Chapter 13

7K 240 6
                                    

Chapter 13

Habang pinapanood ang tanawin sa labas ay hindi ko namalayan na kanina ko pa pala hinahaplos ang pendant ng kwintas na binigay sa akin ni Olzen. Binitawan ko ito at huminga ng malalim bago bumaling kay Lola na kinakausap si Papa.

Patungo kami sa mansyon ng mga Rosales para magdiwang ng bagong taon. They invited our family in their celebration. Pumayag si Papa dahil nakausap niya rin daw si Tito Beltran.

It was 10 in the evening when we arrived at the mansion. Hindi na ako nagulat nang may ibang tao ro'n maliban sa pamilya Rosales. Some known personalities in the Province are invited too, but not like the usual parties, there are fewer guests for tonight.

Hinatid ko si Lola kung nasaan ang mga matatanda. Nagmano ako kay Lolo Ben bago nagpaalam na hahanapin si Kruise. Sa may likod ng mansyon ay nakita ko ang mga abalang tauhan sa paghahanda ng mga pagkain. Lumiko ako para makapunta ulit sa harap ng mansyon.

Saktong pagpasok ko sa loob ay nakasalubong ko si Kruise na inaayos ang buhok. She smiled widely when she saw me.

"Kanina pa kayo?" Pauna niya at inakay ako sa loob.

"Kararating lang. I was looking for you." I replied and noticed that there were people in the wide living room.

"They are my cousins on my mother's side." Ani Kruise nang mapansin ang sulyap ko sa mga halos ka-edad lang din namin na mga pinsan niya pala.

"Oh." I nodded.

"May pinuntahan sina Kuya Olzen at Kuya Tyrell. Kanina pa sila umalis kaya baka pabalik na sila." She said while we're on our way to the dining area.

"I'm not asking," tumikhim ako.

Sumulyap siya sa akin at ngumisi. "Ito naman, sinasabi ko lang. Ang defensive mo naman masyado."

Uminit ang mukha ko sa sinabi niya. I rolled my eyes at her. Mas lalo siyang tumawa. She noticed the atmosphere between me and Olzen when they visited us the other day kaya naman ay mas tumatapang siya na asarin ako ngayon. Hindi na ako masyadong lumapit kay Olzen hanggang sa umalis sila at baka kung ano pang masabi niya sa harap nina Lola.

Kruise had a lot of stories to tell me. I listened to her while we're eating ice cream in their dining area. She urged me to narrate my vacation too and so she listened to me.

"Nasa Zambales pa rin sina James. Doon daw sila magdiriwang ng bagong taon." Ngumuso siya.

Maingay ang paligid lalo't nagkakasiyahan ang mga tao. May mga tauhan na pumapasok sa dining area at ilang mga pinsan niya. Pinakilala niya ako sa mga ito.

"You go to the same school then?" Mike asked.

He's a year older than us because he's already in his second year in college. Maputi siya at matangkad, he resembled Kuya Tyrell a bit because of his nose and eyes.

"Oo," simpleng sagot ko.

Natigil ang usapan namin ni Kruise dahil sumali siya sa kwentuhan. Magkaharap kami sa lamesa habang nasa kabisera naman si Kruise.

"You're taking up?" He queried.

I stopped eating my ice cream kahit kaunti na lang ang natira ro'n.

"Accountancy."

"Oh, wow. I have friends in Manila who's taking up accountancy too and I heard that it's hard. Totoo ba?"

Tinitigan ko siya. Bahagya siyang nakangiti sa akin, lumalabas ang kaniyang biloy.

"Wala namang madali na course." I smiled a bit.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now