"Dadalhin n'yo si Ria?"

"Hindi na. Kami lang ni Romulo."

I nodded and stood. Napatingala si Aria sa akin.

"Magbibihis muna ako."

"Huh? Saan ka?"

"May lalakarin ako mamayang gabi."

Tumawa si Noel. "Oh? Uuwi na pala ako nito!"

Uminit ang pisngi ko. "I-I didn't mean to..."

"Hindi na, sige lang. Para rin makasali ako sa family dinner namin."

Tumawa si Aria. "Pinapalayas ka na, Noel."

I really didn't mean that, though. Pero iniisip ko naman kasing aalis na rin si Noel dahil narinig niyang aalis sina Aria at Romulo.

I took so much time getting ready. Kinabahan tuloy ako nang kinatok na ako ni Aria dahil lumulubog na ang araw at nag-aayos pa ako.

"Yohan?! Aalis na kami. Ikaw?!"

"Ah. Susunod na!"

Nagmadali agad ako. I'm wearing a pink checkered casual dress now. Inilagay ko ang bag sa balikat at lumabas na ako.

Sinipat agad ako ni Aria. Kinabahan ako na baka magtanong siya pero inignora niya na lang ako at bumaba na.

Naglalaro ng videogames si Romulo at Noel pagkababa ko. Nagpasya akong lumabas para i-check ang sasakyang gagamitin.

Naroon na sa rotunda ang sasakyan, nakahanda. Ang Mazda iyon dahil hindi ko pa rin magamit ang BMW. My heart pounded when the realization dawned on me. Nilagay ko ang purse ko at sinarado na ang sasakyan.

Pagkabalik ko sa loob, nagulat na ako kasi nagkakagulo na si Aria at ang mga kasambahay namin.

"Anong nangyari?"

Noel is moaning because of his feet or something. May iniinda siya sa paa niya at pinapaupo siya. Naghanap si Romulo ng compress.

"Anong nangyari?" ulit ko.

"Nanalo kaya ang sayang tumalon. Na strain yata ang paa."

Noel cried. It seems like it hurt so much. Kaunting galaw lang ni Romulo doon ay sumisigaw na siya. He was serious and very red. Mukhang sobrang sakit nga.

Lumapit ako at hindi alam paano hahawakan si Noel. Nakita ko na unti-unting namuo ang bukol sa kanyang paa. Namumula ito at kaunting galaw niya lang, sumisigaw na sa sakit.

"Magtawag kaya tayo ng ambulance?" si Aria.

"This is just minor," si Romulo.

"Oo nga, huwag na! Nagkaganito na rin ako noon, e. Ang sakit nga lang!" si Noel na namamawis sa sobrang sakit ng nararamdaman.

I didn't know what to do. Hindi ko rin namalayan na nakapag-aksaya na kami ng panahon. Saka ko lang napansin nang nagtanong na si Noel.

"Hindi ba may pupuntahan kayo? Iyong meeting?" aniya kay Aria.

"Oo pero ayos lang."

"Importante iyon, hindi ba? Pumunta na kayo."

Matagal na tumitig si Aria kay Noel bago siya bumaling sa akin.

"Importante ba ang lakad mo?"

I shook my head immediately but I was kind of nervous.

"Huwag ka na lang umalis. Aalis kami ni Romulo tas dadaan kami ng ospital-"

"Huwag na. Pakisabi na lang kay Margaux o kung matawagan n'yo man siya na magpapakuha ako rito. Maghihintay na lang ako na kunin nila ako rito."

"Talaga?"

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon