CHAPTER 25

447 21 1
                                    

Avirille's POV

Mabilis na tumakbo ang araw at sa mga araw na nagdaan marami na rin ang nangyari.

Si Justin at si Bianca? Ayon nagliligawan na. Napag-alaman naming matagal na palang may gusto si Justin kay Bianca simula pa noong bata pa lang ang mga ito. Kung hindi lang sana naging si Bianca at ng kapatid niyang si Levi sana tuloy tuloy pa rin ang pagmamahal niya rito. Sa kabilang banda, naikuwento naman sa'kin ni Kinoah na nagkagusto raw sa'kin si Justin pero dahil nalaman nitong may pagtingin na ako kay Kinoah pinili niya na lang manahimik at itago ang nararamdaman.

Sa ngayon, kami ang usapan sa school dahil na rin sa nalalapit na graduation at kinabukasan noon ay kasal na namin ni Kinoah.

Gayunpaman, ang lahat ay ayos na. Si Kiluah naman kilala ngayon bilang dakilang heartthrob sa University. Kahit sino na lang ang babaeng lumapit sa kaniya aakbayan niya, napakapilyo talaga.

“Oh bro!” bati sa'min ni Kiluah ng makita niya kaming palabas na ng School.

Iba na ang anyo ni Kiluah ngayon, I mean, nagpakulay siya ng buhok, highlight lang, color gray. Doon na lang yata tumitingin ang mga tao para masabi kung sino si Kinoah at Kiluah.

“Nambababae ka na naman,” I laugh.

Kakatayo niya lang kasi sa isang bench kung saan pinanggigitnaan siya ng mga babae.

“Ang guwapo ko kasi.” He winked.

Mayamaya ay naramdaman ko na lang na mag pumulupot na kamay sa bewang ko, si Kinoah. Pagkahawak niya sa bewang ko yumuko siya at binali ang leeg, looking directly to Kiluah.

“Mas guwapo ako sa'yo,” he whispered.

Ang hangin naman ng magkambal na 'to, iisa lang naman ang mga mukha nila amp.

Umayos na ulit ng tayo si Kinoah at hinila na ako palabas.

“Avi,” tawag sa'kin ni Kinoah kaya naman napalingon ako sa kaniya. Nasa loob na kami nang kotse.

Sumalubong sa'kin ang labi niya. Smack kiss lang 'yon at wala lang siyang ekspresyon, parang normal lang sa kaniya na nakawan ako ng halik.

Habang tulala pa rin ako patuloy lang siyang nagmamaneho.

“Mamaya na tayo umuwi, may pupuntahan tayo.”

Nabalik ako sa ulirat ng basagin niya ang katahimikang namumuo sa loob ng sasakyan.

“S-saan?”

“Doon ulit.” He smiled and manuevered the car faster than its normal speed.

Dinala niya ako ulit sa lugar kung saan ako nagpumilit sumama noon.

Sa favorite place niya. Lugar ng katahimikan kung saan may isang malaking puno at kita ang kalawakan ng dagat at kabuuan ng lugar.

Umupo ulit kami sa ilalim ng silong ng puno at tinanaw ang nasa harapan namin.

“Avi,” he whispered and for the second time, sa pagharap ko sa kaniya ninakawan na naman niya ako ng halik. Smack kiss lang ulit 'yon at tulad kanina parang normal lang na gawin niya 'yon.

“Tama pala na ikaw ang kauna-unahang babaeng naisama ko rito.”

“B-bakit?”

“Dahil ikaw ang babaeng pakakasalan ko.” He smiled at me and I then smiled as a response. Later, may kinuha siya sa bulsa niya. That's a marker pen.

Dumampot din siya ng isang flat stone at binuksan ang hawak na marker pen at nagsimulang magsulat sa bato.

Kinoah < 3 Avirille’

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt