Chapter 6: Soul Manipulator

1.9K 54 3
                                    


"Kaye bilisan mo!" sigaw ni Cass kay Kaye na hanggang ngayon nag aayos parin ng buhok.

"Oo eto na!" sigaw din ni Kaye at nag mamadaling lumabas ng kwarto.

Nag kulot nanaman ng buhok kaya pala ang tagal-tagal lumabas ng kwarto niya.

Lumabas na kami ng dorm room, habang nag lalakad kami sa hallway ng dorm ng mga girls halos lahat sila ay nakatigin saamin. Ganon din ng pumasok kami ng dinning hall kung saan lahat ng studyante ng AMC ay nandito na para kumain lang ng almusal. Bakit kasi kailangan pang sabay sabay kumain pwede namang sa dorm room nalang?

Pag kaupo namin sa isang mahabang lamesa bumukas ang pinto at pumasok ang mga praeceptor at yung head na nakausap namin nung unang araw namin dito.Umupo sila sa pinakaharapan kung saan kitang kita namin silang lahat.

"Good Morning students of Academy Magica Coloris! Alam kong alam niyong lahat na dapat ngayon na ang duel exam para malaman na kung ano ang magiging rank niyo for this semester. Pero sad to say mauurong ito bukas," sabi ni Ashley o tinatawag nilang H.M. Ashley.

Ang dami na nag react kesyo bakit daw mauurong pa, excited pa naman daw sila para sa duel exam na 'yan. Pinag handaan daw nila 'yan tapos bigla bigla nalang mababago.

Masyadong big deal sakanila iyan?

"Duel exam?" tanong ko kay Kaye dahil sure akong alam niya 'yan.

"Iyon yung mag du-duel one by one ang mga studyante parang doon masusubukan kung gaano na kalakas ang powers nila. Pero ang nabasa ko kung 3rd year ka 3rd year din makakalaban mo, by level year kasi," Kaye explained.

"Everyone quiet!"

Nanahimik ang lahat.

"Mauurong bukas dahil may masamang balita ang nakarating. Ang green stone ay nawawala at ang naasahang mag tago nito ay nabalitaan naming inatake at pinatay ng kumuha. Ngayong nawawala ang green stone ay siguradong nasa Academy Magica Coloris na ang kumuha nito upang sumalakay. Nasa panganib na ang school natin dahil hindi natin alam kung anong kapangyarihang dala ng Magicis Lapis. Nasa panganib din ang buhay ng nawawalang princeps kung hanggang ngayon ay hindi parin napalalabas ang kanyang kapangyarihan..."

Tahimik ang lahat.

"Isa pang dahilan kung bakit mauurong ay may dalawang transfer ang papasok ngayon."

Gaano ba kahalaga ang dalawang transfer na 'yan at mauurong pa ang sinasabi nilang duel exam?

"Kahapon may transfer na tatlong babae, si Cassandra San Agustin, Kaye San Agustin at Yvon San Agustin. Ang dalawang transfer na papasok mamaya ay kaparehas ng edad nila Cassandra at Yvon San Agustin. Alam niyo ang edad ng nawawalang prinsesa ay 18 years old na dapat siya ngayon pero sa kanilang limang transfer si Kaye San Agustin ang 16 palang kaya ang ibig sabihin non ay imposibleng siya ang nawawalang prinsesa."

Bakit nadamay pa kami?

"Kailangan pa bang banggitin ang pangalan ko?" natatawang bulong ni Kaye sa tabi ko.

"Sa apat na babae maaring isa sa kanila ang Long lost princeps dahil pare-parehas pa nilang hindi natutuklasan ang kapangyarihan nila."

Ano? Bakit nadamay kami sa pesteng nawawalaang prinsesa na 'yan? at yung green na gem ba ang tinutukoy nilang magical stone na nawawala?

Bakit nga ba nasa bahay ang stone na dahilan kung bakit namatay ang mga magulang namin?

Ang daming katanungan ang nasa isip ko ngayon, pero nasisigurado kong masasagot ko 'din ang lahat.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now