CHAPTER 23

423 13 2
                                    

“Dahil alam niyo na ang lahat ano payag ba kayong dalawa sa magiging laban niyo?” tanong ni Mom kay Kiluah at Kinoah na nakaupo sa dalawang tabihan ko, bali pinanggigitnaan nila ako.

Nasa bahay kami. Si Mom, Tita Khalil, ako, sina Kinoah at Kiluah. Si Dad at si Tito Lito na Daddy ng kambal naman ay nasa trabaho nila.

“Payag ako,” agad na tugon ni Kinoah na walang pag-aalinlangan. Napatingin ako sa kaniya na parang nagtatanong ang mga mata.

“Ikaw Kiluah? Huwag mong sabihing 'di ka papayag kundi dito pa lang kita na kung sino ang buo ang loob.”

He just chuckles and utter, “Sino bang may sabing hindi ako papayag? Sure, maglalaban kami ni Kinoah.”

Sinilayan ng tingin ni Kiluah si Kinoah at sa pagkakataong iyon nagtama ang mga mata nila. I can feel the heavy atmosphere and seems like there's an electricity between them.

“Ok kung gano'n wala na tayong problema. Lumapit kayong tatlo dito.”

Sinimulang paikutin ni Mom ang raffle container na naglalaman ng bagay na hugis bilog, marami iyon. Pagkatapos ay hininto na rin ito at lumabas sa labasan ang isang bilog na kinuha ko naman.

“Kunin mo at tingnan ang laman niyan.”

Napatingin muna ako kay Mom bago kunin ang bagay na iyon. Tinaasan niya ako ng kilay kaya naman dahan dahan kong kinuha iyon at binuksan. Laman noon ang isang papel na may nakasulat.

“Billiards,” basa ko ng malakas.

“Next,” saad ni Mom kaya umalis ako at sinundan naman ako ni Kiluah.

Sa pangalawang pagkakataon iniikot ulit ang raffle container na iyon at lumabas ulit ang isang bola.

“Archery,” basa ni Kiluah.

“Ok last but not the least, your turn Kinoah.”

Iniikot ulit ni Mom ang raffle container sa ikatlong beses at lumabas ulit ang isang bola.

“Motorcycle racing.”

Kita ko ang pagkadismaya at takot sa mukha ni Kinoah. Maging ako natatakot para sa kaniya. Bakit motorcycle racing pa?

“S-sigurado ka ba dito, Kinoah?” tanong ko kay Kinoah ng makita ko siya sa labas ng bahay.

Ang totoo niyan medyo nagagalit ako dahil bakit siya pumayag? Ine-expect ko na hindi siya papayag. Gano'n niya ba ako kayang ipaubaya kung matatalo man siya? Teka bakit ko nga ba iniisip ito? Eh parehas lang naman sila ni Kiluah na pumayag. Aish.

“Kung iniisip mo na pumayag kami dahil tinuturing ka naming isang laro, then you're wrong. Kilala ko si Kiluah, buo rin ang loob niyang makuha ka.”

“Hindi ka marunong mag-motor at hindi mo talaga ginugustong aralin dahil takot ka Kinoah, ano pang laban mo?”

“Concern ka sa'kin?” he grinned.

Hindi ako nakapagsalita.

“Meron pang dalawang laro. And don't worry, it find ways. At sa tingin mo ba papayag ako na mapunta ka kay Kiluah? Kahit naman matalo ako babawiin pa rin kita.”

Naputol ang usapan namin dahil sa lumabas na si Kiluah. Umalis na ako at pumasok sa loob ng bahay.

Kinabukasan, lumapit ako kay Mom dahil binabagabag ako ng aking kaisipan. Hindi ko talaga maiwasang mag-isip ng kung ano ano at kabahan. Gusto ko na lang ipatigil ang laro.

“Mom, delikado po. Puwede namang ibang paraan eh. Ayoko lang na may isa sa kanila na madisgrasya,” pagpapaliwanag ko.

“Kung tungkol ito sa mga nabunot na laro huwag ka ng mag-alala. Nahanapan na nila nang paraan 'yan.”

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now