CHAPTER 13

436 22 0
                                    

Justin's POV

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng biglang may kumatok sa pinto.

Pagkabukas ko ay inuluwa noon si Kinoah na diretyong pumasok sa loob kahit hindi ko pa binibigay sa kaniya ang aking permiso.

“Hoy! Bakit ka na'ndito?” sigaw ko.

“Dito muna ako matutulog,” sagot niya saka humiga sa kama ko.

Bahagya akong tumawa at napahawak na lang sa bewang ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

“Tsk, ayos ka rin Kinoah ah,” sambit ko dahil hindi naman halatang makapal ang mukha niya.

“Siya nga pala...” Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo.

“May hihingin akong pabor.” Napakunot ang noo ko, matutulog na nga siya dito may pa-pabor pa?

“Ano naman 'yan?”

“Hindi ako a-attend bukas sa Program.” Humiga ulit siya at nagtaklob pa ng unan sa mukha.

“Baliw ka ba Kinoah? Paano si Avirille? Iiwan mo mag-isa sa gitna ng performance niyo?” bulyaw ko dahil hindi talaga puwedeng iwan niya na lang mag-isa si Avirille sa ere.

“Eto cellphone ko, may video riyan ng dance step namin, kung nag-aalala ka sa kaniya, aralin mo at ikaw ang pumalit sa'kin.”

“Paano kung ayoko?”

“Edi mag-isa roon si Avirille.”

“Gago ka ba?”

“Alam kong gusto mo si Avirille kaya alam kong hindi mo hahayaang mag-isa lang siya ro'n. Siya nga pala parehas kaming hindi payag sa kasunduan sa'min kaya wala kang dapat ipag-alala, kung gusto mo siya kumilos kana. Tulog na ako, nasa bag ko ang isusuot mo bukas. Practice well.”

Paano niya nasabing gusto ko si Avirille? I mean paano niya nalaman eh wala naman akong pinagsasabihan?

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone niya. Wala na rin akong magagawa, hindi ko na rin naman mababago ang isip ni Kinoah.

Gagawin ko ito hindi para mang-grab ng opportunity or para mag-take advantage, but I will going to do this just for Avirille's sake.

Hindi ako natulog dahil buong gabi ko pinractice ang sayaw. Inaamin ko medyo hindi ko pa kuha ang bawat steps, but I can say na kaya ko ng mag-perform

“Hoy Kinoah, hindi ka ba talaga pupunta sa school?”

“Hindi,” tanging sagot niya. Nakahiga pa rin siya ngayon. Bumangon lang siya kanina para kumain at nahiga ulit.

“Ikaw na muna ang bahala dito sa condo. Siya nga pala kung aalis ka may susi sa lamesa, paki-lock. Don't worry may susi akong akin.”

“Shit! Late na, aalis na ako.” Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya at umalis na ako.


Avirille's POV

Nang makita ko si Kinoah na may kahalikang babae agad akong pumasok ulit sa loob ng school. Hindi ko kayang pagmasdan sila ng matagal.

Hindi pamilyar sa'kin ang itsura ng babae pero sa tingin ko galing ito sa kabilang school dahil sa uniform nito. Bakit naman siya makikipaghalikan sa ibang babae ngayong alam ko na may gusto pa siya kay Bianca? Gano'n niya ba ako hindi kagusto na kaya niyang magustuhan agad ang iba?

Bumalik ako kung saan naroon sina Cahill at Justin. Kita ko ang pag-aalala sa kanila ng makita nila akong umiiyak.

Tinanong nila ako kung anong nangyari sa'kin at doon kinuwento ko sa kanila ang nakita ko. Dahil sa bigat na nararamdaman ko inabot ako ng alas-dose sa school mabuti na lang at sinamahan ako nina Cahill at Justin.

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now