Chapter 20: Leader

Start from the beginning
                                    

"Okay! That's better," sagot ni Yen, habang si Rex ay tumango na lang.

"Everyone who has a powers like manipulators they should be the one who protects the person who'll get the other flags," nagkatinginan sila dahil sa sinabi ko.

Nagtaas ng kamay si Cass. "I know how to fight," she complained.

She doesn't want to be categorize as one of the player who needs protection.

"Hex Yuan who has the ability of strenght, Kiel Erra the puppet manipulator, Rex Smith who has the ability of illusion, Yen Smith who has the ability of sun, and Coleen Pineda the fairy kayong lima ang magiging protector ng mga kukuha ng flag."

Sumang-ayon ang nabanggit ko.

"Mizy Scott, Via, Mia Curtis, and Cassandra San Agustin kayo naman ang aatasan kong kumuha ng mga flag."

Isa-isa ko silang tiningnan, si Cass ay nakabusangot ang mukha. Hindi ko pinansin ang pagmamaktol niya.

"Kiel paabot naman ng map," nasa tabi niya kasi ang mapa.

Inabot niya ito saakin, nilatag ko ang dirty white na malaking papel sa lamesang nasa gitna naming lahat. Mapa ng maze forest.

Napakalaki ng lugar.

"Ang blue na flag ay may katumbas na five points, habang ang yellow flag ay ten points at ang white flag ay fifteen points naman."

Nakalagay sa mapa kung saan matatagpuan ang mga flag. Paniguradong hindi madali ang pagpasok sa Maze forest.

"Ang maze mismo ang magpapahirap saatin para matagpuan ang mga flag pero bukod doon ano pa ang sa tingin niyong mahihirapan tayo?" I asked them.

Sila ang may alam kung ano ang nasa loob dahil matagal na silang dito nag-aaral.

"Maraming mababangis na hayop ang nagkalat sa loob," Hex informed us.

I nodded, madali na lang iyon sa tingin ko.

"Ang mga Princeps," Yen said.

Princeps means the royal blood.

"Why?" I asked her.

Alam kong may element sila pero hindi naman ibig-sabihin non ay hindi na sila matatalo.

"Ang mga royals ay may iba pang ability na connected sa element na hawak nila."

"Like what?"

"We don't know. No one knows, dahil sila lang ang may alam 'non. Hindi pa nila pinapakita ang kabuuang taglay na meron sila. Pero may stage level naman ang mga ability ng element nila. Kapag hindi pa nila na peperfect ang pagko-control ng mga special ability nila ay hindi pa nila makukuha ang level 10, ibigsabihin hindi pa nila maaring gamitin iyon," she explained.

May kung ano ang pumasok sa isip ko. I need to know their abilities dahil maaring isa sa ability nilang iyon ang pumatay sa magulang ko.

Isinantabi ko muna ang ideyang iyon.

"Sa laro ay kailangan ng strategy. We all knew that the section one is the most powerful here. Iyon ang lamang nila. Paniguradong maghihiwalay-hiwalay sila para mapabilis ang paghahanap. Habang sa mga lower section ay hindi natin dapat ipasawalang bahala ang kanilang presensya..."

"Malamang ay magsasama-sama lang sila upang maging malakas ang kanilang grupo. Oo matagal nga ang ganon, pero mas safe silang hindi malagasan ng kagrupo," paliwanag ni Cass.

Parehas nga ang tumatakbo sa aming isipan.

"Kung maghihiwa-hiwalay mas risk taking iyon at malaki ang possibility na maubusan ng myembro. Kung magsasama-sama naman ay safe pero matagal ang proseso. Kaya ang gagawin natin ay balance..."

Academy Magica ColorisWhere stories live. Discover now