Chapter 7 // Start of the Game

1 0 0
                                    

HENRY

Maaga akong nagising para maghanda sa unang pag-salang ko sa arena. Nakakaramdam ako ng mumunting kaba sa dibdib ko simula pa kahapon. Pagkatapos kasi ng training ko kahapon ay sinabi sa akin ni Dra. Elena na isasalang na daw nila ako ngayon.

Huwag naman sanang mmaging huli ko ang unang pagsalang ko. Nagsisimula pa lang ako sa misyon ko. Unti-unti na akong kumakalap ng impormasyon tungkol sa Eccentric Den. Ang mga eccentric pala na namamalagi dito ay hindi gumagamit ng sarili nilang pangalan. Naalala ko pa nga noong nasa lab ako para sa examination, tinanong ako ng isa sa mga doktor kung anong nais kong itawag sa akin. Higit ilang minuto ko rin pinag-isipan ang magiging code name ko, at napagpasyahan kong Chaos ang itawag nila sa akin.

Ako ang magsisimula ng pagbagsak ng bulok na pamamalakad na ito. Ako ang chaos.

Malakas na kato ang bumasag sa katahimikan ng aking kwarto. Agad akong pumunta sa pintuan upang pagbuksan ang kumakatok.

O Ice ikaw pala? Anong kailangan mo? Sa halip na sumagot ang lalakeng ito ay agaran siyang pumasok sa kwarto ko. Note, I havent give him any permission.

Sinirado ko na lang ang pinto at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili ko. Nasa harap ako ng salamin na nakakabit sa pinto ng aparador ko at nagsusuklay ng buhok. Habang nakaupo naman si Ice sa aking kama.

So, whats your code name? He asked. Kasing lamig talaga ng pangalan niya ang kaniyang boses.

I want them to call me Chaos? Sagot ko, namuo sa mga labi ko ang ngiting nagtatago ng aking mga plano.

Destruction. The question is— Napalingon ako sa kanya. Is code name Chaos suits you? Mukhang wala namang panganib na dala ang mukha mo. Napailing lang ako sa mga sinabi niya.

Nga pala kaya tayo may mga code name ay para protektahan ang ating mga personal informations. Wag mong ipapaalam sa kahit na sino ang tunay mong pangalan. Pagpapaliwanag niya. Atleast nalinawan na ako, e hindi naman pinaliwanag sa akin nung nag asses sa akin last time. At hindi mo rin ako basta tawaging Ice sa harap ng mga co-gladiators natin. My code name is Hell.

Bagay nga sa kanya ang code name na napili niya. Kung titignan mo pa lang ang tindig ng taong to ay manginginig ka na sa takot. Animoy nakatago sa mga mukha nito ang isang halimaw na tatapos sa buong mundo. I am not exaggerating, if you can see his fierce eyes and pale expression of his face it can give you chill down to your spine.

Lalaban ka rin ba ngayon? I ask. Tapos na akong mag-ayos at hinanda na ang battle wardrobe ko na binigay sa akin nung isang araw before my simulation starts.

Simulation is an assessment for physical abilities. Papasok ka sa isang room na may mga advance technology na nagpapalabas ng mga holograms na solid form na kawangis ng mga tao. Para ka talagang nasa tunay na giyera dahil may mga dalang armas ang mga ito at totoong nakakasugat.

Oo, comeback fight ko daw. Napatango lang ako. By the way wanna join me? He ask.

Saan? Tanong ko.

Sa simulator room, para makapag heat up.

Magandang ideya yan.

Sige pero kain muna tayo.

Nagkasundo naman kaming dalawa at bumaba sa canteen. Binibili rin pala mga pagkain dito, buti nalang at may pera akong nadala papunta dito. Pero hindi rin naman ako nagbayad dahil si Ice na ang nagbayad para sa akin.

I- ay Hell pala Napalingon-lingon pa ako baka may nakarinig sa akin. Mahigpit palang iniingatan dito ang pagpapakalat ng real identity ng isang tao.

What? Hindi man lang lumingon ito sa akin at patuloy lang sa pagkain.

Saan kumukuha ng pera ang mga tao dito?

Malaki ang natatanggap ng mga nanalo during the battles. Bukod sa buhay ka at ligtas ka, may pera ring natatanggap ang mga nanalo.

Napatango lang ako sa paliwanag niya. Marami pa akong hindi alam sa mga pamamalakad dito. Plano ko rin sanang humanap na ng kakampi dito sa loob para di ako mahirapan sa pagpapatumba ng organisasyon ni Boss N.

Hindi magandang gawing hanap buhay ang kapangyarihang mayroon kami. Tao lang din kami at alam ko ninanais ng karamihan dito ang malayang buhay sa labaas. Hindi rin magtatagal ay maibibigay ko sa kanila yon.

Pasensiya ka na kuya kung may pinasok nanaman akong gulo.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa simulator area. Kailangan ko din to. Wala ako sa lugar para makampante, hindi ko alam kung ano ang haharapin ko ngayong araw. At hindi ko rin nasisigurado ang kaligtasan ko.

Bago pumasok sa simulator room ay may digital pang pinipindot upang i-set ang level nito at bilang ng mga kalaban. Si Ice na ang nagset dito, nilagay niya sa hard ang level at fifty na kalaban ang palalabasin niya.

You ready? Nag-aalangan man ako pero tumango nalang ako sa tanong niya.

Unti-unting umangat ang green light na barrier ng room. High-technology talaga lahat halos ng pasilidad nila dito, hindi ko talaga maiwasang mamangha.

3. . . 2 . . . 1 . .

Nagsilabasan na ang mga solidefy holograms na tao. Ako naman ay nag-panic ng naalala kong wala kaming suot na kahit anong battle wardrobe pandagdag proteksiyon.

Yuko! Napayuko ako bigla dahil sa utos ni Ice.

Lumabas ang apoy sa kanyang katawan tungo sa hologram na sasaksakin sana ako. Agad itong naglaho dahil sa apoy.

Pwede ba! Be active. They can kill you, just so you know. He shouted.

Naging aktibo na ako sa battleground. Marami ng nagsisilitawan na holograms. Ang ilan sa kanilay may dalang malaking axe, ang iba ay nasa mas mataas na ground at may pana. Samantalang iba ay may dalang katana, sila ang sumusugod papalapit sa amin.

Malaki ang gagampanan ng enhance senses ko dito. Ramdam ko ang paglapit nila kaya nauunahan ko silang atakehin bago pa sila makalapit sa akin. Wala akong kahit na anong armas kaya kamao ko lang ang gamit ko.

Si Ice naman ay patuloy lang sa pagtupok ng kalaban. Una niyang binabato ng fireball ang mga long ranger na holograms. He has good sense of tactics. Malakas rin ang pangangatawan nito dahil kaya niyang makipagsagupaan gamit ang kamay niya at paa.

Akmang may hahampas sa akin ng axe pero kaagad ko tong naiwasan. Sinipa ko ito papalayo at sinugod siya para kunin ang axe na dala niya at hinampas sa kanya. Pagkatapos ko don ay sinugod ko pa ang iba. Pinaghahampas ko ito ng dala kong axe. Totoo pala ang talim nito kahit na hologram lang ito. Kahit papaano ay naiiwasan ko ang mga panang lumilipad patungo sa akin.

Cover! He shouted.

Dumapa ako gaya ng inutos niya. Ang sumunod na nangyari ay nagprudoce siya ng wave of fire para maubos lahat ng kalaban. Dama ko ang init ng buong simulator dahil sa ginawa niya.

Matapos namin maubos ang mga kalaban at may ilaw na nagpop-up sa hangin. Light projection ito na may nakalagay na LEVEL CLEARED.

Umangat na ulit ang barrier ng simulator at lumabas na kaming dalawa.

Bakit di mo ginamit ang mind manipulation mo? Tanong niya. Busy ito sa pagpupunas niya sa sariling katawan niya upang tuyuin ang pawis na natamo niya dahil sa massive na kalaban.

They are holograms, not a real human. Ani ko at kinuha ang tumbler mula sa dala kong bag.

Napatango lang siya. Youre good, pero hindi sasapat yan kung alpha class ang makakalaban mo mamaya. Kailangan rin ng utak. Pagpapayo niya.

Bakit di tayo nagsuot ng battle wardrobe kanina? Tanong ko. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa elevator ng floor.

Para naman mas maging active ka. Its a big help, knowing that you dont have any protective gears kaya mas magiging maingat ka. Eksaktong tapos niyang sumagot ay eksaktong pagbukas ng elevator panel. Una siyang pumasok at sumunod na ako.

---

pilospong tano

//open po ako sa mga payo niyo po as a newbie writer

EccentricTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon