Chapter 80: Kill all of you

Start from the beginning
                                    

"Anong nagdala sayo dito?" pagkababa ko ay nakatayo sa gitna ng Elemental mountain ang matandang Videre, na para bang inasahan na ang pagpunta ko dito.

Nanatili akong malayo sakanya. Ayoko ng maulit ang nangyari kanina.

"What is happening to me?" patuloy sa pagkalat sa buong katawan ko ang itim na magica.

Tiningnan niya ako maigi.

"Nalalapit na," iyan na naman ang sinabi niya.

"Ano ba ang nalalapit na?!" hindi ko mapigilan ang inis.

"Gaya ng sinabi ko noon, ay ganon padin ang sasabihin ko sayo. Kaya hindi kita masasagot," lumapit siya unti-unti saakin.

Humakbang ako palayo.

"Natatakot ka bang makasakit sa iba?" patuloy siya sa paglapit saakin.

"No, I'm afraid to become a monster again," humakbang pa ako palayo.

"Ngunit paano kung iyon ka talaga?"

Natigilan ako sa tanong niya, kaya nakalapit na siya ng tuluyan saakin. Natakot ako sa pwedeng mangyari.

"Hanggang hindi pa dumadating ang nakatakdang panahon, hindi mo pa matutuklasan ang lahat," kumapit sa kanya ang itim na elemento pero walang nangyari.

Gamit ang wand niya may lumabas na itim na gloves. Inabot niya saakin ang bagay na ginawa niya.

"Makakatulong iyan sayo pero hindi panghabang buhay. Ikaw lamang ang makakatulong sa sarili mo."

Kahit naguguluhan ay kinuha ko ang gloves na itim. Sinoot ko ito.

"The black element in my hand stopped," napuna ko ng soot na ang gloves na bigay niya.

"Hindi itim na elemento ang nanggagaling sa katawan mo, isang makapangyarihang elemento na isang nilalang lang ang mayroon. Ang bagay na nasa kamay mo ay makakatulong upang hindi lumabas ang makapangyarihang elemento na nasa loob ng iyong katawan. Pero gaya ng sinabi ko kanina hindi mo maaring i-asa ang sarili mo sa guwantes na 'yan."

"Anong nangyari saakin kanina? Bakit parang hinihigop ng katawan ko ang magical energy sa katawan nila?"

"Tinatanggalan mo sila ng kapangyarihan. Ang mga White blood wizard ay nabubuhay dahil sa kapangyarihan na nasa katawan nila, kaya kung matanggal ito ay mamatay sila. Sa ngayon ay hindi mo sila mahahawakan kung wala ang proteksyon na nasa kamay mo, hindi mo sila maaring yakapin, at lalong hindi maari ang halik," tumalikod siya saakin, naglakad palayo.

"Hanggang kelan?"

"Hanggang hindi mo pa natutuklasan kung sino ka talaga," pabalik na siya sa cabin. "Ngayon ay maari ka ng bumalik sa kanila, kailangan mo ng kumilos... bago ka maunahan ng kadiliman."

-----

Sa pagbalik ko ay iilan na lang ang studyante sa labas ng AMC. Naka-upo sa hagdanan sila Cass at ang mga kaibigan ni Jiyeon. Nakasandal naman pader si Ashton, nagtagpo agad ang mga mata namin.

"Are you alright?" he worriedly asked, as he went to me.

"Hindi ka ba natatakot na mangyari na naman yung kanina?" tinanong ko siya ng makalapit siya saakin.

He shooked his head. "I was never scared, and still now. What happened?"

Bago ko pa masagot tumakbo na palapit saamin ang mga Praeceptor at sila Kaye.

"Yvon! What happened?" niyakap ako ni Kaye ng mahigpit.

Kaya agad ko siyang naitulak. Nagulat siya sa ginawa ko, pati nadin ang iba.

"Yvon?" nagtatakang tanong ni Kaye.

"Please no skin touch," I told them.

Mas lalo silang nagtaka sa sinabi ko.

"I may kill all of you, so please just don't."

"Anong sinasabi mo Yvon?" tanong ni Airos.

"Akala ko kapag nahanap ko na kung ano ako matatapos na ang lahat, pero umpisa lang pala 'yon. Malaking bahagi ng katauhan ko ang hindi ko padin nahahanap," I tried to explain my point.

"Let her rest first," Ashton said, making them go away.

"Let's go," Ashton told me.

I nodded, as we walk together to the the Dormitorium. Pagkapasok namin sa loob akala ko ay sasabayan niya lang ako pero hanggang third floor ay kasunod ko padin siya. Wala siyang sinasabi kahit ano. Bawal ang lalaki sa pangatlong palapag pero dahil wala namang sinusunod si Ashton na rules ay baliwala lang sa kanya ang pagpunta sa Puellae Dormitorium.

"Dito na ang dorm room namin," tumigil ako sa harap ng pinto ng dorm room namin.

"We'll talk about everything after you rest," he said.

I nodded. "Thanks."

I want to hug him, or even kiss him... but I can't.

"Go inside," tinuro niya ang pintuan.

I weakly smile and open the door. "Goodbye," hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

His jaw tighten. "Stop saying goodbye Yvon. There will be no bye between us. I'll make sure of that."

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Sana nga...

I waved my hand. "See you later Ashton."

He nodded. I closed the door. Kailangan ko ng malaman kung sino ba talaga ako, dahil hindi ko kakayanin kung magtatagal na ganito ang sitwasyon namin.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now