Chapter 31

5.9K 211 32
                                    

Chapter 31

Bago ako umalis noon, sinubukan ko nang tanggapin lahat. Hindi ko sinabi ang pag-alis namin, hindi ko sinabing hintayin niya ako, dahil bata pa ako noon at sa tingin ko malabo ang makabalik ako.

I didn’t tell him to wait for me because I wanted to give him the choices. Hahayaan ko siyang magdesisyon kung maghihintay ba siya o kakalimutan ako. At hahayaan ko siyang sumaya muli kung sakaling may darating ulit para sa kaniya.

I thought it would be easy to accept it if that happened. But for the past years, I didn’t think of that, instead it’s the opposite. I thought that if we meet again, he’d still be faithfully waiting for me. The hint that he might have forgotten me and found someone else never crossed my mind.

I told you, Era. Both of you were still young back then. The promises you swore to each other would eventually be forgotten. I warned you but still, you willingly gave in!

I, myself of all people, should know by now that love in reality is far different from that of what I’ve dreamed of. I wanted a love that would run deep and will never fade. A love that is as bright as the sun, perfect and flawless in any way.

I desired for a perfect love and even if the timing was wrong, I still believed that Olzen was my perfect love.

What a big fool! That was the young me, the young and naïve Elais Aurora. And now that I am older… I have finally accepted that there is no perfect love. We can only seek for it but we can never live for it. The perfect love can never be tamed.

Madramang bumuntong hininga si Meana sa aking tabi. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at ngumiti. Kumurap ako at pinukol ang tingin sa tanawin.

“It hurts, pero sa tingin ko naman hindi natin siya masisisi. You said you left him without a word at siyam na taon kayong hindi nagkita. Honestly speaking, imposibleng hindi siya makakahanap ng iba sa mahabang panahon na iyon. Santo lamang ang kayang maghintay ng walang kasiguraduhan sa ganoon kahabang panahon.” Umiling si Meana at sumimsim sa wine glass na hawak.

Humugot ako ng malalim na hininga. Alam kong tama siya pero hindi pa rin maalis sa akin ang pagkabigo. Siguro, masyado lang akong nanindigan na may babalikan pa rin ako. Hindi ko na inisip ang ibang bagay.

Pero habang binabalikan ang nangyari ngayong araw, hindi ko maiwasang magtanong. Why did he dance with me then? To prove a point? Na ano? Nakalimot na siya? Bakit niya pa kailangang gawin iyon?
Pumikit ako ng mariin. Ano pa nga ba, Era? Pero importante pa ba iyon? The point here is that, he’s got a girlfriend already! It means your feelings are now invalid!

“Hindi ako galit sa kaniya… galit ako sa sarili ko.” Nanginig ang aking labi.

Tinitigan ako ni Meana. Hindi naman ako umiyak ng husto, in fact, I can count the tears I shed today. Ang sakit ng dibdib ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-iyak, naluluha lamang. It’s like my eyes are too tired for the salted tears.

“Galit ako dahil umasa ako ng husto. Galit ako dahil masyado akong nanindigan na may babalikan ako. I made a fool out of myself!”

“Maybe it’s time to let go now, Era.” Meana sighed.

I gritted my teeth and looked up to the dark sky. Nagkalat ang libo libong tala. Mapait akong ngumiti.

Kruise, do you remember my promise? To make your brother happy? Sa tingin ko hindi na kailangan pa. Gusto ko mang tuparin iyon, sa tingin ko nakalaan na sa iba ang trabahong iyon. Your brother is happy now, Kruise. I’m out of the picture.

Sa sumunod na mga araw, pinilit kong ibaling sa iba ang atensyon. At laking pasasalamat ko rin na kasama ko ang pinsan. She kept me occupied with her company. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko ang nangyari sa kasal no’ng tumawag sila para mangamusta.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now