Chapter 12

7.3K 265 4
                                    

Chapter 12

"Ano ba talagang mayro'n sa inyo ni Kuya?"

I stopped licking my Cornetto to glance at Kruise. Nasa balkonahe kami ng aking kwarto. It's weekend and Kruise visited me. Bukas ay bibyahe sila papuntang Manila at do'n ipagdiriwang ang Christmas. They'll go back to Chile too at hindi ko alam kung do'n din sila magdaraos ng New Year.

"We're friends," tumikhim ako.

"You can't fool me, Era. Alam mo bang palagi ka niyang bukambibig kay Lolo?" Umiling siya.

My eyes widened. Kinunot ko ang noo ko sa kaniya. She's talking nonsense.

"Why would he do that?" I asked.

"Iyon na nga e, bakit siya gano'n e hindi naman ganiyan si Kuya. He's silent you know, he doesn't talk about some particular girl but when it comes to you he has a lot to say! Kayo na ba?" Ngumuso siya sa akin.

Muntik na akong maubo sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang tingin niya. Mariin akong umiling. Walang kami ni Olzen. Nagsalubong ang kilay niya.

"Hindi kami, Kruise. Alam mo naman na ayaw ko sa Kuya mo 'di ba?" Tumikhim ako.

Nalungkot ang mukha niya sa sinabi ko. Kinagat niya ang labi at huminga ng malalim.

"Ayaw ko rin si Kuya para sayo dahil baka saktan ka lang niya katulad ng ibang babae, pero sa nakikita ko..." nilingon niya ang tanawin sa harap namin.

Gano'n din ang ginawa ko. Niyakap kami ng mabining hangin lalo't malapit nang mag-alas singko.

"Hmmm?"

I really don't know. Some are curious of what kind of relationship I have with Olzen. Maraming nangyari sa mga nakaraang buwan, simula no'ng hinayaan kong mapalapit sa akin si Olzen. Ever since I didn't look after my walls.

I'm aware of what I'm doing, I'm letting him get close to me. And I let my walls bend for him. I always ask myself, what if I get hurt in the end? Wala akong masagot sa sariling tanong. Pero kahit na gano'n, hinahayaan ko pa rin ang lahat.

"It's funny but if there is a man whom I can trust you with," hinawakan niya ang kamay ko.

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung para saan.

"It's my brother. Nakakatawa 'no? Ayaw kong sa huli ay baka masaktan ka niya pero siya lang din naman ang tanging mapagkakatiwalaan ko sa best friend ko." Mahina niyang sinabi.

Mahina akong tumawa at pinisil ang kamay niya. Hindi ko rin alam kung bakit sa lahat ng lalaking kilala ko, sa taong kinamumuhian ko pa no'n ako mapapalapit ng ganito. I tried hard to hate him but in the end I let him pass through my walls. I held on to my principles but I ended up betraying it but then it doesn't mean, I'm not holding on to that anymore.

"Hmmm. What should I do then? Should I avoid your brother?"

Ngumuso siya at kumagat sa Cornetto niya. Matagal siyang hindi nagsalita.

"He changed, Era. He's not the same Olzen anymore ever since you two happened. Pero ang sagot sa tanong mo... nasayo lang din. If I'm going to choose between you and my brother, it would be you." She said softly.

Ngumiti ako at umiling. Wala akong sagot sa sariling tanong. Pakiramdam ko nawalan ako ng kontrol kahit sa sarili ko. I want to find fault and blame it to myself but I don't have the strength to do it. I'm fine now... for now.

"I'm going to miss you. Anong gusto mong gift pagbalik ko?" She asked me.

I smiled and frowned at her. "Just get back here safely."

Tumaas ang kilay niya sa akin at unti-unting ngumisi. Nagtaas ako ng kilay.

"Sinasabi mo ba 'yan dahil concern ka talaga o dahil kasama ko si Kuya na aalis?"

My eyes widened at her question. Mahina ko siyang hinampas kaya tumawa siya. How she came up to that is beyond me! Ni hindi ko naisip 'yon.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na okay na kayong dalawa. I thought it's impossible for you two to at least be civil to each other!"

"Civil naman kami no'n ah?"

"Era, you always diss my brother before and you can't even stand a normal conversation without shadily insulting him." Humalakhak siya.

Tumawa rin ako. Ngayong binabalikan ko rin ang nakaraan ay hindi ko maiwasang mapa-iling. How come then that we're this close now? Too close actually that it's scaring me.

Madilim na nang sinundo ni Olzen ang kapatid. Nauna na si Kruise sa sasakyan habang naiwan si Olzen sa harap ko. Nasa labas kami ng bahay at tahimik ang ilang segundo mula nang umalis si Kruise.

"Do you have any plans for Christmas?" He asked after a stretch of silence.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatitig siya sa akin, alerto sa bawat galaw ko. Ngumuso ako at nagkibit ng balikat.

"Hindi ko alam kay, Papa."

"I'd call and text regularly, is that alright?"

"May bago ba?" Nagtaas ako ng kilay.

Slowly, his lips stretch for a proud smirk. Huminga siya ng malalim at mas lalong lumapit sa akin. Mas lalo kong naamoy ang kaniyang pabango. Suminghap ako at kinagat ang labi dahil sa pagbilis ng pintig ng puso.

"I'm going to miss you. Please miss me too..." paos niyang sinabi.

I stared at his hopeful eyes. I gritted my teeth to stop myself from giving him the answer that he probably wants to hear. Instead, I raised my brow on him and shrugged casually. His head fell back and growled a soft groan.

"Oh, Olzen?"

Halos mapaatras ako nang marinig ang boses ni Papa. Mabilis akong lumingon sa pintuan at nakita siya ro'n. Nakatayo at pinapanood kami. I took a step backward as my heartbeat increased. Sumulyap sa akin si Olzen, bahagyang nagseryoso.

"Hello po, Tito. Sinusundo ko po si Kruise," magalang na sinabi ni Olzen.

Pinisil ko ang mga nanlalamig na daliri. Hindi lingid kay Papa ang palaging paghahatid sa akin ni Olzen sa bahay. Hindi niya ako tinatanong at mali man pero nagpapasalamat ako na hindi niya ako kinakausap tungkol do'n.

"Gano'n ba? Bukas na ang alis niyo hindi ba?" Nilingon ako ni Papa.

I swallowed the lump in my throat and gave out a sigh. Tumango si Olzen at namulsa. Hindi na siya lumapit sa akin, naramdaman niya yata ang pagka-ilang ko at alam niyang hindi pwedeng ipilit.

"Mag-iingat kayo kung gano'n. Send my regards to your parents. Huwag kayo diyan sa labas mag-usap at malamig diyan." Niluwagan ni Papa ang bukas ng pinto.

Mabilis na umiling si Olzen at sinulyapan ako. "Thank you, Tito pero paalis na rin po ako. I just talked to Era a bit."

Ngumuso ako sa sinagot niya. Muli akong nilingon ni Papa, umangat ng bahagya ang kilay niya.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho," bilin niya.

"Salamat po, Tito. Era," bumaling siya sa akin, "I'll go then."

Tumikhim ako at magaan na tumango. Tinalikuran na niya kami at dire diretsong lumabas ng bakuran namin. Bumusina pa ang sasakyan bago ito humarurot palayo. Huminga ako ng malalim at naglakad palapit kay Papa na naghihintay sa pinto.

Seryoso niya akong pinapanood. I feel guilty but then I want to convince myself that there's nothing to be guilty about because there's nothing going on serious with me and Olzen.

Inakbayan ako ni Papa nang makalapit na ako sa kaniya. Tumigil ako at ngumuso.

"May girlfriend na ba 'yong si Olzen?" Tanong ni Papa.

I was taken aback at his question. I shook my head lightly.

"Wala po, Pa." Mahina kong tugon.

Tumango siya at dinungaw ako. He smiled a bit at me like an assurance to something. I stared at my father.

"Alam mong bawal pa, 'di ba? Kung para sa akin lang naman anak, wala akong problema kung si Olzen, mas mabuti na nga iyong kilala ko. Kaso nga lang, ayaw pa ni Mama mo." Malambing niyang sinabi.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Alam ko kung anong tinutukoy niya. See? Kahit si Papa ay iba ang tingin sa kung anong mayro'n sa amin ni Olzen. Sumikip ang dibdib ko at umiling.

"Pa, hindi naman po nanliligaw si Olzen." Giit ko pero nanginig ang boses ko sa huli dahil alam kong hindi yata iyon tama.

"Hmmm. Gano'n ba? Aba'y kung manliligaw man ay gusto kong humarap siya ng mabuti sa akin." Seryoso niya sinabi.

I pouted a bit and shook my head. Alam kong hindi pwede. Nangako ako kay Mama at ayokong mabigo siya kapag nalaman niyang may boyfriend na ako.

Boyfriend?! What, Era? How could you think Olzen as your boyfriend?!

Nanlamig ako sa sariling ideya. Marahas akong bumuga ng hangin. Do I even have to question that?

"Pa, alam ko naman pong bawal pa."

"Maaari lang din kung manliligaw lang naman," giit ni Papa at ngumiti.

Tumawa na lamang ako para iligaw ang mga naiisip. I must be insane to think about that! And Papa is not helping by pushing that idea to me!

Alone in the small balcony of my room, I can see the different neon lights everywhere in our neighborhood. I can hear loud happy melodies, genuine laughs, honks and many more in which people's way to celebrate their happiness.

Some of our relatives from my Papa's side came to celebrate with us. Today is Christmas and I don't know why I feel like there is a missing piece to complete my happiness. For the past Christmas, I had only one great wish. For my family to be complete again. I want Mama by my side again.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko tinalikuran ang tanawin. Pumasok ako sa aking kwarto at sinara ang pintuan, sakto naman ang pagtunog ng cellphone na nasa aking lamesa.

It was a message from Olzen. Kanina ay tinawagan niya ako para batiin at pinaalam niya sa akin na dito raw sila magdiriwang ng bagong taon. Nasa Chile sila ngayon kaya naman ay sa Skype kami nag-uusap.

Mabilis lumipas ang araw. Pakiramdam ko ay magpapasukan na naman pero hindi ko pa nasusulit ang bakasyon ko. Bukas ay narito na sina Kruise. Nasa byahe na sila ngayon pabalik ng Pilipinas at ang sabi niya'y diretso daw sila rito kaya naman ay wala silang pahinga.

Kahapon ay kababalik namin galing La Union. Dalawang araw lamang kami do'n at kasama namin ang mga pinsan kong naglibot sa mga beaches at pasyalan doon. Kaya naman ngayong araw ay wala akong gagawin kundi magpahinga.

Pagdating ng hapon ay inaya ko si Lola na kumain sa labas. Hinatid kami ni Papa sa SM at kasama namin siyang namili ng mga gamit. I bought new clothes, shoes and sandals as my Mama's gift to me. Pagkatapos no'n ay kumain kami sa Jerry's.

"Bukas ang dating nina Benjamin, hindi ba?" Tanong ni Lola kay Papa.

"Oo, Ma. Sabi nga ni Beltran na lilimitahan na raw ang pagbibyahe ni Tito Ben dahil humihina na raw ito."

"Hay naku, kahit no'ng mas bata kami ay mas sakitin iyang si Benjamin. Kinausap ko naman na siya na magpahinga na lamang rito para mas lumakas pa ang katawan niya." Umiling si Lola.

"May stand by na nurse naman silang palaging dala, Mama." Ngumiti si Papa.

Umismid lang si Lola kaya bahagya akong natawa. I can see how Lola cares for Lolo Benjamin. Good old days never fade for them and it's beautiful that even in their golden days, their love for each other as great friends never stop.

Kinabukasan ay hindi ko maiwasang ma-excite dahil sa pagdating nina Kruise. Her last update to me was when they landed in Manila, but her brother on the other hand, messaged me about their being near to Cagayan.

Tanghali nang tawagan ako ni Olzen upang ipaalam na nasa Cagayan na sila. Bibisita raw sila ni Kruise mamayang hapon kaya naman ay pinalipas ko ang oras sa panonood ng mga drama. I almost fell asleep if only Lola didn't serve my snack. Hilig niya ang pagluluto ng mga minatamis kaya naman kahit sabihin kong ayoko magmeryenda ay wala akong magawa.

"Anong oras daw darating ang magkapatid?"

Umayos ako sa pagkakaupo at humikab. "Mamayang hapon Lola, mga alas singko siguro dahil nagpapahinga pa sila."

Ngumiti siya at tumango. Pagdating ng alas kuwatro ay umakyat na ako para maligo. Nanatili ako sa kwarto hanggang sa may narinig akong busina sa labas ng bahay. Pinigilan ko ang pagmamadali na bumaba dahil alam kong nariyan na sila. Maybe, I'm too excited to see Kruise.

Pababa pa lamang ako sa hagdan nang marinig ko na ang ingay ni Kruise, kausap si Lola sa may sala. Nakita ko agad si Olzen na nakatayo sa tabi ng sofa at mukhang may hinihintay. He's wearing a simple black cotton short and a bit white loose shirt. Sobrang simple pero iba ang dating. Huminga ako ng malalim habang pinapanood siya.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now