"Ah, Ma'am. Magandang hapon po. Pinasyal ko lang po rito iyong pusa namin ni Yohan dati. Pasensiya na po."

"Ano ka ba, ayos lang. Ang ayaw ko sa pusa ay ina-allergy ako. Kaya pinapakiusapan ko na si Yohan na habang nandito ako, kahit sa shelter lang muna ang pusa niya. Sanay kasi siya na kung saan saan lang dito sa bahay iyong pusa niya. Kahit sa sala. Kaya nagkakalat ang balahibo."

"Ganoon po ba? Dito na lang po kami ni Kuring sa labas."

Tumawa si Tita. "Ayos lang 'yan. Iuuwi mo naman siya, 'di ba? At sige, sa hardin na lang kayo. Pasensiya na. Yohan?"

I smiled. Naglakad ako palapit sa kanila, nilingon ako ni Alvaro. His eyes weighing my thoughts.

"Sa labas na lang po kami, Tita. At iuuwi naman ni Alvaro si Kuring sa kanila."

"Hindi ka nagsabi na bibisita siya! Tamang tama pa at may ilang ipapakita ang Tito mo sa mga nakita sa sasakyan mo." Tumawa si Tita. "Pasensiya na, Alvaro. Nag-aalala talaga kami sa nangyari kahapon."

"Ako rin naman po," si Alvaro.

"Nakita na ito ng mga pulis at baka nasa opisina n'yo na rin ito pero kayo na lang mag-usap ni Clavio. Etong si Yohan kasi parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon."

Nilingon ulit ako ni Alvaro. I was already busy with Kuring when our eyes met.

"Sige po. Kakausapin ko si Sir."

"Yohan, magpapahanda ako ng merienda at dinner. Sa labas na lang dahil may pusa."

"Opo, Tita."

Pumasok na kami sa bahay. Mabilis na naglakad si Tita para tawagin si Tito. Natigil naman kami sa gitna ng bahay. Yakap ko pa rin si Kuring. Nilingon ako ni Alvaro at ngumiti siya.

"Sa labas lang kami," sabi ko.

"Susunod din ako."

Nag-usap sila ni Tito. Nilapag ko si Kuring sa kabilang upuan at pinagmasdan ko siyang naging komportable roon. Hindi na siya tulad noon na aalis agad pagkalapag. He's now just curled on a chair, trying to sleep.

I rubbed his back as my thoughts went on.

Marami na talagang nagbago. Ilang taon na ang nakalipas. Nothing stays the same, not even the heart. It changes, no matter how hard you try.

Nawala na sa puso at isipan ko si Alvaro sa nagdaang taon. I have many exes and I liked them. Alvaro, I was never in his heart. I was too young to even be considered. I wasn't his type and he had a girlfriend. The hurt lingered in my heart. I think he really just pitied me.

Ngayon, hindi na siya maaawa dahil ibang tao na ako. Pero baka dahil na naman sa nangyari kahapon, isipin niyang helpless pa rin ako tulad ng dati.

He probably has a girlfriend now, too. Or maybe a wife or fiancee. Hindi ko na gaanong sinundan ang mga nangyari sa kanya mula nang umalis siya para pumasok sa PMA. I never dared to even remember him because I know I can't hold on to something impossible.

Ngayon na narito ulit siya, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. It's still impossible.

"Ah, dito muna kayo," si Tita na nagmamadaling iginiya si Alvaro sa upuan at lamesa na nakatunghay sa hardin.

Naupo siya sa upuan kasunod kay Kuring. Pinapagitnaan namin si Kuring ngayon habang nilalapag ng iilang kasambahay ang mga merienda.

It was awkward. We were both watching Kuring. Madalas din ang angat ng tingin niya sa akin. Pero pinilit ko ang mga mata ko kay Kuring lang.

"Tingin ko mas mabuting hindi mo na gamitin ang sasakyan mo," aniya.

I nodded. I have made up my mind about him now and I know that this is also just like before. I was hurt years ago. Sinarili ko ang sakit dahil alam ko namang wala akong karapatan. Dati ko na ring alam ang lugar ko kaya madali ko siyang nakalimutan. Right now, I think it's better to stay that way.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now