Chapter 4: Hell Place

5.1K 157 31
                                    


Nagising ako sa katok ni Kaye sa pimtuan ng kwarto ko. "Yvon! Gising na!"

Boses niya pa lang gising na gising na ako. Daig pa ang alarm clock.


"I'm up," hindi malakas pero sapat na para marinig niya.

Bumangon na ako saka dumiretsyo  sa bathroom para maligo. I wear a black simple dress and brown boots. Wala akong dalang bag dahil lahat ng libro at notebook ko ay nasa locker na sa school. Sinukbit ko lang sa balikat ko yung black long bag ng arnis stick.

Pagkalabas ko ng kwarto ay parehas na kumakain ng almusal si Cass at Kaye

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkalabas ko ng kwarto ay parehas na kumakain ng almusal si Cass at Kaye.

"Good morning!" Cass greeted me.

"Morning..." umupo ako sa harap ni Kaye.

Kumuha ako ng isang toasted bread saka kinagatan.


Napansin kong may inaayos na something device si Kaye. "What's that?"

"Hmmm..." inabot niya saakin. "Wireless earphone."

"For?" I asked.

"Wala kasing connection yung mga cellphone natin. Mas okay may ganito tayo para kahit hindi tayo magkakasama may connection tayo sa isa't isa."


"Akala ko ba walang connection sa mundo na 'to?" I asked confusedly.

"Ako pa ba?" she winked at me.

"Obviously," nilagay ko sa kaliwa kong tenga yung wireless earphone. Hindi ko nadin tinanong kung bakit hindi na lang niya ginawan ng paraan na yung mga cellphone na lang namin ang magka connection.


Inabot ni Kaye kay Cass yung isa pa. May pinindot si Kaye na button sa maliit na device na hawak niya.


"And it's done!" Kaye said, being proud of herself.


Tumayo na ako. "Let's go."

Hindi ko na sila hinintay, nauna na akong lumabas. Habang naglalakad kami sa hallway ng school nagdadaldalan lang si Kaye at Cass. Hindi nila maiwasan humanga sa mga nakikita sa paligid. May mga bagay na lumulutang at nagsasalita katulad nung namili kami. Yung mga studyante naman dito ay hindi nalalayo sa mga studyante sa mundo ng mga tao. Normal na naguusap lang, ang pinagkaiba ay yung mga kulay ng buhok at mata nila.


Yung ibang studyante naman nagpapakita ng powers kung saan may kung ano ano ang lumalabas sa mga kamay at katawan nila.


"Wow as in wow!" react ni Kaye sa mga nakikita. "Ilan subject niyo?" tanong niya samin ni Cass.

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now