CHAPTER 9 : TIMOTHY'S HAPPINESS

Start from the beginning
                                    

"Malay natin?"

Napatampal ako sa noo ko. "'Wag kang mag-alala, wala akong balak mag-backout sa deal natin, Mr. Hot."

"Fine, fine. Siguraduhin mo lang, Ms. Second Placer."

Inis kong tiningnan ang screen ng cellphone ko nang malaman kong siya ang unang nag-end ng call.

"Para saan kaya 'yun? Parang 'di naman niya 'ko kilala. Bakit pa niya kailangang ipaalala sa 'kin 'yung deal namin, e wala kaya sa isip kong takasan o kalimutan 'yun. Nababaliw na siya." Kalmado kong inilapag ang cellphone sa side table.

Mahihiga na sana ako nang muling tumunog ang cellphone ko. Napabuntonghininga ako. I needed to calm down. Dahan-dahan akong lumapit dito. pagkatingin ko, I saw Timothy's name again flashing on the screen of my phone.

Timothy

Hey, nakalimutan mong mag-goodnight sa 'kin. Nahhh~ never mind ako na lang mag-goodnight. *sighs*

Goodnight, Ms. Second Placer.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama at nagpagulong-gulong. Nang maramdaman kong nag-iinit ang mukha ko, dali-dali kong hinanap ang favorite kong unan at doon ibinaon ang mukha ko. Wala namang nakakikilig sa text niya. Wala rin namang nakakakilig sa pag-uusap namin kanina sa call. Damn! Bakit ba parang may kumikiliti sa loob ng tiyan ko? Para bang may insektong lumilipad rito. Argh!

***

Nagising ako dahil sa malakas na tawanang narinig ko. Ilang minuto kong hinintay na tumigil sila, pero parang wala silang balak tumigil. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis at muling pumikit. Sabado ngayon at wala akong balak gumising nang maaga. Argh!

Wala pang ilang segundo, narinig ko si Mama na tinatawag ang pangalan ko. Napabuntonghininga ako at dahan-dahang idinilat ang mga mata ko. Naupo muna ako saglit sa kama. Napasapo ako sa mukha at napatingin sa pinto nang muling magsalita si Mama.

"Anak? Anong oras na, gising na."

"Mama, gising na po ako."

Bumaba ako sa kama at nagmamadaling ginawa ang morning routine ko.

Pagkatapos kong magbihis ay saka pa lang ako lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa sala namin kung saan nagmumula ang tawanang kanina ko pa naririnig.
Nakaligo na ako't lahat, hindi pa sila tapos magtawanan. Pagdating ko sa sala, para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig dahil sa nakita ko.

"Ate, good morning." Unang bumati sa akin si Enzo. But I guess hindi iyon magandang ideya. Dahil doon ay nakuha niya ang atensyon nilang lahat. Lahat tuloy ay nasa akin ang tingin, maliban sa kutong-lupang nagbabasa sa gilid.

"Yow! Gising ka na pala, Ice,"
nakangiting bati sa akin ni Ryuu.

"Good morning, Ice," sunod na bati sa akin ng kambal na sina Astrid at Kerbie.

"Ice? Ano na naman ba'ng deal ninyo ni Humprey?" bungad na tanong ni Avery sa akin. Doon ako tuluyang bumalik sa reyalidad. I sighed.

Hindi ko alam kung bakit sila nandito lahat, pero iisa lang ang pumapasok ngayon sa isip ko. Alam kong si Timothy na naman ang may ideya nito! Inis akong naglakad papunta sa puwesto niya. Guess what? Nandoon na naman siya sa isang sulok at nagbabasa ng libro, may sarili na namang mundo.

"Hoy, Timothy! Alam kong ikaw na naman ang may ideya nito! Sino'ng nagsabing pumunta kayo rito?" Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi niya ako pinansin. Parang hindi niya ako narinig. Sa lakas ng boses ko, imposibleng hindi niya ako marinig. Sinusubukan ba ako ng isang 'to?

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now