CHAPTER TWENTY-SEVEN

Start from the beginning
                                    

"Can I join you? If it's okay," ani Carly. 

Ngumiti naman si Suzanne at tumango. "Oo naman." 

The usual, Carly giggled at her as a response. 

Ang cute n'ya. Ngayon ko lang nakita ang side n'yang ito. Madalas kasi tahimik s'ya kapag kasama n'ya ang Aphrodite.

Napailing na lamang si Suzanne at agad kumuha ng dalawang chocolate cupcake—ang isa, para sa kanya at ang isa ay para kay Carly. 

Wala sa sarili s'yang napaigtad nung marinig n'yang may kung ano'ng nabasag. Agad s'yang napalingon at nakita n'ya agad ang basag na pinggan at natapong mga pagkain. Lumipat ang tingin n'ya kay Carly na ngayon ay nanginginig sa hindi n'ya malamang dahilan. Lumakbay ang tingin n'ya sa likuran ni Carly at nanlaki ang mga mata n'ya nung makita n'ya si Dwayne na nakaangat na ang kamay. 

"He-Heyyah?" sambit ng binata. 

"Dwayne...?" nagsalubong agad ang kilay ni Suzanne. Bago pa man s'ya makapagsalita ay narinig na lamang n'ya ang sigaw ni Carly. 

"PERVERT!!!" sigaw ni Carly at dala na rin ng adrenaline rush ay nahampas n'ya ang kanyang wallet sa mukha ni Dwayne at dali-daling nagtago sa likod ni Suzanne.
"Ouch—hey!" 

Ramdam na ramdam ni Suzanne ang panginginig ni Carly sa likod n'ya at parang tanga s'yang nagpalipat-lipat ang tingin kay Carly at Dwayne. 

Napansin agad ni Suzanne na nakatingin na ang mga estudyante sa kanilang tatlo. Hindi n'ya maiwasang mapairap. Great, attention. 

"Teka, ano ba kasing nangyari?" agad n'yang tanong sa dalawa. 

"He-He touched me! That pervert touched me!" bulalas ni Carly at naramdaman agad ni Suzanne ang higpit ng hawak n'ya sa braso nito. 

"Me touching your buttocks is not intentional!" apela ni Dwayne. "And how dare you hit my face with your wallet? My handsome face? The audacity of you doing so, lady!" 

"I'm not guilty of doing that! What do you expect from a girl getting violated by that?! Be happy?!" nagsisimula nang magpuyos sa galit si Carly. She was sexually harassed in public and this jerk is still having the audacity to be proud of it instead of apologizing on what he did to her. 

"No one dares to slap me. When I say no one, NO ONE. And besides, you should be honored that the great and handsome Dwayne Anton Suarez of Apollo touched you. It's the dream of every girl who falls in love with me. You should be grateful for that," Dwayne chuckled, cockily.

"Ang kapal ng mukha mo talaga!" hindi na napigilan ni Carly ang galit n'ya at akma n'yang sasampalin muli si Dwayne pero mabilis na nasalo ni Dwayne ang pulsuhan n'ya. "Let go of me , you jerk!!!" 

"You're talking to a martial arts champion, Miss Carly Allaine Del Monte. You should be aware of that—AWW!!!" 

Nanggigigil na sinipa at inapakan ni Suzanne ang paa ni Dwayne kaya agad nabitawan ng binata si Carly at napatingala kay Suzanne. Hindi n'ya inasahang malakas sumipa ang dalaga kaya nagawa s'yang paluhurin nito. "What the fuck—ack!" 

"Magaling pala ha?" Suzanne scoffed. "Wala sa ranggo, impluwensya at posisyon sa lipunan ang pagiging magaling. Nasa tamang pag-uugali iyon,"  agad n'yang hinawakan ang kamay ni Carly at umalis sa lugar na iyon. 

Grunting on his knees, Dwayne glared at the door where Suzanne and Carly took their exit. "Not yet. We're not done yet." 

Nag-alala pa ako sa mga sinabi n'ya sa'kin nung isang araw. Akala ko nagbago s'ya. Prsh. Once a rotten kid, always a rotten kid. Tahimik na lamang na napairap si Suzanne habang tahimik nilang nilalakad ni Carly ang pasilyo ng second floor. 




"Umm, Su-Suzanne..." agad namang napalingon si Suzanne kay Carly. Napahinto naman agad sila sa kanilang paglalakad. 

"Hmm?" 

"I just... I want to say thank you," isang matamis na ngiti ang sumilay sa mukha ni Carly na kani-kanina lang ay nagpupuyos sa galit. "I just want to thank you... for saving me back there." 

"Ah, 'yun ba? Naku, wala 'yun. Kahit sino naman gagawin 'yun para sa'yo. Tsaka isa pa, babae din ako. Hindi naman kasi talaga tama ang ginawa ni Dwayne kaya dapat lang maturuan s'ya ng leksyon para ma-realize n'ya iyon," sinuklian naman ni Suzanne ng isang malapad na ngiti ang kaklase. 

"Why... why did you do that? I mean, I know that's your intention but you see, I'm a member of Aphrodite. I'm friends with Veronica who loves to bully you. So why... why are you so being nice to me?" tanong ni Carly. 

Tama nga naman. Bakit kaya?

Ilang segundo ring natahimik si Suzanne bago unti-unting sumilay ang isang sinserong ngiti mula sa kanyang mga labi. "Dahil iba ka sa kanila." 

"W-What?" 

"Sabihin na nating isa ka nga sa Aphrodite at kaibigan mo sina Veronica, Avery, Vanessa at Mariz na walang ibang ginawa kundi ang magkaroon ng kagustuhang pahirapan ako. Pero ikaw, hindi ka gano'n. Mabait ka... at iba ka sa kanila," hindi pa rin napawi ang ngiti sa labi ni Suzanne. "Tara na, male-late na tayo sa klase. Tsaka 'wag kang matakot kung nando'n si Dwayne. Aba, subukan lang n'yang galawin ka ulit. Tatadyakan ko talaga s'ya. Hahaha!" 

Because I'm different from them? Nanatiling nakasunod ang mga mata ni Carly kay Suzanne. Muling sumilay ang ngiti sa labi n'ya at agad sumunod dito.


Thank you for seeing the real me, Suzanne.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now