Chapter 3

9K 346 18
                                    

Chapter 3

"Ilang taon po kayong nanilbihan sa Navy, Lolo?" Bahagya akong ngumiti sa pangatlong tanong.

Kanina pa kami nagsimula sa interview. Ako ang naatasan na mag-interview, si James ang gumawa ng script at ang iba'y sa teknikal. Nakatalikod sa litrato nilang mag-asawa, naka-upo kami ni Lolo Benjamin sa dalawang high chair na ipinahanda niya kanina.

Kruise was watching us. Hindi ko na mahagilap si Olzen dahil umalis siya nang nagsimula na kami. It's not that I'm looking for him though...

"I served the Navy almost my whole life. Nearly thirty years. I only retired because of my wife." Ngumiti ito sa akin.

Umawang saglit ang labi ko. Madalas magkwento sa akin si Lola pero hindi lahat. Madalas ay iyong mga kabataan lang nila. Hindi ko alam na gano'n siya katagal sa trabaho niya.

Nang matapos ang interview ay nag-pack up na kami. Halos isang oras din iyon at iisang take lang. Ilang beses kaming nagpasalamat kay Lolo Benjamin at panay lang ang ngiti niya sa amin.

"Era, uuwi ka na ba? Dito muna tayo." Aya sa akin ni Kruise.

Tinanguan ko lang siya at nagpaalam sa mga kagrupo kong nagpapack-up na.

"Anong susunod pagkatapos nito?" I asked.

"Okay na 'yon, Era. Kami na bahala sa editing." Tumango si Cherie.

"You did good back there. Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni James at sumulyap kay Kruise na naghihintay sa akin.

"Ah, hindi pa e. Inaaya ako ni Kruise."

Isang beses pa ulit sinulyapan ni James si Kruise bago tumango sa akin. Umangat ng bahagya ang kilay ko.

"Sige. Uhm... say thank you to Kruise for me. And to her Lolo, once again." Tumikhim siya at hinarap ang mga kasama namin.

Nagkatinginan kami ni Kruise. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Ngumisi siya at nagtungo kay Lolo Ben. Hinatid ko hanggang labas ang mga kaklase ko. Habang pabalik sa mansyon ay hindi ko maiwasang punain kung gaano nga kalaki ang lupain nila, dito pa lamang.

Ang pagkakaalam ko'y ang tatlong anak ni Lolo Ben, maliban sa Daddy nina Kruise, ay nasa ibang bansa. Mula sa mga kwento ni Kruise sa akin, nang makapagtrabaho sila ay nangibang-bansa ang mga ito kasama ng Daddy nila. Pero no'ng huling balik niya sa Pilipinas ay hindi na ito nangibang bansa pa dahil matagal din ito ro'n. The reason why they go abroad a lot is because some of their family is there.

It makes me wonder why they're still working so hard in other country when they're very rich now. May kompanya pa sila sa Manila na itinataguyod ng Daddy nina Kruise, si Tito Beltran at ang panganay nila na si Kuya Tyrell. At ang mga lupain nilang napakalawak at nagkalat pa sa ibang lugar.

Isang lingon sa malawak na garahe ay natagpuan ko agad si Olzen... kasama ang mga kaibigan niyang kaklase niya rin. I didn't know his friends are here too. Malakas ang tawanan nila dahil puro sila kalalakihan.

Aside from being a brute and a playboy, hindi ko alam na magaling din pala siyang makipagkaibigan. Nang lumpita siya rito no'ng 1st year college siya, hindi pa nag-iisang buwan ay marami nang may gustong makipagkaibigan sa kaniya. He's already in 2nd year college, Engineering ang course siya. He's following the footsteps of his father and her grandmother.

Iniwas ko ang tingin mula sa grupo nila at nagpasya nang pumasok kung hindi lang ako nahanap ng mga mata ni Olzen.

From a distance, I saw how his eyes deepened in intensity. Suminghap ako at nagkunwaring hindi siya nakita at nagpatuloy sa paglalakad. I can still remember what we talked about earlier. And I can't believe we really manage without fighting.

Untamed (LAPRODECA #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang