Nick.

Nagbago na isip ni boss, mas mahalaga daw ang posisyon ko dito kaysa sumama sa mga assassin niya at magperform sa perya. Tumango lang ang babae.

Nadako sa akin ang tingin ng babae. Oh! You must be Henry right? I am shocked, kilala niya ako? Siguro nagulat ka dahil kilala na kita. Buwan na rin ang lumipas ng mabanggit ka sa akin ni Nick. Sabi niya sa akin, balang araw madadala ka niya dito. This is the day. Sino naman yung Nick na yon?

Before anything else, let me introduce myself to you. I am Doctora Elena Santiago. Ang head ng Eccentric Den, pinag-aaralan namin ang lahat ng tungkol sa tulad niyo, at kami din ang responsible sa pamamalakad ng Arena at ang mga gladiator na isasalang dito. Kung ipakilala niya sa akin ang lugar na itoy aakalain mong walang illegal na pamamalakad ang dumadaloy sa buong lugar nito.

Narinig mo na yata kay Ice ang tungkol dito. Pero wala kang dapat ikabahala, Walang dapat ikabahala? She must be joking. Kasi tinetrain naman namin kayo bago kayo isalang. At kailangan niyo pang i-under sa maraming examination para matest ang capacity niyo.

I am just wondering if they are treating as a human or subject for a new discovery. O kaya naman ay mga uri ng hayop na pinagkakatuwaan at pinaglalaban laban para sa sugal.

Tara na ihahatid na kita sa kwarto mo. I am acting as a polite man and loyal to them. Kaya naman tango lang ako ng tango sa diskusyon niya at sumasang-ayon nalang sa mga sinasabi ni

Ice insisted na siya nalang daw maghahatid sa akin para naman daw maigal niya ako sa buong lugar.

Sa unang tingin ay aakalain mo talagang maayos na organisasyon ang namumugad sa buong estrakturang ito. May maayos na pasilidad, may mga wastong pasilyo para sa bawat aspeto ng pag-eensayo. Sa unang palapag ay matatagpuan ang kantin. At ang mga sumunod na palapag naman ay para sa mga kwarto ng mga eccentric slash gladiator. Ang huling tatlong palapag ay para sa mga lab ng mga scientist na nangangasiwa sa amin. Ice said that its prohibited area, gawa ng mga kemikal at iba pang mga inbensiyon doon ay delikado.

Ice, ayos ka ba sa ganitong sitwasiyon? I ask him. Nagtataka lang talaga ako kung paano niya naaatim ang mga bagay na ito.

Oo, ito na nakagisnan ko simula nung bata pa ako. Malaki ang utang na loob ko kay Boss N dahil dinala niya ako dito. Binigyan ko lang siya ng nagtatakang ekspresiyon para magpaliwanag pa siya.

Anim na taon pa lang ako ng mawala ang mga magulang ko, simula nun naging palaboy na ako. Then I met Nick Peralta, binihisan niya ako, pinakain niya ako, pinag-aral niya ako at ito lang ang hiningi niyang kapalit. Ang pagsilbihan siya at sumunod sa mga utos niya.

Teka, Nick? Sino naman yung Nick Peralta? Kanina pa nila binabanggit yang Nick na yan.

Si Boss N! Ayun ang tunay niyang pangalan. I look at him and I figure out in his face that he is reminscing old times. Hindi man halata sa blanko niyang ekspresiyon, ngunit ang mga mata niya ay hindi nagsisinungaling.

Pero alam mo naman ang lahat ng ito ay illegal? Kung tutuusin ngay hindi lang ito basta simpleng krimen. Nalalabag niya ang karapatang pantao nating mga eccen—

Mabilis na naglaho ang aliwalas sa kanyang mata at nabalutan ito ng inis. Wala akong pakialam sa suhestiyon mo Henry. Kung gusto mong mabuhay ay makiayon ka nalang. Hinawakan niya ang kwelyo ng aking damit at inilapit sa kanya.

Umusok ng bahagya ang aking damit at binitawan niya na rin kaagad ito. Even though hes name is Ice, kabaliktaran naman nun ang traits na meron siya. Mainitin ang ulo niya at madaling magalit. Never mess up with Ice Sebastian, unless you want to face the hell and his fire.

Nang nakarating na kami sa kwarto ko ay iniwanan na niya ako. Hindi man lang siya nagpaalam at basta basta nalang umalis. Agad akong pumasok sa kwarto ko. Naabutan ko sa kwarto ang isang kama, may lamesita at upuan sa gawi ng bintanang gawa sa salamin at hindi nabubuksan, at ang isang aparador ng mga damit. Puti ang kulay ng buong kwarto at kung titignan mo ng malapitan ay metal ang material na ginamit upang gawin ito.

Nahiga ako sa kama ko at nagnilay-nilay. Mabilis ang pangyayari na kahit ako mismo hindi ko lubusang naisip ang pinasok kong gulo. Kung kasama ko pa rin yata ang kuya ko ay mag-aalala yon. Pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na wala akong gawin, kahit na may nalalaman ako.

Pinakamalaking perspektibo ko sa buhay ang huwag magbulag-bulagan sa mga pangyayaring nakikita ko. Binigyan ako ng kakayahan ng Diyos hindi para manahimik lang at kunsintihin ang mga malulupit na tao sa kanilang mga gawain.

Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa bumabagabag sa isipan ko. Alam kong kamatayan lang o pagkapanalo ang magiging dahilan ng paglabas ko dito sa Eccentric Den na ito.

---

pilosopong tano

//please bear with some grammatical and typhos

EccentricWhere stories live. Discover now