Chapter 9 // Ally

0 0 0
                                    

HENRY

It was my first victory and my key to create ally, I hope so. After declaring my victory, Ice congratulates me. Nabanggit niya rin na matutuwa si Boss N sa pagkapanalo ko, kasi tumaya siya ng kalahating milyon sa akin. I wonder why he also gamble while its all his gambling land.

Inisip ko ang mga posibilidad kung bakit niya ginagawa yon. Baka sakaling magamit ko ito pagdating ng araw.

Pagkatapos ng buong laban kanina ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Matapos ang ilang oras ay pinuntahan ako ng isang lalake para daw kunin ang pera ko.

I am Felix their finance manager. Ako ang may hawak ng mga perang lumalabas a pinapasok dito sa den. He introduce himself in a casual way.

Kung pwede ko lang talaga kontrolin ang isip ng lahat ng mga tao dito ay ginawa ko na. Pero may kinabit silang device sa braso ko. Actually, lahat naman ay merong tracking device sa bawat braso. Sabi ni doktora ay para daw ito sa pag-kontrol sa amin kung sakaling may ginawa kaming kahina-hinala ay agad nilang malalaman at mapipigilan nila kami. This device can also track brain andd body activities, if we are performing our powers outside arena premisses—then boom! Isang pindot lang nila at libo-libong boltahe ang dadaloy sa katawan mo.

Nagkaroon lang kami ng simpleng diskusyon nung finance manager. Matapos nun ay inabot niya na ang pera. Pababa na sana ako ng canteen ng nakasalubong ko ang isang babaeng misteryoso. Kung sisipatin mo itoy nasa dose o trese lamang. Paano kaya nilang naaatim na pati ang mga batang nasa murang edad pa lamang ay ipinapasabong na nila. Napailing na lamang ako, nais ko sanang kausapin ito subalit mabilis ito maglakad.

Nang marating ko ang canteen ay marami na ang naghahapunan, pasado alas-siyete na kasi ng gabi. Halos lahat ng tao dito ay nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ito at umorder nalang ng pagkain. Pagka-kuha ko nang pagkain ko ay pumwesto na ako sa bakanteng upuan.

I was about to eat when someones rushing towards my place, its—

Paano mo ako natalo? Bigla niyang hinila ang kwelyuhan ng damit ko dahilan upang mapatayo ako ng bahagya.

Elsa! This is the way you congratulates me? Kalmado kong tanong.

All eyes were on us. Ilang segundo rin kaming nagtitigan habang hawak niya ang kwelyo ko.

Anong ginawa mo? Nagising nalang ako sa infirmary. Nanggagalaiti niyang litanya.

I dont know! Lumaban ako ng patas, you use your ability and I use mine too. Sagot ko sa kanya at tinanggal ko ang kamay niya sa kwelyo ko.'

Shes like a hungry lion and I am her prey. Kahit anong oras yata ay nakahanda na itong sakmalin ako.

Hindi naman yata tama ang masyado mong pagluluksa sa pagkatalo mo Elsa. Someone interupts us. Maskulado ang katawan nito kahit babae ito, naka mohawk ang buhok nito at may tatlong lining. Kaya ko na-define na babae ito dahil sa malaki niyang hinaharap.

Hindi rin naman yatang tama na nangingialam ka sa usapan ng iba , Hercules! Shes still on the rage.

Hindi ko alam kung bakit bigdeal sa kanya ang pagkatalo niya. E di ba dapat ay magpasalamat siya sa akin dahil hindi ko siya pinatay.

Gusto mo bang malaman ito ng head ng den? Nanakot ang tono ng babaeng tinawag niyang Hercules.

May head pala ang Eccentric Den?

Eh ano naman kung malaman nila? Tinatanong ko lang siya. Pagsagot ni Elsa.

Kitang kita kanina na kinikwelyuhan mo siya. Marami ang nakatingin sa inyo. Sabay luminga-linga siya para ipakita kay Elsa ang mga taong nanunuod sa eksena namin.

Nahimasmasan ang babaeng yelo, marahil ay nalaman niyang naging padalos-dalos ang ikinilos niya.

Anong nangyayari dito. Dumating namna ang grupo ng mga lalake. Parte ata sila ng security team ng den.

Ah—eh—wala po. Nakikipag-kaibigan lang po sila sa akin. Ako na ang nagrason.

Binalaan lang kami ng mga ito at sinabihang wag magsimula ng gulo kung gusto pa daw naming mabuhay. Padabog naman na umalis si Elsa sa pangyayari, mabigat ang hakbang niya papalabas ng canteen.

Im Hercules! Sabay inabot niya ang kanyang kamay

Chaos. Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

Pwede ba akong maki-share ng table.

This is the best way to start making friends or ALLY inside this hell place.

I dont mind. Nagtanim pa ako ng matammis na ngiti.

Nagsimula siyang magkuwento sa mga karanasan niya dito sa loob ng den habang kumakain kami. Nakinig naman akong mabuti baka may masagap akong impormasiyon para sa mga plano ko. Kabaligtaran ng matapang at nakaka-intimidate na hitsura ang personalidad niya. Pala-kaibigan siya at jolly din.

Siya nga pala Chaos, anong dahilan at napunta ka dito. Sinaktan ka rin ba nila? Pinilit? O baka naman ay hawak din nila ang pamilya mo kaya ka napilitan. Nagulat ako sa mga sinabi niya.

Hawak din nila? Ibig sabih— Natigil ako ng bigla niyang tinakpan niya ang bibig ko.

Siguro kagaya ko siyang hindi ginusto ang mapunta dito. Ako ang agenda kong makapasok dito ay iligtas ang mga Eccentric na nandito at nakakulong pero may normal na buhay ang naghihintay sa kanila sa labas. At isa pa kaya rin ako pumayag para makabalik si August sa pamilya niya ng ligtas.

Tapos ka na bang kumain? Tanong niya sa akin. Huwag tayong mag-usap dito tungkol sa mga ganitong bagay. Aniya.

Nang nakita niyang wala ng laman ang pinggan na pinagkakainan ko ay hinila niya agad ako.

Teka lang iinom lang ako hehe. At bumalik sa lamesang pinagpwestuhan namin at uminom.

Sabi niya sa akin na sa kwarto niya nalang daw kami mag-usap. Nasa elevator na kami patungo sa ika-limang palapag dahin naroon daw ang kwarto niya.

Sure ka ba na okay lang pumasok ako sa kwarto mo?

Tumango siya, Wag kang mag-aalala hindi naman sinabi na bawal pumasok sa silid ng iba e. Atsaka wala naman daw kaso sa kanila, basta walang kaguluhan na mangyayari. May iba nga dyan e nagkakaroon ng kasiyahan sa iisang kwarto. Pagpapaliwanag niya at napatango lang ako

Nang nakarating kami sa kwarto niya ay pinapasok niya agad ako. Pinaupo niya ako sa upuan ng mumunting study table niya.

Sino ba ang nagpasok sayo dito? Tanong niya at umupo sa kama niya.

Si Boss N. Matipid kong sagot.

Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang gulat na gulat sa itinuran ko. Mag-sasalita pa sana siya ng biglang may ingay na bumulahaw sa buong building.

Anong meron sa mundo at nagpatawag ng meeting ngayong oras? Napailing na lamang ito

Ang tunog pala na yun ay para sa mga assembly. Nagmadali na kaming bumaba para makinig sa announcements.

---

pilosopong tano

//enjoy reading

EccentricWhere stories live. Discover now