Chapter 5

8.3K 301 43
                                    

Chapter 5

"Congratulations, Era!"

Ngiti lamang ang iginagawad ko sa mga bumabati sa akin habang palabas ako ng gym. The graduation ceremony just ended and my father is waiting outside the gymnasium. Nauna siyang lumabas sa akin dahil tumawag si Mama at maingay sa loob ng gym.

Hindi pa ako tuluyang lumabas. Inilibot ko ang paningin sa loob ng gym, ang mga mata'y abala sa paghahanap kay Lola. She's with the Rosales when I last saw her. Kumpleto ang pamilya ni Kruise ngayong graduation niya. I want to feel bitter because my Mama is not here but I know it won't make sense to feel like that.

May iilan pang lumapit sa akin para batiin ako. Dapat ay ibinigay ko na kay Papa itong mga medalya at certificate na natanggap para wala na akong bitbitin pa. Idagdag pa na mainit sa loob ng gym at hindi pa natatanggal ang gown ko.

"Era! Dito!"

I glanced at my left side and I saw Kruise with her family. Malaki ang ngiti niya habang kumakaway sa akin. Nilingon din ako ni Lola na kausap si Lolo Benjamin. I made my way towards them while fixing my braided hair.

"Look at you! Your mother would be really so proud of you if she's here!" Ngumiti si Tita Kriza sa akin.

Ngumiti ako. "Thank you po."

"Nasaan si Arturo, Era?" Si Tito Beltran.

"Nasa labas po. Tumawag po kasi si Mama," tumikhim ako.

Huli na nang mapansin ko kung sino iyong nakatayo sa gilid nina Lola. Nagkatinginan kami ni Olzen nang magawi ang tingin ko sa kaniya. Sa tabi niya ay ang Kuya Tyrell niya. He's wearing a baby blue polo shirt and a dark jeans. I saw him before the ceremony started but it was for a short time kaya naman ngayon ko lang siya napagmasdan ng husto.

He looked cold, but his eyes were soft and calm as he stared at me. I blinked and tried to maintain a straight face.

"Congratulations." Banayad ang boses ni Olzen.

Tiningnan siya ng Kuya niya bago ito bumaling sa akin. Kuya Tyrell smiled warmly at me.

"Congrats, Era."

"Thank you." Bumaling ako kay Kuya Tyrell.

"O siya, Benjamin. May kaunting handaan sa amin kaya kailangan naming mauna na at mag-asikaso. Sumunod na lamang kayo." Si Lola Ethel.

"Susunod kami Tita, pero baka maiwan na lamang ito mga bata dahil uuwi rin kami upang maghanda para mamayang gabi." Tugon ni Tito Beltran.

"Sige at pupunta rin kami sa inyo mamayang gabi."

Bago umalis ay nagmano muna ako kay Lolo Benjamin at nag-usap kami saglit ni Kruise. Nagkatinginan pa kami ulit ni Olzen bago kami lumabas ng gym. Suminghap ako at 'tsaka lang kumalma ang paghinga ako nang makapasok sa sasakyan.

"Nasabihan mo ba ang mga kaklase mo, Era? Ang mga guro mo?" Si Papa.

"Opo, Pa."

Nang makarating kami sa bahay ay naging abala agad si Papa. Binati ko ang mga nag-aasikaso bago umakyat sa aking kwarto. I put all the medals and certificate on my table before changing into a more comfortable dress. Bumaba rin ako kaagad para tumulong. May mga kinuha naman si Papa para mag-asikaso pero kailangan ko pa ring tumulong.

"Naku, Era! Umupo ka na lamang diyan at mamaya'y darating na ang mga bisita mo! Pagpapawisan ka pa!" Sita sa akin ni Manang Nona nang sinubukan kong punasan iyong mga platong nasa lamesa.

"It's fine, Manang." Ngumiti ako.

"Ikaw talagang bata ka!" Umiling siya.

Hindi rin ako nagtagal doon dahil nagsidatingan ang mga kaklase ko. I got busy attending them. I told my parents there was no need to throw a party. I'm fine with just a family dinner. But Mama insisted, and I couldn't do anything for Lola agreed to her idea too.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now