Pero syempre joke lang iyon.

E kung kay Callixto na lang kaya?

Ugh. How could I even face him? Alam kong nararamdaman niya na ang awkward ko talaga after niyang sabihin 'yon sa'kin.

"Isa pa, everything's up to you. Nasa sa'yo pa rin ang desisyon, hindi kita pagbabawalan. I'm just here," Tita continued. "Sige na, I have to go."

"Sige Tita," I sighed.

"Don't stress yourself up, you know it's not good for you," aniya.

Tita Rachel ended the call at nahiga sa kama ko. Ilang minuto rin akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko nang mag-vibrate iyong phone kong nasa dibdib ko, agad ko iyong tinignan at nakita ko nanaman ang pangalan na 'yon.

Callixto Henderson: Good morning Bobbie. Ayaw mo talagang sunduin kita?

Callixto, ano ba 'tong ginagawa mo?

---

Weekend came. Nakahilata pa rin ako sa kwarto ko. Alas-otso na pero tinatamad talaga akong bumangon, kanina pa rin tunog ng tunog iyong phone ko pero hindi ko magawang tignan man lang kung sino iyon.

Parang gusto ko munang matulog ng matulog ngayong weekend. Paano ba naman kasi? Walang ibang ginawa iyong mga kaklase ko kundi magtanong ng magtanong sa kung anong meron kami ni Callixto. Mas naubos ata iyong brain cells ko ng dahil dun.

Isa pa, wala naman akong maisagot na matino kasi nga, ewan! Nawawalan ako ng isasagot sa tuwing nakikita ko siya sa paligid tapos ang awkward lalo kasi sobrang daldal naming dalawa sa chat tapos pagdating sa personal, para kaming naghihintayan kung sino ang unang magsasalita kaya ang ending... mas madalas kaming tahimik.

Ewan, para kaming tanga pero... inaamin ko namang kinikilig ako tho less talking talaga siya in person tapos more on actions. Like... sobrang gentleman niya.

Shit, hindi naman kasi ako manhid. Sino bang hindi kikiligin kapag nag-iinsist siyang ihatid ka? 'Yung dahil hindi ako pumapayag na ihatid niya ako sa bahay, inihahatid niya na lang ako hanggang sa parking lot. Kapag naman papasok, iniintay niya ako sa main gate. Pinagdadala niya akong gamit kahit hindi ko naman iutos, sasamahan sa kung saan ako pupunta kasi hindi raw siya mapakali na pumunta ako sa kung saan kapag mag-isa ako, at marami pang iba.

Alam kong gawain iyon ng mga nanliligaw pero shit talaga, hindi ko naman alam na ganon pala iyong feeling.

Parang, ang saya lang ng ganon?

Kaya hindi ko maalis sa isip ko si Nancy before, I mean... bakit niya kailangan i-dumped si Callixto kung ganon naman pala si Callixto? Sa sobrang pag-iisip ko nga, nababanggit ko si Nancy sa usapan namin pero kung dati - parang sobrang affected si Callixto, ngayon parang okay lang sa kanya na pag-usapan namin.

Mas naging open siya at mas naintindihan ko iyong nangyari sa kanila tho hindi pa rin ako komportable ng konti kasi iyong ending nila, bigla na lang silang hindi nag-usap. Hindi na kasi nagre-reply si Nancy kay Callixto, hindi na rin siya pinapansin ni Nancy sa personal.

Kaya ayun, doon na natapos.

May mga bagay siguro na sadyang... hanggang doon na lang.

Susubukan ko na sana ulit ipikit iyong mga mata ko nang tumunog nanaman iyong phone ko. Mariin akong napapikit bago ko naisipan na tignan iyon.

Iyong ibang notifications kanina, galing sa mga friends ko, group chats, o kaya sa mga social media sites na meron ako, pero yung recent lang galing kay... Callixto.

Callixto Henderson: Good morning :)

Callixto Henderson: Remember what you told me again last time?

Holding On With Someday (Holding On Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon