Chapter 32

6.2K 220 32
                                    

Chapter 32

Hindi ko alam kung anong unang iisipin. Olzen Rosales is here! In Cagayan of all places! Bakit ngayon pa?

Pagkatapos niyang isauli ang babasaging pitcher sa ref ay umalis siya ng walang sinasabi. Natulala ako ng ilang segundo at nang makabawi ay ako naman ang sumunod na kumuha ng pitcher para makainom ng malamig na tubig.

My throat felt so dry. I can still feel the hard pounding of my heart. I just took a bath but I can feel my body sweating again!

Mag-isa siya, ah? Nasaan ang girlfriend niya? And why do I need to know about that? At sabi niya, magtatagal siya rito. Ibig sabihin dito rin siya matutulog sa mansyon. Magaling, Elais! Ngayon mo lamang ba napagtanto iyan?

What the hell? Come to think of it… the timing just doesn’t feel right! Pero ano bang magagawa ko? At bakit ba nagpapanic ako ng ganito? Eh ano naman kung nariyan siya? Bakit? I should just act like he’s not here!

Hahayaan ko siya sa pakay niya rito at gagawin ko rin ang mga plano ko.
Kung sirain ko na lang kaya ang padlock ng gate at bahay namin? O mag-hotel na lang kaya ako?

Aba, baka mamaya sabihin niya iniiwasan ko siya! Na hindi pa ako naka-move on sa kaniya kaya gano’n? He might think I’m avoiding him because I still have hang ups for him!

Ugh! Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa rami ng iniisip. Hinilot ko ang sentido at inayos ang bangs ko. Nai-stress ako, umagang umaga!

“Gising ka na pala, Ma’am. Narito po pala si Sir Olzen at bilin po niyang ipaghanda ka namin ng makakain.”

Pumasok si Manang Betty sa dining area. Nakangiti ito pero hindi ko magawang suklian. Pinilit kong tumango at tumayo para isauli ang lalagyan ng tubig sa ref.

“Kilala niyo si Sir Olzen, Ma’am, hindi ba?” She suddenly asked.

Tumikhim ako. “Ah… opo.”

“Narito po siya para asikasuhin ang lupain nila.” Aniya.

Now that we’re back on that topic, I am curious of something. I glanced at Manang Betty who’s preparing the food. Lumapit ako para kumuha ng plato at baso. Babasagin lahat ng naro’n kaya nag-ingat ako.

“Gano’n po ba, uhm… palagi ba siyang pumupunta rito, Manang? Ah, siya ba lagi ang nagaasikaso sa mga lupain nila?” I inquired.

The old woman glanced at me a bit. I cleared my throat and pretended to be busy with the utensils. Did I sound so interested? I should shut up!

“Hindi, Ma’am. Mahigit isang taon nang hindi bumibisita si Sir, dito. Engineer kasi at abala sa trabaho sa Manila o ‘di kaya’y nangingibang bansa rin. Madalas ay si Sir Beltran ang narito para mag-asikaso sa mga lupain at minsan ay inaasa sa mga tauhan.” She replied.

Umawang ang aking labi. Kung gano’n, bakit siya ang narito ngayon? Maybe, because Tito Beltran is busy? At bakit ba interesadong interesado ako ro’n? I should stop thinking about it!

“Oh. I see…”

“Nabigla po kami sa pagdating niya kaninang madaling araw. Hindi po nagsabi at hindi napaghandaan. May gusto pa ba kayong kainin, Ma’am?” Anito pagkatapos ilapag ang mga ulam sa lamesa.

Umiling ako at ngumiti. “This is fine, Manang. Thank you, po.”

“Maiwan ko muna kayo, Ma’am at may kailangan pa akong asikasuhin. Kung may kailangan kayo ay nariyan sina Kelin sa bulwagan. Ilagay niyo na lang ang mga gamit sa lababo pagkatapos niyo.” Bilin niya bago ako iniwan.

Tahimik akong kumain. Hindi matanggal ang isip ko sa biglang pagdating ni Olzen. I thought my days here will be peaceful! But then, I can choose whether to let his presence ruin my peace or just ignore him. After a long long discussion in my mind, I chose the latter.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now