Chapter 24

10.6K 439 28
                                    

Confusion

BALAT SA balat. Mata sa mata. Puso sa puso-palakasan sa pagpintig. Titigang animo ay walang ibang nakikita sa paligid kung hindi ang mga nilalaman ng bawat emosyong nangungusap sa kanilang mga mata.

Si Thorn ang nagmamanipula ng sayaw na madali namang nasasabayan ni Astraea. Magmula nang sila ay magsayaw ay wala pang umiimik sa kanilang dalawa-na para bang parehong natatakot basagin ang namumuong katahimikan sa kanilang mga sarili.

Ang katahimikang namumutawi sa hangin ay hindi ang klase ng katahimikang nakakailang para kay Astraea. Komportable siya sa mga bisig ni Thorn. Habang kabaliktaran naman ang nararamdaman ng lalaki. Nahihiya siya dahil sa nagawa niya sa dalaga ngunit pilit niya pa rin itong ikinukubli sa pagpapakita ng mga malalamig na mata at walang emosyong mukha.

Napansin naman iyon ni Astraea lalo na nang iiwas ng lalaki ang kaniyang tingin.

"Thorn, is there something wrong?" nangangambang tanong ng dalaga.

Pilit na ngumiti ang binata bago sumagot, "nothing, my lady," malamig na sagot nito.

"Can you tell something about your life when you were Zeiden?" biglang tanong ng lalaki.

"Ano namang sasabihin ko? I think you know everything about me already," natatawang sagot ni Astraea.

"How about the ice guy? I thought he was your possession," nakangising sambit ni Thorn kaya naman napanatag ang dalaga.

"Did you just called Frost ice guy?" natatawang tanong ni Astraea bago muling nagsalita. "What I felt for that guy was just a simple like. I just liked the thought of liking him because of his face, maybe? Or maybe because I thought he was mysterious," Astraea answered with a smile.

"The blonde prince? The one you fixed necktie and hair?" Thorn asked with a smirk.

"Well... I like Yvo a lot. He was my ideal man-" Astraea replied with a dreamy face.

"Oh. Anyway, my lady. Excuse me for a while. The leader of the phoenix clan is asking for my presence," pagpapaalam ni Thorn.

"Should I lead you to your designated area or what?" tanong muna nito sa dalaga.

Ngumiti ang dalaga upang mapagtakpan ang pagkadismaya.

"Nah. I can go there alone. Sige na," nakangiting sagot nito.

Nang mawala ang binata, sunod-sunod ang mga lalaking nag-aya ng sayaw kay Astraea na magiliw naman nitong pinagpapaunlakan.

Halos lahat na ng mga angkan ay inaya si Astraea na sumayaw. Pakiramdam niya tuloy ay pagod na pagod siya sa gabing iyon. Mabuti na lamang at nakita siya ni Aster na agad siyang hinablot sa kaniyang kasayaw at idinala sa kanilang puwesto sa harap.

Sa kanilang puwesto niya naabutan ang kaniyang lolo at lola, at ang kaniyang aunt Galaxia.

"Thank you, Aster. I don't know how to save myself from the guardians who are continuously asking to dance with me. Men! I'm so famished!" madramang saad ni Astraea na naging dahilan ng halakhakan sa kanilang mesa.

Chronus whispered something to an elf and minutes later, their food is already served. Maganang-magana namang kumain si Astraea habang si Aster ay puro matatamis ang nginunguya.

✓ Ethereal: The Goddess's Blood (READ FULL STORY IN DREAME)Where stories live. Discover now