CHAPTER 32

442 18 2
                                    

I immediately went out from where we are at after seeing those messages. Hindi na ako humingi pa ng paliwanag mula kay Kinoah. Sapat ng makita ang mga mensaheng 'yon para ipaintindi sa'kin ang lahat.

Iniwan ko siya na nagtatanong ang mga mata. Hindi niya ako sinundan dahil gulat siya ng ibato ko sa kama ang cellphone niya. Tumakbo ako palabas. Ito na naman, sumasakit na naman. Nararamdaman ko na ulit na parang pinipiga ang puso ko.

Umuulan ngayon at wala akong pakialam kung mabasa man ako ang gusto ko lang ay lumayo muna kay Kinoah.

Tumigil ako sa isang puno, malayo layo rin kung nasaan ang Rest House na pinag-iwanan ko kay Kinoah.

Silong man dito hindi pa rin ako nakatakas sa pagkabasa mula sa ulan. Nakikisabay pa sa pagbuhos ng ulan ang pag-agos ng luha ko mula sa aking mga mata.

Napaub-ob na lang ako sa dalawa kong tuhod at wala akong magawa kundi ang humagulgol.

'Babe I miss you'

'Ano akala ko ba pupuntahan mo ako ngayon?'

'Kinoah mybabe, miss na miss na kita.'

'Yong yakap at halik mo miss ko na. Puntahan mo na ako.'

'I love you babe.'

Walang ano ano'y bumalik na naman sa aking isipan ang mga mensaheng iyon. Sa maikling oras na nabasa ko 'yon, dahil sa isang tarak 'yon sa dibdib ko ay hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa rin.

Bakit ganito? Ayos na eh. Masaya na eh. Kasal na nga kami eh.

Ilang minuto na ang nakalipas pero na'ndito pa rin ako. Nakatitig sa dagat at akong nakasandal sa puno habang patuloy ang pag-iyak. Fvck I already missed him.

A moment later, I closed my eyes and found myself singing.

Y-You a-re the o-one for me,
You're the only boy I see~” I sob.

“You are the one I want,
You are more than enough.
You are the one for me,
You make me happy.
And I want you to love me,
I want you to hold me,
I want you to keep me close to you.
I want you to need me,
I want you to miss me,
I want you to kiss me like you do~”

“I-I n-need you here,
here righ now.
I'm breaking down without your love.
I need you here,
here righ now.
I'm breaking down without your touch~”

"I'm here."

Nagimbal ang buong sistema ko ng marinig ang nagsalitang iyon mula sa aking tagiliran.

Hindi ko maisip kung anong gagawin ko. Tatakbo ba ako palayo sa kaniya? Sasampalin ko ba siya dahil sa nakita ko? Magpapakamartyr ba ako? Yayakapin siya at sasabihing, sabihin niya lang na walang meaning ang mga messages na iyon at maniniwala ako sa kaniya? O iiyak na lang ba ako sa harapan niya at magpapakitang mahina para malaman niya kung gaano ako nasasaktan?

"I'm sorry," he mumbled the moment he reaches me. Nakayakap na siya sa'kin ngayon.

Bakit siya nag-sosorry? Bakit? Wala naman siyang ibang babae diba? Mali lang 'yong nabasa ko diba? No! No! Lie to me, baby. Lie.

"T-tell me, m-mali lang 'yong nabasa ko d-diba?" I'm still crying. Nanghihina ang mga tuhod ko at nanginginig ang kamay ko.

"Tama ang nabasa mo."

"No! P-Please lie to me at maniniwala ako s-sa'yo," I muttered. I tightened my grip on him.

I heard him chuckling. Wait? Is he happy na ganito ang nagaganap?

"Hindi ko kayang magsinungaling sa'yo, baby."

Fvck. I don't know how to control my emotions right now. The feeling inside me, magkakahalo sila. Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako o masasaktan.

"M-mahal m-mo siya?" Shit! I can't even handle myself to ask that question straightly. I just don't wanna hear the answer. I'm afraid.

"Yes." Napabitaw ang kamay ko sa pagkakayakap ko kay Kinoah ng marinig ko ang sagot na iyon.

One word that completely broke my heart and my soul, Yes. How I wish I didn't asked him so I wouldn't hear the answer.

Matapos kong bumitaw kay Kinoah naramdaman kong lalo niyang hinigpitan ang yakap sa'kin. Hindi ako gumagalaw at hindi ko siya tinutulak palayo.

Baka kasi ito na rin ang huling yakap na ibibigay niya sa'kin. Gusto kong sulitin ang pagkakataong ito.

"Mahal ko siya," he mumbled and that sucks! Bakit kailangan niya pang ulitin?

Hindi ba niya alam na nakakasaksak sa talim ang mga salitang 'yon? Ang malamang may mahal na iba ang taong mahal mo sa mismong bibig nito... wala ng mahabang eksplenasyon, masakit. Sobrang sakit.

"Bilang kapatid," he added and my eyebrows suddenly raised. He laughed.

"Mahal ko siya bilang kapatid. Kaya nga 'di ko binugbog."

"H-hey what are you saying?" I ask and he just cuffed my face and then kissed me instantly. A smack one.

"Yong mga messages, that was just came from my twin brother, yes baby, from Kiluah."

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa kahihiyan ng malamang si Kiluah lang pala ang nasa likod ng mga mensaheng 'yon. Pero hindi ko rin maitatanggi na masaya akong malaman 'yon.

Mas gugustuhin kong napagtripan lang kami ng siraulong si Kiluah kaysa malamang may babae talaga si Kinoah.

"Hindi ko naman magagawang magloko sa'yo," usal ni Kinoah at matiim na tumingin sa'kin.

"Basang basa ka ng ulan, magkakasakit ka niyan."

Hindi ako makapagsalita. Bumabalik pa rin sa ulo ko ang kadramahan ko kanina. Nakakahiya. Aish!

"I-Ikaw? Bakit ka pa lumabas? Umuulan," nakayukong tugon ko.

Niyakap niya lang akong muli at bumulong.

"I missed you." Sa pagkakataong iyon naging maluwag ang pakiramdam ko.

Kasabay noon ang paghinto ng ulan.

"Tila na!" pagpansin ko sa ulan dahil hindi na ito pumapatak.

"Pasok na tayo," aya ni Kinoah kaya naman tumayo na kaming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami nagsimulang maglakad.

So na'ndito pala ang kambal ni Kinoah na si Kiluah. Ano naman ang ginagawa ng siraulong 'yon dito?

Pumunta ba siya dito para lang manggulo sa'min? Para lang pagtripan kami? Grr! Nakakainis siya! May pa-iyak iyak pa ako amp!

Malalagot talaga siya sa'kin kapag nakita ko siya! Grrr! Humanda ka Kiluah!

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now