Chapter 11

12.7K 517 30
                                    

Know

NAG-IWAN ng isang malaking palaisipan kay Anna, isang mabait na mangkukulam at guro sa Il Fascino University ang isinagot ng estudyanteng si Zeiden kanina bago matapos ang kaniyang unang klase.

Paanong nagkaroon ng anak ang kaniyang dating mga kamag-aral, kaklase at kaibigan gayong isa siya sa mga naging saksi nang pagsumpa sa kanila ng dating mahal si James at malapit na kaibigan ni Luv, na hindi na kailan pa man magkakaanak ang dalawa?

Kitang-kita ng kaniyang dalawang mata ang pagkasuklam at pagkamuhi sa mga mata ng babae na nakatingin sa dalawa kasama ang kanilang iba pang mga kaibigan. Nasaksihan din niya kung paanong ang dating masayang ngiti sa labi at maliwanag na kislap sa mga mata ng dating kaibigan ay napalitan ng isang demonyong ngiti at tila puno ng kadilimang mga mata.

Paano mabibiyayaan ng anak ang mga isinumpang nilalang? O anak nga ba nila ito? Sino ba talaga si Zeiden?

SA KABILANG banda, napanganga si Sebastian at tila naparalisado nang makita ang ngiti sa kaniya ng babaeng muntik niya nang mapatay! Ang babaeng hindi siya pinansin! Bakit tila kakaiba yata ang epekto nito sa kaniya?!

"With your hair and eye color, you still have a lot to improve, mister," kalmadong kumento ni Zeiden bago hinarap ang mga nilalang na dinagsa siya.

"Zeiden! Kumusta ka na?" masayang tanong sa kaniya ni Paris.

"Ito, gutom na ako at mga anaconda ko, handa nang magpalibre ulit sa 'yo. Hehe," nakangiting sagot ni Zeiden kay Paris habang ang huli ay napangiti na lang at naiiling na tumango.

"Babaita! Muntik ka na roon, aba! Be careful nga next time!" maarteng sambit ni Sabrina rito.

"Opo, mahal na prinsesa," nakangising sagot ni Zeiden na dahilan ng pag-irap ni Sabrina.

"I thought the whirlpool would really hit my goddess! Were you hurt?" nag-aalalang sambit ni Jackson at sinuri pa nito ang katawan ni Zeiden upang masiguro.

"Mabuti na lang at ayos ka na. Siguro naman at wala ka ng seal ngayon," sambit ni Zeiden na ikinatango lang ng lalaki habang may malaking ngiti sa labi. "Ayos lang ako. Salamat sa pag-aalala, Jack," nakangiting dagdag ni Zeiden na nagpalambot ng mga tuhod ng prinsipe. Napahawak pa ito sa balikat ng kaniyang kapatid dahil sa panghihina. Hindi na nagtaka si Paris sa nangyari dahil hindi naman lingid sa kaalaman nito ang pagkakagusto ng kaniyang kapatid kay Zeiden.

"Binibini, kumusta ka na? Nakikilala mo pa ba ako? Yvonne Orphedeus ang pangalan ko. Marahil kung hindi mo ako nakita nang araw na iyon ay wala na ako rito ngayon," mahinhin at malambing na sambit ni Yvonne Orphedeus, nakababatang kapatid ni Yvo habang marahang hinahaplos ang buhok ni Zeiden.

"Masaya akong makitang ayos ka na. Sa susunod ay huwag ka nang magpagala-gala mag-isa at baka maligaw ka na naman," sambit ni Zeiden at ginulo pa ang buhok ng babae.

"Zeiden! Ang lakas pala ng kapangyarihan mo," tumatakbong bungad ni Yvo sa dalaga.

"Yvo, siya iyong tinutukoy ko noong pinasakay mo ako sa kabayo mo," sambit ni Zeiden at tinuro si Yvonne.

Kumunot ang noo ni Yvo nang tinignan niya ang itinuro ni Zeiden.

"Si Yvonne?" Tumango si Zeiden.

✓ Ethereal: The Goddess's Blood (READ FULL STORY IN DREAME)Where stories live. Discover now