Chapter 27

9.9K 383 44
                                    

Ugly

"MAGANDANG umaga, mga bata! Dahil natapos na ang taunang pagsusulit para sa taong ito, nandito ako upang ihatid sa inyo ang inyong mga bagong makakasama sa klase," panimula ni Luv Knight.

Muling bumalik sa pagtuturo ang ginang mula nang masawi ang kaniyang pinakamamahal na anak upang mailipat sa iba ang kaniyang atensyon. Maging ang asawa nito ay bumalik din sa pagtuturo sa ng physical combat.

Dahil sa inanunsyo ng ginang ay hindi napigilan ng mga estudyante ang pagkakaroon ng mumunting ingay dahil sa pagbubulungan.

"Tahimik!" mahinahong sambit ng ginang at saka lahat ng bibig sa loob ng silid puwera sa kaniya ay ginamitan niya ng sealing magic upang magkaroon ng katahimikan.

Nang matahimik ang lugar ay siya namang pagpasok ng mga bagong estudyante.

"Magandang umaga. Ako si Leana Aguirre. Hangin ang aking mahika," masiglang pakilala ng naunang babae. Ang mga mata ng dalaga ay may hinahanap sa loob ng silid. Nang dumako ang tingin nito sa isang lalaki, agad itong napangiti ng malawak at amba nang maglalakad nang kontrolin siya ng guro at hinila pabalik sa harap.

"Wala pa akong sinasabi. Matuto ka sanang rumispeto," kalmadong sambit ni Luv.

"Magsunod-sunod na kayo!" malakas na sambit ng guro dahilan upang mapatakip ng tainga ang mga malapit sa kaniyang kinaroroonan.

"Ebba Lagdameo," maiksing pakilala ni Ebba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwalang ang mga dating bituin ay kapantay na niya lamang!

"Yuna Mercado. Please take care of me," mahinhing sambit ni Yuna.

"Astraea Celestine Alvea. Nineteen," tipid na pakilala ng babaeng nakabalot ang mukha.

Fuck! That's her, right? She's here! She's real! sigaw ng utak ni Yvo.

"Phoenix Alvea. Nineteen," tipid ding pakilala nang lalaki.

Tila mga bituin sa langit naman ang mga mata ng mga babae sa loob ng silid nang masilayan at marinig ang boses ni Phoenix.

"IT'S JUST our first day here at the lower realm. We haven't enrolled yet but you already flirted with that prince. I'm just here to remind you that we're here to find and kill Lucilda and not for your damn lover," walang emosyong pangaral ni Thorn kay Astraea matapos magpakita ang dalaga kay Yvo sa likod na bahagi ng unibersidad.

Anong magagawa niya kung may nagtutulak talaga sa kaniyang ayusin ang buhok at uniporme nitong palaging magulo.

There's something with Frost and Yvo that always calms her whenever she's with them.

"Sorry, ha? Sorry for not staying with you and going to him to calm my senses. Sorry for going to him to feel like everything's okay or everything's going to be fine. Sorry, ha? Sorry for not being perfect like you!" nagtitimping sagot ni Astraea bago naglaho sa mga mata ni Thorn.

"Shit! What have I done again?" naiinis na bulong ni Thorn sa hangin.

"HI, ASTRAEA! Ayos lang ba kung dito kami uupo?" masiglang tanong ng isang babae na may maaluwalas na mukha at hindi pamilyar kay Astraea.

"I don't mind. Ask him instead," malamig na tugon ni Astraea, tukoy-tukoy si Thorn na nasa tapat niya.

"Ayos lang," maikling sagot ni Thorn kay Yuna. Agad nagsi-upo ang mga kasama ni Yuna habang bumaling naman kay Astraea ang atensyon ni Thorn. "Ikukuha muna kita ng maiinom. Would you prefer fruits for dessert or sweets?" tanong ni Thorn kay Astraea.

✓ Ethereal: The Goddess's Blood (READ FULL STORY IN DREAME)Where stories live. Discover now