Nalaglag ang panga ni Yuan kasabay ng malakas na pagtawa nina Mariz at Rina.



"What the hell, Ate Mara? We don't even act sweet. Saan mo nakuha yang idea na yan?"



"Don't you always save each other?" Makahulugan ang tingin na binibigay ni Mariz sa matalik na kaibigan. "I think that's better than clinging and cheesy lines."



Napalunok si Yuan ng may maalala dahil sa huling sinabi ni Mariz pero hindi niya na lamang iyon ibinahagi. Dahan-dahan niyang ibinagsak ang sarili upang mahiga sa sahig.



"We did not and we would not save each other," may diin na sabi ng dalaga habang nakatitig sa kisame. "It's like an agreement."



"Hmm, may agreement na kayo dyan ah," nakangising sabi ni Mariz habang nagtataas baba ang mga kilay.



Muling napaupo si Yuan. Tila nagtitimpi lamang ito na huwag sumigaw. "Would you stop giving meaning to every single thing?"



Muling ibinagsak ng dalaga ang sarili ng tinawanan lamang siya ng mga kasama.



"Why are we even talking about this?" napapagod na tanong ni Yuan saka ipinikit ang kanyang mga mata.



"Ikaw nagsimula nito," paalala ni Mariz.



"We're talking about this because you're bothered by the fact that Marielle trusts Lucas," paalala din ni Rina na katabi na ni Mara sa kama.



"Why? Aren't you?" naguguluhang tanong ni Yuan.



Sabay sabay na umiling ang tatlo. Magsasalita pa lang sana si Rina ng itaas ni Yuan ang kanang kamay habang nakatingin sa telebisyon.



"Wait lang, kasama ulit sa part na 'to si Kyungsoo." Gumapang ang dalaga palapit sa bedside table para kunin ang remote. Nilakasan niya ang volume ng TV.



"Ay siya ba yung pumatay?" naguguluhang tanong ni Mariz. Tinignan lamang siya ni Yuan ng masama at sinenyasang tumahimik.



"Isn't he so adorable? God, he's crying but he's still cute."



Abot tenga ang ngiti ni Yuan habang tila nakadikit na ang mga mata sa screen ng TV. Nang matapos ang eksenang iyon ay muli niyang hininaan ang volume saka humarap muli sa mga kasama.



Napakurap kurap si Mara na tila ba nabigla sa inasta ni Yuan. "Are you really the same girl with the bloody sword and outfit who saved me and my husband?"



Napasimangot si Yuan nang sabay na tumawa sina Mariz at Rina.



"Ganyan talaga yan, Ate Mara. Ibang tao yan pagdating sa EXO," paliwanag ni Rina.



"In short, may saltik yan. Wag mo masyadong pansinin baka maging ganyan din anak mo. I swear, hindi natin kakayanin," dagdag naman ni Mariz.



"Done frontstabbing me?" sarkastikong tanong ni Yuan ng muli siyang lingunin ng mga kaibigan. "Saan ba naputol yung usapan natin kanina?"



"You were asking if we're bothered like you," paalala ni Rina.



"Why would it bother us?" naguguluhang tanong ni Mara. Bumalik na sila sa pinaguusapan. "Should it bother us?"



"Oo nga, ano bang problema doon?" tanong din ni Mariz. "Even I get less worried about you whenever I'm reminded that you are with Lucas."



Napaawang ang bibig ni Yuan. "I was bothered because that's Marielle. She thinks a hundred times before she says a thing. Ni wala nga yun tiwala kina Vic at John. Paanong may tiwala na siya agad kay Lucas? Eh nakilala niya lang yun that same day. And now that you've said that, I am really really confused."



Lalong naguluhan ang dalaga ng marinig ang mahinang pagtawa ni Mara. "You find it odd that your friends trust Lucas but here you are opening up about these things with me here. You trust me, Yuan. And you met me the same day you met Lucas. Nauna pa nga siya ng ilang oras."



"Point taken?" taas noong tanong ni Mariz kay Yuan at nakasimangot na tumango ang dalaga.



"You're not really bothered by the fact that we trust someone we just met. You're bothered because we trust Lucas," naiiling na sabi ni Rina habang hindi inaalis ang tingin kay Yuan.



Muling bumangon ang dalaga at naupo sa sahig. "Maybe?"



Naiiling na napatawa ang tatlo.



"Hays. The baby's confused once again." Natatawang tumayo si Rina saka pinatay na ang TV.



"Hey, hindi pa tapos yung movie!" pag-angal ni Yuan.



Pinandilatan ni Rina ang kaibigan. "You've already watched that for 10 times since it's release. Saka pirated copy 'yon! Though, wala naman ng magrereklamo dahil wala na din namang makakaalam."



Nakasimangot na bumulong si Yuan. "9th time pa lang naman ngayon."



"Minsan lang kasi lumabas ng bahay kaya wala talaga yan masyadong alam sa mga tao," paliwanag ni Mariz ng pabulong siyang tinanong ni Mara kung bakit confused si Yuan.



"Wow. Naririnig ko kayo diba?" sarkastikong sabi ni Yuan.



"Oh. Sinong magpapaliwanag?" tanong ni Mariz na hindi pinansin ang masamang tingin na ibinibigay ni Yuan. "Fine, ako na."



Umalis si Mariz mula sa pagkakaupo sa dulo ng kama at tumabi kay Yuan sa sahig.



"I told Ate Mara that her baby shouldn't be like you because you're a lot to handle," panimula ni Mariz.



"Really, really, a lot to handle," pagbibigay emphasis ni Rina.



"And how is that related with the topic?" naguguluhan pa rin na tanong ni Yuan.



"Lucas can handle you," diretsong sabi ni Mariz sa kanyang bestfriend.



Nakangiting itinaas ni Rina ang kanang kamay para makipag-high five kay Mariz. "Nice. Straight to the point."



Matapos mag-apir ng dalawa ay muling humarap si Mariz sa nakangiwing si Yuan. "He can handle me? Sa ilang araw nga nating kasama yung lalaking yun ilang beses na kaming nag-talo. Well, not as frequent as Kuya Wawie and I, but yeah."



"Hindi ko rin talaga alam eh." Napangiwi din si Mariz. Nahihirapang ipaliwanag sa matalik na kaibigan ang lahat. "How should I explain this, Rina?"



"I don't know, either." Maging si Rina ay napangiwi din. "All I know is I trust him... that he'll save Yuan."



"I already told you, we won't save each other," may diin na paalala ni Yuan.



"But I'm sure he will always fight with you." Napalingon ang tatlo kay Mara dahil sa sinabi niya.



Napaawang ang bibig ni Yuan. "D-Did you hear us that night? Is that how you knew we were there and you tried to get our attention? Did you hear what he said?"



"I didn't," mabagal na sagot ni Mara. Naguguluhan siya sa sunod sunod na tanong ni Yuan. "But now that you've mentioned it, ano bang sinabi ni Lucas bago ninyo ako nakita?"



Mula kay Mara ay mabilis na lumipat kay Yuan ang tingin nina Mariz at Rina. Lalong napangiwi si Yuan ng makita ang nakakalokong tingin ng tatlo.



"It's nothing."

;











2025Where stories live. Discover now