CHAPTER 22

447 19 9
                                    

Sa sobrang bigat nang atmosphere hindi ko magawang makapagsalita.

“Ehem, Avirille mas mabuti kung kay Kiluah ka na sumama, he's your fiancé diba?” si Bianca.

Tiningnan naman ako ni Justin sa mata at ibinaba ang kamay. Sunod ay tinapik ang balikat ni Kinoah.

“Bakit hindi natin hayaang si Kinoah muna ang maghatid kay Avirille? Mag-inom pa tayo. Mamaya na tayo umuwi,” pag-aya ni Justin sa dalawa, kay Levi at Kiluah.

“Tara na!” Hinila nito ang dalawa palayo sa'min at hindi na ito nakapiglas.

“Let's go. I'll drive you home." Hinawakan ni Kinoah ang kamay ko sabay hila palabas.

“Pasok na.”

I'm stuck. Namamanhid ang katawan ko.

“B-bakit ka na'ndito?”

“Masama ba?”

“I mean—”

“Pumasok ka na lang at ihahatid na kita.”

Papasok na sana ako sa kotse niya ng bigla na lang akong may nakitang bata, nasa gita na siya ng karsada. Tumakbo ako ng mabilis palapit sa lugar ng bata.

“Hey saan ka pupun— Fvck!” I heard him cussed.

Alam niya na siguro ang gagawin ko. Tumakbo pa ako ng mas mabilis palapit sa bata. Masasagasaan siya ng sasakyan! Naabot ko rin ang bata at naitulak. Naiwan naman ako sa gitna ng karsada. Napapikit na lang ako ng makitang papalapit na sa akin ang sasakyan.

Bago pa man ako masagasaan bigla na lang may yumakap sa'kin at nadala ako nito sa tabihan ng karsada. Nagpagilong-gilong pa kami.

Sa amoy pa lang niya kahit hindi ko siya nakita dahil nakapikit ako, kilala ko kung sino siya.

“Kinoah—” 'Di ko na natuloy ang sasabihin ng bigla siyang tumayo mula sa pagkakayakap sa'kin at ibinangon ako.

Tinulungan niya ring makabangon ang bata sa pagkakatulak ko dito. Kinalaunan, dumating naman ang mga magulang nito, alalang-alala.

Kanina pa raw nila hinahanap ang anak dahil bigla na lang nawala sa tabi nila. Nang malaman nila ang nangyari pinasalamatan nila kami ng sunod sunod.

“Paano ba 'yan? Kailangan nating lagyan ng alcohol ang sugat mo.”

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang salitang 'yon. Tumawa naman siya nang bahagya. Nang-aasar ba siya?

“Hindi ka talaga takot mamatay 'no?”

“Bakit ako matatakot?”

“Oh bakit ka takot sa alcohol?”

“Takot lang ako sa alcohol pero hindi ako takot mamatay.”

“You're weird.”

“Call me whatever you want, Kino. I don't care.” I rolled my eyes as soon as I enter the car.

Nakaupo na ako sa loob ng sundan niya ako.  Hinawakan niya ang manubela at tumingin sa'kin.

He smirks. “Masakit ba sugat mo, baby?”

Parang bigla akong binuhusan ng napakalamig na tubig na may isang ref na yelo. Damn what he just said?

“Fvck you, Kino. Huwag mo akong ginaganiyan.”

“Why baby?” he chuckles making me pissed.

“Stop.”

“You told me to call you whatever I want, now that I am calling you baby, pinapatigil mo naman ako. I don't get you, Avi.”

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now