Chapter 2 // Gladiators

3 1 0
                                    

HENRY

Hindi ako pinatulog ng konsensiya ko kagabi. I am not sure if that guy is still alive. Ang pinaka-perspektibo ko kasi sa buhay bilang eccentric ay huwag gamitin sa karahasan ang aking abilidad. I hope hes still breathing.

Gising ka na pala. Bati ko sa lalakeng naabutan kong naka-upo sa sofa nang lumabas ako sa kwarto.

Hindi kalakihan ang bahay ko. May sala ito pagkapasok mo mula sa pinto. May isang kwarto, tsaka kusina at comfort room.

Bakit ang laki ng eyebags mo? He asked.

Hindi ako nakatulog, yung nagbabantay ba sa perya. Sa tingin mo buhay pa kaya siya?

He sighed. Hindi mo dapat alalahanin yon. Isipin mo na lang na dahil sayo nabawasan ang mga taong halang ang kaluluwa dito sa mundo. Kahit na sinabi niya pa yon di pa rin mawaglit sa isip ko.

Napailing nalang ako at napakamot sa buhok ko. Tumayo ako para pumunta sa kusina at magtimpla ng mainit na inumin para sa aming dalawa.

What do you prefer, coffee or milk? Tanong ko, medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig niya ng klaro.

Anything will do.

Nang matapos kong magtimpla ay nagtungo naman ako sa ref para kuhanin ang binili kong loaf bread kahapon at nilagay ito sa toast.

Ano nga pala pangalan mo? Ngayon ko lang napagtanto na pinatulog ko pala tong taong to sa bahay ko nang hindi ko man lang nalalaman pangalan niya.

August De Claro. Sagot niya.

Nang matapos ko nang i-toast ang tinapay ko ay bumalik na ako sa sala. Iniabot ko sa kanya ang tasa ng gatas at inilapag ko naman ang plato ng tinapay sa mesa.

Base sa hinuha ko ikaw lang mag-isa dito. At lagi kang wala dito. Siguro yung mga magulang mo nasa ibang bansa, giving you all of this. Tugon niya habang sinusuri ang bahay.

Tama ka sa dalawang bagay na nabanggit mo. Pero wala na akong magulang, walang nag-abroad. Lahat ng bagay na nakikita mo ay bunga ng dugot pawis ko. We all know that was a lie.

Dugot pawis bang maituturing ang pagnanakaw? He, being a soothsayer again.

Mga mayayaman lang ninanakawan ko. Tsaka sapat lang ang ninanakaw ko para tustusan ang sarili ko.

Nakaw pa rin yun. Magnanakaw ka pa rin. He said after take a sip on his cup of milk.

Maging ang kinakain at iniinom natin ngayon galing din sa dugot pawis ko. Me at my most sarcastic tone.

I dont mind it. Nga pala, alam mo ba yung pinasok mong gulo? Ngumunguya naman siya ng tinapay ngayon.

Kung kanina ay konsensiya ko kalaban ko, ngayon naman ay kaba ang namuo sa aking dibdib. At naalala ko pa yung lalaking nag-aapoy. Alam kong nakita niya yung ginawa ko kaya siya nakatingin sa akin ng masama nung mga oras na yon.

Boss N! Hes the most dangerous man I know. Walang kaluluwa yun, may sa demonyo ata yung tao na yun. Halata ang galit sa ekspresyon ng mukha niya.

Bakit mo naman nasabi yan? E hindi bat nagtatrabaho ka sa kanya? Tanong ko.

May utang ang papa ko sa kanya. My father is one of his hitman. Nabaril si papa sa isang aksidente, dahil na rin sa pagpoprotekta niya kay Boss N, He starts narrating. Mabuti nalang at buhay pa ito at naisugod agad sa hospital. Kaya laking pasalamat ni papa sa kanya, pero sabi ni Boss N. He is not accepting gratitudes and thankyou, perhaps he said its my fathers fault kung bakit daw siya nabaril. Tatanga daw kasi si papa. Parang perfect sa antagonist na character talaga yung Boss N na yon.

EccentricHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin