Chapter 9

13.9K 575 24
                                    

Chapter 8

One

GULAT na gulat pa rin ang mga prinsipe ng iba't ibang kaharian dahil sa ipinakitang kakayahan ng babaeng nagngangalang Zeiden.

Segundo? Minuto? Oras? Araw? Ilang araw na nga ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa lahat ng mga naging saksi noong araw na iyon ang ipinakitang angking galing ni Zeiden. Mula sa kung paanong nakuha niya ang loob ng lahat hanggang sa kung paano niya pinagpipiraso at tinadtad ng pinong-pino ang puso ng mga kalalakihan, kasama na ang puso ng mga prinsipe.

Bilang bagong salta, ilang araw na nauna ang pagdating nina Zeiden sa unibersidad kasama ng iba pang mag-aaral mula sa iba't ibang panig ng Chronus upang maipaalam sa kanila ang kanilang mga dapat malaman at matutunan.

Hindi na sila dumaan pa sa mahabang proseso dahil pagpasok pa lang nila roon ay mayroon na sila agad na mga identification card. Paliwanag sa kanila ay dahil sa Trial of Magic na kanilang ginawa sa unang bahagi ng kompetisyon. Iyon nga lang, sinunog niya ang kaniya kaya nagkaroon ng kaunting aberya pero agad namang naresolba.

Kaunti lamang ang mga estudyanteng kasama niya kung ikukumpara sa rami noong mga sumubok at hindi pinalad. Hindi tataas sa dalawampu ang kanilang bilang at mas mababa pa nga yata roon.

Sa mga araw ding iyon ay walang kahit isa sa kanila ang sumubok na kausapin siya. Bakit? Mukha ba siyang maldita? Hindi naman siya nakakatakot tignan bagkus ay sobrang ganda niya pa. Bakit walang nangahas na kausapin siya!? Sobrang nakakabagot sa loob ng unibersidad kapag hindi siya nakapagsasalita. Pakiramdam niya ay ang tamlay-tamlay niya.

Sa rami naman kasi ng mga katabi niya sa kuwarto ay walang nag-abalang kausapin talaga siya o kaibiganin. Hindi naman siya nangangagat ngunit tila lahat sila ay ilag sa kaniya.

Zeiden sighed in disbelief.

"Ilang araw ka na rito, pipi ka pa rin," she said to herself in front of her room's mirror, then later on rolled her eyes in great annoyance.

Ilang araw na lang din naman at darating na ang mga mag-aaral ng paaralan. Sa rami naman siguro ng mga iyon ay may makausap na siya kahit papaano?

Then her eyes suddenly sparkled when her brain thought of some kind of a good news.

Wala naman nagsabing bawal lumabas ng unibersidad gayong hindi pa naman nag-uumpisa ang klase.

Napangiti ng malademonyo si Zeiden dahil sa binabalak.

"KUYA! Buti at hindi ka pa pumupunta sa university? Akala ko pa naman, pupuntahan mo agad si ate Angel," Snow teased him again. Palagi nitong ginagawa iyon sa kaniya mula nang makilala nila si Zeiden.

"If I'd go there, for sure you'll miss me so bad," he plainly said as he walked away.

He was irritated at many things. What was more irritating was all of those were connected to that woman! He didn't even know her personally!

Damn. Naiinis siya sa mga iniisip niya. Paano kung may nakakuha na pala ng puso niya roon? Aminado siyang guwapo siya pero may mga mata si Zeiden at babae siya. Hindi magsasara ang mga mata niyang iyon para lang magbukas para sa lalaki.

Eh, ano naman pala ang pakialam ko?

He really wanted to go back to the university already, but he didn't want his parents come suspicious and curious about his life.

Kung maghihinala ang kaniyang mga magulang, mas mabilis kung magsuspetya ng kung ano-ano si Snow.

Eh, kung pumunta ako roon na walang nakaaalam? Titignan ko lang siya. Sisilip lang ako.

✓ Ethereal: The Goddess's Blood (READ FULL STORY IN DREAME)Where stories live. Discover now